Prologue

237 11 3
                                    


PROLOGUE


THE NIGHT is cold and breezy. Iyon ang naramdaman ni Azaleah nang lumabas siya ng Mercedez-Benz niya para i-check ang sasakyan niya. Pero kahit malamig at madilim ang parte ng lugar na dinaanan niya ay pinagsawalang bahala niya iyon. Tiningnan niya ang gulong ng sasakyat at napaawang ang labi nang makitang flat ang gulong na iyon.

"What the..." Bakit na-flat iyon? Bwisit. Ang hassle tuloy.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya na nasa bag niya at hinanap ang number ni Mang Gusting na siyang personal tagalinis ng kotse niya sa mansion ng magulang. Pipinduitin niya palang sana ang numero nito nang may nagtakip ng bibig niya.

She felt a sudden fear coating her heart so she shouted even though it's muffled.

Hanggang sa unti-unti nawala ang malay niya.

Unti unti niyang naimulat ang mga mata niya at pakiramdam niya ay nabuhay ang dugo niya sa katawan pero nanghihina siya. Anong nangyari?

Pinilit niyang maalala ang huling nangyari. She was at her car when someone covered his mouth and nose! Nawalan siya ng malay and now...

"Hmmmmmm!" She tried to shout but it is muffled because of the cloth that ties in her mouth. At hindi lang ang bibig niya ang nakatali kung hindi pati na din ang kamay at paa niya. "Hmmmmmm!"

Mas lalong nadagdagan ang takot niya nang maramdamang wala siyang saplot ni isa.

Tumulo ang luha na nararamdaman niya. Am I being harassed again? Is what I fear the most will happen tonight? Oh God, please save me.

Sinubukan niyang makatakas sa mga nakatali sa kanya pero hindi pala iyon madali dahil posas iyon. Shit!

Madilim ang paligid, pero nakikita niya kahit papaano na nasa isang kwarto siya. At may pulang maliit na maliit na ilaw siyang nakikita na para bang may nire-record iyon.

"Gising kana pala Miss Fortez." Natigilan siya nang may magsalitang lalaki.

"Hmmmmm!" Pilit siyang kumakawala.

Pero mas lalong nadagdagan ang takot na pumapalibot sa katawan niya nang narinig niyang may ikinasa itong baril at itinuttok sa ulo niya. "Huwag kang maingay kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo ngayon din."

Para siyang asong naging sunud-sunuran. "Naiintindihan mo ba Miss Fortez?" Hindi siya makasagot dahil sa sobrang takot. Pero diniin ng lalaki ang baril sa ulo niya. "Sagot!"

Natatakot na tumango siya at hindi napigilang umiyak. "Mabuti naman." May narinig siyang parang isang susi. "Tatanggalin ko ang posas sa kamay mo, at ikaw ang magtatanggal ng tali mo sa paa habang may baril sa ulo mo. At kapag gumawa ka ng kahit na anomang bagay na magpapagalit sa akin, babarilin kita. Naiintindihan mo?"

Takot na takot siyang tumatango. Tulad ng sinabi nito ay tinanggal nga ng lalaki ang posas sa kamay niya at mabilis niyang hinablot ang kumot na nakapalibot sa katawan niya para protektahan ang sarili.

"Ngayon, tanggalin mo ang tali sa paa mo." Sabi ng lalaki at dahil takot na takot na talaga siya ay sinunod niya ito. "Mabait ka naman pala e."

Umiiyak na siya. Nagmamakaawa sa isipan niya na sana, sana walang mangyaring masama sa kanya.

"Ngayon gusto ko inumin mo 'to." May iniabot ito sa kanyang isang baso. Madilim man ang nakikita niya at hindi makita ang lalaki pero alam niyang may hawak itong baso.

Umiling iling siya. Malakas ang pakiramdam niya na may mali sa inuming iyon. "Isa! Huwag mo akong galitin Miss Fortez at talagang mapapatay kita!"

Wala siyang magawa lalo na ng diniin nito ang baril sa ulo niya. Nanginginig niyang tinanggap ang basong iyon atsaka tinanggal ang telang nakatali sa bibig niya at ininom ang basong iyon.

"Ayan, very good. Ganyan nga Miss Fortez." Parang natutuwa pa ito na inubos niya ang laman ng basong iyon.

Alak iyon, whiskey. Wala naming iba sa lasa ng alak pero parang mas uminit ang pakiramdam niya.

"P-palayain niyo na ako please, please, ibibigay ko sa inyo ang kailangan niyo. P-pera? Sasakyan? Name it. Huwag niyo lang ako s-saktan." Humihikbi niyang sabi.

Natawa naman ang lalaki. "Sad to say hindi ko kailangan ng pera, sasakyan o kahit na anong meron ka, Miss Fortez." Ngumisi pa ito na mas lalong ikinatakot niya. "It's showtime, Miss Fortez." Naglakad na ito papalabas ng kwarto at naiwan siyang mag-isa. Narinig niya ang pag-lock ng pinto kaya dali dali siyang tumayo para kalampagin iyon.

"Please! Buksan niyo 'to! Buksan niyo 'to!!!" Halos ibigay niya na ang buong lakas sa pagkalampag ng pinto. "Buksan niyo 'to! Pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako!!!" Lumipat siya sa mga bintana na nandoon pero nakasara din. "Tulungan niyo 'ko! Please! Help me! Help me! Help me!" She shouted at the top of her lungs.

Humahagulhol siya sa sobrang takot. Sumasama na ang pakiramdam niya sa mangyayari dagdag pa na parang nag-iinit na ang katawan niya.

Biglang bumukas ang isa pang pinto.

"N-no..." Sambit niya nang makitang walang saplot ni isa ang lalaking pumasok. Nabalot ng takot ang buong katawan niya. "H-hindi, 'w-wag kang lumapit..."

Nakita niya ang mata ng lalaki gawa ng liwanag mula sa kwartong pinaglabasan nito. Kitang kita niya ang mga mata nitong punung-puno ng pagnanasa.

"Please huwag! Huwag! Huwag!" But the man approached her and kissed her senselessly.

She tried to push him so hard. Diring diri siya! Ayaw niya ng ganito! Kahit pa na napakabango ng amoy ng lalaki, at malambot ang labi nito, pakiramdam niya ang baboy baboy niya pa din!

"Please no!!!"

But her body... feels different. Hanggang sa mag-blackout siya.

------------------------------------

A.N: Teaser above is the first teaser of first published Troublemaker way back 2015. Sila ang original main character. Pero ngayon iba na. Wala, na-share ko lang 'yong teaser haha.

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon