CHAPTER 9
"READY?" Tanong ni Azaleah sa anim na kalalakihang nasa harapan niya. Kaharap nila ang lamesa na may anim na baso pati na din ang iba't ibang klase ng alak.
Beer. Whiskey. Mojito. Rum.
Sinamahan niya na din ng pampaasim na calamansi. Nakakaawa naman para sa anim na 'to e, baka hindi pa nakakaubos ng baso tumumba na agad.
Isa isa nitong hawak ang susi ng kotse niya. Well, she doesn't mind. Makukuha niya din naman ang mga 'yon mamaya e.
"Ready!"
Napangiti siya. "Okay."
Sinimulan niya ng haluin ang mga alak na nandoon sa isang malaking pitsel. Hinalo niya ang beer, whiskey, mojito at rum. Pagkatapos ay pinisil niya din ng calamansi iyon para magbalanse ang lasa ng pait at asim.
Isa isa silang naglagay ng inumin sa baso nila. Gusto niyang tumawa dahil sa napaka dedicated ng mga 'to na manalo.
"Round 1 start." Atsaka niya ininom ang alak na nasa baso niya. Bottoms up.
Nakanganga lang ang anim na kalalakihan sa kanya atsaka niya inilapag ang wala ng lamang baso sa lamesa. Sumunod din naman sila.
"Ah fuck! May sa-demonyo ang alak na 'to!"
"Masusunog ata atay ko dito!"
"Tang*na!"
At kung anu ano pang reklamo ang narinig niya. Tsk.
"Round 2 start." Nagsalin siya at ininom ulit 'yon. Bottoms up again.
"Round 3 start."
"Round 5."
"Round 8."
"Round 10."
"Round 15."
"Round 20."
At nang umabot na ng round 30 ay natatawa na siya sa mga nakikita niya.
"B—budsh, m-may nak—kita ak—ong shtarsh." Sabi ni Stell habang tumuturo turo niya ang nasa itaas. "a-ang dam—ing shtarsh!"
"G—gago! W-wal—ang starsh s-sha b-bahay ko! L-lashing k-kana!" Sabad naman ni Isaac na pinagtatawanan si Stell e isa rin naman siyang lasing na.
Napatingin siya sa umiiyak na parang bata na si Callen. "H—hindi a-ako! Hindi ako ang k-kumuha!" Nanliliit ang mga mata niya sa sinabi ni Callen. Pero bigla nalang sinugod ni Gem si Callen at kinuwelyuhan. Pero dahil lasing na lasing si Gem ay nagkandasubsob ito sa sahig pero nanatiling nakakwelyo si Gem kay Callen.
"A—nong hindi i—ikaw?! Ga—go! I-ikaw! Ikaw kum—uha ng choco—late c—cake ko! F—uck you!"
Nailing nalang siya. Akala niya may mga sasabihin na 'to na mapakikinabangan niya.
"H-hindi ako! Shi—shi Jamesh 'yon! S-shabi ni—ya p-pa nga shob—rang tamish ng cake eh!"
Napairap nalang siya sa mga naririnig niya.
"Mish yu." Rinig niya namang sabi ni Cade habang may tinitingnan ito sa litrato. "mish yu ala—ga k-kong d—daga s—sha bahay. W-wala ng kakain ng m-mga tira-tira ko sa b-bahay."
Huh? What the. Akala ni Azaleah matino ang Cade na 'to, may pagkasiraulo din pala.
Nang mapatingin siya sa litratong hawak nito ay hindi naman iyon literal na daga. May kasama siyang babae doon.
"H-hoy Jamesh Bol—bolkob!"
"Ano?!" Narinig niya ang lasing na lasing na boses ni James. "A—anong ginawa ko sha—shayo?! Wala! Wala! Wala!"
BINABASA MO ANG
Troublemaker (COMPLETED)
RomanceAzaleah Fortez is a one powerful woman. She's too independent and has a strong personality that you wouldn't like the idea to have her as an enemy because she can tear you down with her feisty attitude. But one night, when she was alone, someone abd...