Chapter 7

99 7 8
                                    


May I present to you, James Volkov.

--------------------------

CHAPTER 7


AZALEAH is having a dinner with Mr. Valdez, one of the board of directors of Volkov Enterprises. Isa ito sa mga inuna niyang kausapin para sa plano niya.

"I am still wondering why someone like Mrs. Azaleah Volkov invited me to have a dinner." May malandi at malagkit ang tono na pagkakasabi nito sa kanya. Napangisi siya. Hindi na nakakagulat na nilagyan ni Mr. Valdez ng malisya ang dinner invitation niya.

She sipped her wine before speaking.

"Gusto ko lang kumustahin ang asawa mo, Mr. Valdez. I heard your wife have successfully expanded her business in Europe." Nakangiti niyang sabi rito. Kita niya sa mukha ng matanda na parang ayaw nito pag-usapan ang misis nito.

"Yeah, she is doing fine."

"Mabuti naman at ayos lang siya. Alam mo naman na nakakatakot magalit ang asawa mo hindi ba? You don't like it when she's mad."

Natigilan si Mr. Valdez sa sinabi niya. "Anong... ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya. "You cheated your wife several times, right?" Kinagat niya ang karne habang nakatingin sa matanda. "kaya nga mahigpit siya sa'yo. Monitored ang bawat galaw mo. Naka-oras din ang uwi mo sa bahay. Kahit ngayon, may nakabantay at pinanonood ang bawat galaw mo dahil walang tiwala sa'yo ang asawa mo. If my father and your wife are not business partners, I wonder if we could have a dinner meeting tonight."

Luminga linga ito at hinanap ang sinasabi niya. Kalauna'y nakita din nito ang dalawang taong naka tuxedo na parang pinagmamatyagaan si Mr. Valdez. Napangiti siya nang makita ang takot sa mukha nito.

Ayan, cheater kasi.

Paglingon nito sa kanya ay nakalahad na ang cell phone niya na naglalaman ng isang video na may kasama itong babae na pumapasok sa isang motel. "It's a recent video of you and your mistress, and for sure, Mrs. Valdez would file divorce in an instant."

"H-hindi pwede 'yon! Hindi kami pwedeng maghiwalay ng asawa ko dahil –"

"Dahil kukunin niya ang lahat ng shares mo sa iba't ibang kompanya kaya maghihirap kang muli. I know, Mr. Valdez. I know. Ayaw mo ng bumalik sa paghihirap, hindi ba? Kaya nga I am doing you a favor, and you will do mine."

Mukhang nakuha niya ang atensyon nito. "Totoo talaga ang balita. Tuso ka Mrs. Volkov."

"Hindi lang ako marunong lumaban ng walang dalang armas."

Tumango tango si Mr. Valdez. "Sige. Ano ang favor na iyon?"

"Malalaman mo din soon. For now, kapag may kailangan ako, gusto ko... tutulungan mo 'ko." Then she raised her red wine glass to him. "Cheers?"

Mr. Valdez blow a deep breath before grabbing his red wine glass. "Cheers."

Nang umuwi si Azaleah sa condominium, hindi na siya nagulat nang makitang inaantay siya ng asawa niya. Tuloy tuloy lang siya sa pagpapaluwag ng soot niyang damit.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

She expected him to question that. "It was unintentional. It just happened that I was there and I helped."

"Pero bakit nandoon ka? Anong ginagawa mo sa kompanya ko?"

Humarap siya rito. "Akala ko kasi nandoon ka kaninang umaga. Hindi ko naman alam na kapag lasing ka ay iresponsable kang hindi papasok sa umaga. I visited you there. That's all."

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon