Chapter 29

92 6 10
                                    



CHAPTER 29


"I SAW them once. I saw them murdered... infront of me."

Hindi niya inakala na si James ang anak ng dalawang taong pinaslang sa harap niya. Ang dalawang taong naghabilin sa kanya noon.

Azaleah's tears fall down to her cheeks. Tinitigan niya si James na halatang gulat na gulat sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?"

She sniffed. "Nung gabing 'yon. 'Y—yong sinabi kong may krimen akong nakita bago ako nagpunta sa pulis at muntik gahasain, i—it was them. It was the crime I saw."

She could see how her husband is confused. Naguguluhan ito dahilan para mapaupo ito sa sofa.

"Nakita mo? I—ibig sabihin, ikaw ang witness sa nangyaring pagpatay sa magulang ko?"

"James..."

"And you didn't tell me?"

"James. Please let me explain."

Pumikit si James at huminga ng malalim. Pilit na pinakakalma ang sarili. Hanggang sa magsalita ito. "Sige. Explain to me everything. Tell me everything the details."

Muling nanariwa kay Azaleah ang nangyari ten years ago. She was only eighteen when she saw what happened.

"Sinabi ko na sa'yo noon, hindi ba? G—galing ako sa party no'n ng mga kinilala kong kaibigan. I was on my way go back to home when I saw a man with a black mask on his head. N—nakita ko ang kotse ng magulang mo na nakahinto at nakaharang ang isa pang kotse. L—lumabas doon ang lalaking naka-black mask. A—agad akong nakaramdam ng kaba kaya nagtago ako, h—he pulled out his gun at titig na titig ako sa likod ng palad niyang may tattoo na sagisag ng araw. Then he pulled the trigger, t—ten times."

Tumingin siya sa mga mata ni James na nakikinig sa kanya.

"B—binaril niya ang magulang m—mo sampung beses."

"Si Karlo, siya ang may tattoo ng sagisag ng araw na iyon. Pero bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lahat ng 'to? Bakit nung hinahanap naming ang witness ay nawala ka?"

"Sa sobrang takot na bumabalot sa buong katawan ko no'n, dagdag pa na sinubukan kong magsumbong sa pulis pero muntik na nila akong gahasain, I almost forgot what happened that night. Hindi ko naalala ang gabing 'yon at kung bakit ako nagpunta ng police station. I was traumatized, said by the psychiatrist, that I tend to forget that nightmare. Ang sinabi nalang ng mga magulang ko sa akin na napadpad ako sa police station dahil nahuli akong umuuwi ng lasing mag-isa. P—pero these days, these nights, naalala ko na ang lahat. N—naaalala ko na ang lahat, James. At nagkaroon din ng side effect sa akin ang nangyari. I had panic disorder and anxiety that led me to alcohol tolerance."

Azaleah sniffed, ramdam niya ang mainit na likido ng luha galing sa mga mata niya at hinawakan ang pisngi ng asawa niya. "All this time, i—it was you. I—kaw ang tinutukoy nilang dalawa."

"W—what do you mean?"

"Nung umalis ang killer nung gabing 'yon, agad kong nilapitan ang magulang mo para bigyan sila ng tulong. When I opened the door, I saw your parents pooled with their own blood. Nung tatawag sana ako ng ambulansya no'n may sinabi sa akin ang magulang mo."

"K—kapag nak—ita mo a—ang a—anak namin p—pakisabi na mahal na mahal n—namin siya. Ha?"

"Mom..." James said as he wiped his tears. "Hanggang sa huli, kahit na puro ako reklamo sa kanilang dalawa ni Dad dahil palagi silang busy sa trabaho, h—hindi pa din nila ako nakalimutan. Ako pa din ang iniisip nila."

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon