Chapter 5

111 8 11
                                    



CHAPTER 5


THE WEDDING STARTED. Dahan dahan siyang naglakad tulad ng sinabi ni Bettina sa loob ng simbahan. Walang reaksyon ang mukha niya. Ramdam niya ang bigat ng mahaba at itim niyang wedding gown na tumatama ang buntot niyon sa upuan ng simbahan.

Hanggang sa akay-akay na siya ng magulang niya. Nakarating sila sa dulo at nakatitig lang si Azaleah kay James na nakatitig din sa kanya.

"Congratulations on your wedding day," rinig niyang sabi ng lolo ni James. Nakipagbeso siya rito at ganoon din naman ang ginawa ni James sa magulang niya.

She looked at her father who's crying now then she hugged him. "Dad, huwag ka ng umiyak."

Her dad wiped his tears. "I wish for your happiness, anak."

Tumango siya at humarap naman siya sa ina na nagpupunas na din ng luha. "I love you baby. Welcome to married life."

Married life. Yeah.

Niyakap niya din ang ina at pagkatapos ay humarap siyang muli kay James na ngayon ay nakalahad ang kamay. Inabot niya ito at sabay silang nagpunta sa altar, sa pari.

"Ang ganda mo." Bulong ni James sa kanya. Tumingin siya rito kahit na may belo na itim sa mukha niya.

Matik na umikot ang mga mata niya rito. Buti naman at itim ang belo niya sa mukha, hindi nito napansin ang ginawang pag-irap.

Hindi niya nalang pinansin ang sinabi ni James at nagsimula na ang seremonya. Wala siyang emosyon habang sinasabi ang wedding vow niya pero nang si James na ang nagsalita ay pakiramdam niya ay may pinagsamang sinseridad iyon.

"I vow to be at your side at your best and worst days. To be faithful without conditions. To protect you at all cost. To hold you from this day and forward," tumingin ito sa kanya at ngumiti. "I vow to continuously work on myself, and to be the husband you want and deserve." Then James inserted the ring in her ring finger.

"I now pronounce you... husband and wife."

Inisa nilang dalawa ni James ang pagitan nilang dalawa at dahan dahan naman itinaas nito ang itim na belo na nasa ulo niya. Walang reaksyon ang mga mata niya. Samantalang kitang kita niya ang emosyon sa mga mata ni James na hindi niya mawari.

"You may now kiss the bride."

Azaleah gulped. Unti unti niyang nilapit ang mukha sa binata and slowly, their lips met. She felt unfamiliar feelings inside her body. Lahat din ng tao na nandoon ay nagsitayuan at nagpalakpakan.

Now... she's officially the wife of her rapist, James Volkov.

Nang makarating sila sa reception ay agad niyang tinawagan ang sekretarya niya na naiwan sa Pilipinas.

"Jude," tawag niya rito. "I will send all the photos in your e-mail later. Gusto ko ipakalat mo sa buong mundo na kasal na ang may-ari ng Verified Magazine Company owner kay James Volkov, one of the hottest bachelor businessmen in the world and the heir of Volkov Enterprises. I will give our statements once we got in the Philippines."

"Copy Miss Fortez."

Binaba niya na ang tawag at binigyan ng atensyon ang mga kaanak nila na isa isang nagbibigay ng mensahe sa kanya. Nauna si Theo, ang nakababata niyang kapatid.

"I am Theo Fortez, I am her younger brother. Dahil na din sa laki ng age gap namin, sobrang protective niya sa akin to the point na ayaw niyang napupunta ako sa iba't ibang babae. I grew up having one woman in my life thanks to her. Lagi niya kasi akong pinapangaralan na kapag nagloko daw ako sa babae ay talagang kakalbuhin niya lahat ng buhok ko sa katawan."

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon