Chapter 14

71 5 2
                                    


If you happen to read the "eleven years" thingy, erase it and keep in mind that it is supposed to be "ten years", I can't find the chapter where I put that "eleven years" thingy, but if you happen to read, please do reply so I can edit it out. Thanks.

---------------------------------

CHAPTER 14


NANG makarating si Azaleah sa kanyang sasakyan ay napupuyos ang galit niya at parang gusto niya na talagang manakit. She immediately dialed Mrs. Alvarez number pero hindi nito sinasagot ang tawag. Naalala niyang pumunta pala ito sa probinsya kaya siguradong busy ito sa trabaho nito.

Napatitig siya sa hawak niyang dalawang zip lock plastic. Naglalaman iyon ng pinag-inumang plastic cup ni Selene at ang isang zip lock plastic naman ay para sa straw. Kinuha niya iyon nang umalis si Selene sa harapan niya.

Oo pinagdudududahan at may kutob na siya kay Selene na ito ang nag-utos sa kung sinomang nanggahasa sa kanya pero kailangan niya ng matibay na matibay na ebidensya.

Naalala niya ang napag-usapan nila ni Mrs. Alvarez kahapon.


"This..." May ipinakita ito sa kanyang zip lock plastic at naglalaman iyon ng dalawang puti na... butones? "Nakuha ko ito nung sinusuri naming ang bahay ni Mr. Volkov sa vacation house niya. Mukhang hindi nalinis ng maigi ng mga suspect ang pakalat kalat na ebidensya. At buti nalang hindi nalabhan ni Mr. Volkov ang damit niya nung gabing iyon."

"A—ano ang ibig sabihin ng mga butones na 'yan?"

"Fingerprint ng suspect."

"Fingerprint?"

Tumango ito. "Oo. Kung inosente si James at biktiima lang din siya, posibleng may naghubad sa damit niya. Maaaring sa suspect ang makikita nating fingerprint d'yan."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ibig sabihin... biktima lang din talaga si James? Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari?"

"Posible. Tulad nga ng sinabi ko sa'yo, walang dahilan si James para i-send sa'yo ng pasadya ang video tape niyong dalawa dahil nga posibleng ipakulong mo siya at hindi pakasalan. Malakas ang kutob ko na biktima lang din siya pero tulad din ng sinabi ko huwag ka muna magtitiwala."

"Si Selene. Siya ang primary suspect, hindi ba?"

Tumango muli ito. "May kailangan kang gawin Miss Fortez."

"Ano iyon?"

"Kailangan mong makuha ang DNA sample ni Selene. Kahit na anong nahawakan niya. Kapag nag-match ang fingerprint niya at ang fingerprint sa butones na 'to, ibig sabihin, siya nga ang suspect sa panggagahasa sa'yo."

Tama. Makikipagkita siya kay Selene bukas. Tamang tama.

"Sige. Leave it to me. Ibibigay ko sa'yo agad ang DNA sample niya." Sambit niya rito. "Pero bakit ka pa pupunta sa probinsya para mag-imbestiga? Kapag napatunayan natin na si Selene ang suspect, maaaring magsalita din siya kung sino ang ka-alyansa niya."

"Pwede pero hindi tayo pwede mapakasigurado. Kailangan ko pa rin puntahan ang taga-bantay na 'yon dahil gamit niya ang sasakyan ng may dashcam footage. Nung tiningnan ko ang kotse na 'yon, saktong sakto ang dashcam sa harap ng bahay ni James. Kaya malakas ang kutob ko na hindi lang isa ang mahuhuli natin, kung hindi kung ilan sila."

Kumuyom ang palad niya.

Malapit na. Malapit niya ng malaman kung sino-sino sila.

Kapag nalaman at nakumpirma na ng mga mata niya ang mga hayop na binaboy siya nung gabing 'yon, ipararamdam niya sa mga ito kung gaano siya ka-mabagsik.

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon