Chapter 22

80 6 3
                                    

CHAPTER 22

NAKAPIKIT ang mga mata ni Azaleah habang ang dalawang hintuturo niya ay nakadausdos sa noo at ilong niya. Ang dalawang siko niya at nakapatong sa office table niya habang nag-iisip ng napakalalim.

She's planning thoroughly and she's thinking deeply. Kung kinakailangan niyang ubusin ang oras sa pagpa-plano ay gagawin niya. Kailangan niyang maging matalino at matatag sa mga oras na ito. Hindi siya pupwedeng maging mahina, alam niya dapat ang susunod na magiging hakbang niya.

Malapit niya ng matuklasan ang totoong nangyari at kung sino ang nasa likod nito. Hindi siya pupwedeng magkamali sa mga susunod niyang hakbang.

Biglang tumunog ang intercom na nagkokonekta sa kanya sa sekretarya.

"Mrs. Volkov, Mr. Valdez wants to have a phone call to you. Ita-transfer ko po ba ang tawag?"

"Yes."

Binaba niya na ang tawag at segundo lang ay nakatanggap siya ng tawag sa telephone niya galing kay Mr. Valdez – ang unang director na nakausap niya.

"Mrs. Volkov, I have something to report with you."

"Ano 'yon?" Mr. Valdez became her spy inside Volkov Enterprises. Sinabihan niya ito na kung anoman ang nangyayari sa loob ng kompanya ni James ay dapat i-report nito sa kanya.

"There is an appeal of James' Volkov impeachment as a President of the company."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?"

"Board of Directors in Russia appealed James Volkov's impeachment. Nasilip ang tardiness at absentees niya dito sa kompanya at nalaman din ng mga directors na ikaw mismo ang nagpa-oo kay Mr. Dadamatov sa investment. 46 out of 50 directors in Philippines, America and Russia have agreed to impeach Mr. Volkov. Twenty-three directors, including me, sa mga pumayag ang gustong ikaw ang pumalit bilang new president."

Oh god. Kaya pala parang problemado ito nung huling nag-usap sila. Hindi man lang sinabi ito sa kanya ni James?

Napapikit siya ng mariin. "At ang twenty-three na natirang directors?"

"They want Jordan Volkov to be the new president." Si Jordan? Pero hindi naman ito isang lehitimong Volkov. "They want Jordan, kahit anak sa labas ang ama nito, nananalaytay pa rin ang dugong Volkov rito."

"Pero walang interes si Jordan sa kompanya ng pamilya niya."

Naalala niya ang sinabi nito nung minsan na kumain sila sa hapagkainan. Jordan doesn't want to handle their family business.

"Jordan refused to be the new president. Pero mapilit ang board of directors."

Naiyukom niya ng mahigpit ang kamao niya. "Anong sabi ni Mr. Johnson Volkov? Pumayag ba siya sa apila?"

"Pinag-iisipan niya pa. Pero dahil sa madami na ang umaapila, kasama na ang mga shareholders, ay asahan na nating papayag si Mr. Volkov. At kahit Chairman of the Board si Mr. Johnson Volkov ay hindi siya basta basta maaaring basta basta ibigay ang boto niya."

Damn it.

"Kailan gaganapin ang botohan ng mga directors?"

"In two days, Mrs. Volkov."

Kung siguro ay nasa isip niya pa ang paghihiganti kay James ay malamang natutuwa siya sa nangyayari at nagtatatalon sa saya pero hindi na ngayon. She's so worried. Naalala niya tuloy ang napag-usapan nila kagabi ng asawa niya.

"Hindi ko naman talaga gustung gusto na maging sa akin ang family company namin. Believe me or not, I have a reason why I only want Volkov Enterprises to be mine."

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon