Chapter 11

96 6 5
                                    

WARNING: Some explicit scenes may trigger you. Contains of sexual harassment story. Again, warning.

-------------------

CHAPTER 11


NAMUMUTAWI ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni James. Walang nagsasalita. Walang naguumpisang makipag-usap. Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan nilang bumalik sa penthouse dahil maaga pa ang pasok nilang dalawa sa mga trabaho nila.

Hanggang sa makarating sila sa penthouse nang wala pa ring nagsasalita.

She's heading to her room when James looked at her.

Alam niya na kaagad ang nasa isip nito kaya inunahan niya na agad. "Uhm, mags-shower lang ako. Pupuntahan kita sa kwarto mo mamaya."

Ngumiti ito sa kanya sabay tango. "Hihintayin kita. Magkukwento ka pa sa akin hindi ba?"

Tumango si Azaleah atsaka siya pumasok sa kwarto niya. Nagtungo siya sa banyo para maligo. Pagkatapos nagsoot siya ng pajama at white tee shirt. Pinatuyo niya ang buhok niya habang nakatingin sa salamin.

Hindi niya alam kung bakit niya 'to ginagawa. There's a part of her na gusto niyang maintindihan siya ng asawa niya. Na malaman nito ang dahilan niya kung bakit ganoon nalang ang takot at galit niya. Kung saan ba nagmumula ang ganitong ugali niya. Kung ano ang nasa likod ng pagiging matapang at tuso niyang ppag-uugali.

Kahit na may parte sa kanya na kaaway pa din si James, she will risk. Siguro pagsisisihan niya ang gagawin niyang 'to pero hindi niya na iniisip 'yon. She wants James to understand her.

Huminga siya ng malalim. Paulit ulit. Hanggan sa tumayo siya at lumabas ng kwarto niya. Nagtungo siya sa master's bedroom kung saan nandoon ang asawa niya.

Kumatok siya. Then she opened the door. Nakahiga si James at parang inaantay talaga siya nito.

"James."

"Medovvy." Ngumiti ito sa kanya at tinapik ang kama na may malaking espasyo. "Lay with me."

Kinakabahan na naman siya. Pero pinilit niyang labanan iyon at inihakbang ang paa niya para humiga sa tabi ng asawa. Humiga siya at nakatingin lang sa kisame. Ganoon din ang ginawa ni James.

"Are you okay?" Tanong ni James sa kanya.

Tumango siya habang nakatingin pa din sa kisame. "Oo. O-okay lang."

"You sure?"

Napalabi siya. "Pipilitin."

"Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo ngayon?"

"Kinakabahan ako."

"Kinakabahan ka ba na baka may gawin akong masama sa'yo?"

Hindi siya nahiyang tumatango. "Pwede ko naman maramdaman 'yon 'di ba?"

"Yes. You may. But you have your wrist-watch. Don't hesitate – "

"Alam mo, nungbata pa ako, estrikto si Daddy pagdating sa akin." Pagputol niya sa mga sasabihin ni James. Mukhang naintiindihan naman iyon ni James kaya natahimik ito. "Bilang unang anak at babae, ramdam ko ang pagiging mahigpit niya sa akin. No boyfriend allowed and curfew. Typical na Daddy's restrictions." Natawa siya ng mahina kapag naalala niya ang Daddy niya. "but you know what, I never whined or complained about it. Siguro kasi introvert ako so hindi rin naman ako mahilig makipagsocialize talaga."

Naramdaman niyang tumingin sa kanya si James pero nanatiling nakatitig siya sa kisame na parang nakikita niya doon ang nakaraan.

"Until I turned, eighteen. First year ko sa kolehiyo. I was excited because for the first time, nag-aral na ako sa Pilipinas. I told myself that I will make friends unlike to what I did when I was in States. Hindi naging mahirap sa akin 'yon kasi may mga naging kaibigan din naman ako. Sila Valeen, Loren at Yanice. Naging mabait sila sa akin. They showed me what friendship is. Akala ko perpekto na nga e. Akala ko magiging masaya na ako finally."

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon