CHAPTER 10
HILONG HILO si James na bumabangon sa kama gawa ng sakit sa ulo niyang pag-iinom. Ah fuck! Parang binibiyak ang ulo niya sa dalawa. Para siyang masisiraan ng bait.
Tsk. Oo nga pala, ibang klase ang ininom nila. Gawa ata ng demonyo ang alak na 'yon. Shit. Sumuko siya nung Round 20 na tapos the rest hindi niya na maalala. Ang huling naalala niya, lumalagok pa din ng alak ang asawa niya at prente itong nakaupo na parang hindi tinatablan ng hilo o ano. Parang tubig lang ang iniinom nito habang nakadekwatro at pinapanood silang halos magtawag na ng santo sa sama ng pakiramdam nila sa alak na 'yon.
"Shit talaga na malagkit!"
Lumabas siya ng kwarto at napasilip sa kabilang kwarto kung saan siguradong natutulog ang asawa niya. Siguro ito ang nag-uwi sa kanya sa bahay? Tsk. Ang babaeng 'yon, hindi nalasing? Parang ngayon lang ata siya nakakilala ng ganong klaseng tao na kayang ubusin ang sa-demonyong alak na 'yon.
"Oh fuck."
Pero napaisip siya. Bakit kaya ito nakipaginuman sa kanila kagabi? Anong purpose para malasing silang lahat? Hindi kaya may pinaplano ang asawa niya? Napakatuso talaga nito.
Hindi niya naman kasi magawang tumanggi sa inaalok ni Azaleah na makipaginuman kahit na may ideya na siya na may pina-plano ito dahil baka magtaka ang mga kaibigan niya. Hindi naman kasi nito alam ang tunay na rason bakit sila nagpakasal at bakit siya inalok ng kasal ni Azaleah.
Pero naaalala niya nagtanong si Callen sa kanya kagabi.
"Bakit mo ba inalok ng kasal ang kaibigan namin?"
"Kasi gusto ko."
"Bakit gusto mo?"
"Kasi gusto ko nga."
"Eh bakit gusto mo nga?"
"Kasi kailangan."
Tsk. Wala talagang matinong sagot ang babaeng 'yon. Dumiretso siya sa kusina para uminom ng napakalamig na tubig. Nakatanggap siya ng mensahe sa kaibigan na nag-aantay na ito sa baba ng lobby at sabi niya naman na pumunta ito sa penthouse niya. Kaya ngayon naghahanda na siya para maligo. Pero bago 'yon, pinapasok niya muna si Seven sa loob ng bahay.
"Mabilis lang ako mag-aayos."
Napabuntong hininga ito. "Totoo talaga ang balitang lagi kang late."
Ngising aso lang ang binigay niya at pagkatapos ay mabilis siyang nag-ayos. Wala na din naman ang hilo niya.
"Convoy ba tayo?" Tanong ni James habang papunta na sila sa parking.
"Nah. Kinuha ng nanay ko susi ng kotse ko. Sasabay ako sa'yo."
"Huh? Bakit?"
"Gala daw kasi ako ng gala."
Kumunot ang noo niya. "Aren't you a grown-up man?"
Kumibit balikat ito. "Hindi uso 'yon sa mama ko."
Nauna na itong sumakay sa passenger seat kaya sumunod nalang siya at naupo sa driver's seat. Ngayon sila pupunta sa vacation house niya na matagal niya ding hindi nabisita.
"Habang nagmamaneho ka, ire-report ko sa'yo ang background information na ginawa ko para kay Mrs. Volkov."
"Sure." Aniya habang nakatingin sa daan.
"Azaleah Fortez, a twenty-nine years old female and a current owner of Verified Magazine Company. She's a Filipino-American. Sa States siya naghigh school pero sa Pilipinas siya nag-college. Business Administration ang course niya and a dean's lister of consecutive four years and a cum laude student."
BINABASA MO ANG
Troublemaker (COMPLETED)
RomanceAzaleah Fortez is a one powerful woman. She's too independent and has a strong personality that you wouldn't like the idea to have her as an enemy because she can tear you down with her feisty attitude. But one night, when she was alone, someone abd...