CHAPTER 6
NANG sumikat ang araw, sabay na nagpunta si Azaleah at James sa kompanya na pagmamay-ari ni James Volkov. This is the good time to introduce herself as Volkov's wife. Lalo na't may ipinaplano siya.
Habang nasa byahe ay tinawagan niya ang sekretarya niyang si Jude. "Jude, I'll be late. Tell the board directors to ready a meeting later after lunch." Tumingin siya kay James na katabi niyang nagmamaneho. "I'll be introducing James Volkov as my husband." Walang buhay niyang sagot. "Atsaka pakihanda na din ang mga pinahahanda ko sa'yo." Sabi niya at ibinaba ang tawag.
Hindi niya alam kung namamalik mata ba siya pero nakangiti ang loko na parang may nakakatuwa siyang sinabi.
"Anong nakakatawa?"
"Wala naman," he said while looking at the road. "me, calling as your husband, it feels nice."
Huminga siya ng malalim at napapailing. Wala naman kasing nakakatuwa doon. "Gustung gusto mo talaga ang ideya na mag-asawa tayo."
"Why not? Maganda ka naman. Gwapo ako. Mayaman ka, mayaman ako. Hindi tayo lugi sa isa't isa."
Tsk. Kung pwede niya lang 'tong sipain palabas ng sasakyan.
"Anyways, anong oras kita susunduin mamaya? Wala kang kotse pauwi."
"Hindi na kailangan. Magpapasundo ako sa driver namin sa bahay."
"Susunduin kita. I insist."
Tumingin siya ritong muli. "Hindi mo na kailangan gawin 'yon James."
"I told you, I insist. Isa pa, asawa mo ako. Asawa kita. It is my duty to take care of you."
Nakaramdam siya ng pagbilis ng tibok ng puso dahilan para mag-init ang tiyan niya. Pakiramdam niya ay madudumi siya sa mga pinagsasasabi nitong si James.
Kinikilabutan siya.
"Whatever."
Hindi na siya nakipag-argumento. Mag-aaway na naman sila tulad ng nangyari kahapon. Tsk. Masisira lang ang mood niya kapag nakipagbangayan siya sa taong 'to.
Nang makarating sila sa Volkov Enterprises at ipinasok ang kotse sa main entrance ng kompanya, unang lumabas si James para pagbuksan siya nito ng pinto. Maraming empleyado ang nakapila na parang wine-welcome sila nito.
"Congratulations on your wedding." Sambit ng isang may katandaang lalaki na mukhang kaedaran ng ama niya atsaka ito tumingin sa kanya. "Good day, Miss Fortez. I am Ricardo Chua, the Chief Operations Officer of the company. Welcome to Volkov Enterprises."
"Likewise, Mr. Chua. I am Azaleah Fortez. Owner of Verified Magazine Company."
Ngumiti ito sa kanya. "I know." Tumingin itong muli kay James Volkov. "Shall we?"
"Let's go."
Hindi siya naging handa nang hawakan ni James ang kamay niya at iginiya siya nito papalakad. Nabigla siya. Pero hindi niya magawang tanggalin ang kamay nilang magkahawak dahil na din siguro ay ayaw niyang makahalata ang mga tao na hindi naman talaga sila magkasundo.
Nang makarating sila sa conference hall ay magkahawak pa din ang kamay nila at lahat ng Board of Directors ay tumayo na para bang isang hari ang pumasok at lahat sila ay kailangan magbigay pugay.
"Good morning." Paninimula nito atsaka sinenyasan ang mga Board of Directors na umupo. Sila lang ang natirang nakatayo sa harap. "Today is a very special day. Two days ago, I just got married to one of the listed bachelorettes in the world. She owns Verified Magazine Company that we all know in business industry. I would like you all to meet and welcome my wife... Azaleah Fortez-Volkov."
BINABASA MO ANG
Troublemaker (COMPLETED)
RomanceAzaleah Fortez is a one powerful woman. She's too independent and has a strong personality that you wouldn't like the idea to have her as an enemy because she can tear you down with her feisty attitude. But one night, when she was alone, someone abd...