CHAPTER 20
NAGTUNGO si Azaleah sa kompanya ng asawa niya at kasalukuyang nasa harapan niya ngayon si Diane, ang sekretarya ni James.
Sinimsim ni Diane ang kape sa baso. Tinitigan niya ang basong ininuman nito hanggang sa mailapag nito ang baso sa lamesa. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pink lipstick nito na kaparehong kulay ng branded lipstick na nakita nila Jerico sa bahay ni James.
Sinimsim niya ang sariling kape habang nakatitig kay Diane Mejia. Naalala niya ang plano niya. Kailangan niyang makuha ang DNA sample nito sa pamamagitan ng pagsimsim nito ng kape sa basong ininuman.
"Ma'am? Bakit niyo po pala ako pinatawag?" Ibinaba ni Azaleah ang basong hawak at inilapag iyon sa coffin' table.
Ngumiti siya ng napakatamis sa sekretarya. "Diane Mejia. A high school graduate and the bread winner of the family. At the age of 20, lumuwas ka dito sa Maynila para makapag-trabaho. Fortunately, you were hired here in Volkov Enterprises as a secretary for nearly ten years already kasabay ng pag-appoint kay James Volkov bilang presidente ng kompanyang ito." Aniya sa dalaga. Ngumisi siya nang makitang napayuko ito.
"You are one of the hardworking employees here in my husband's company and because of that, you managed to buy home for you family, sustains medical assistance of your mother and able to send your siblings to school. Tama ba ako, Miss Mejia?" Kita niya ang kaba sa mukha nito.
"P—paano niyo po nalaman ang tungkol sa akin M—Mrs. Volkov."
"Dahil curious ako tungkol sa'yo, Ms. Mejia. And I am wonder why are you tensioned right now. Hindi kaya may itinatago ka sa akin? At sa amo mo?"
Kulang nalang ay pagpawisan ng malapot si Diane. Para itong natatakot sa tigreng kaharap nito dahil anumang oras ay kakainin ito ng buhay.
Napangisi siya. Mukhang mapapaamin niya ang isang 'to.
"Sumagot ka ng maayos sa akin, Ms. Mejia. Yung totoo at walang halong kasinungalingan. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho at mamatay ang nanay mo sa sakit." Nagpipigil siya ng galit na nararamdaman. "Nasaan ka nung October 5 ng gabi? Nasaan ka nung mga gabing 'yon?"
Napakurap kurap si Diane nang salubungin nito ang titig niya. Kita niya ang paglunok nito ng laway.
"P-po?"
"Sumagot ka. Alam kong hindi mo makakalimutan ang araw na 'yon dahil iyon ang araw kung kailan binigyan ka ni James ng tatlong araw na bakasyon, hindi ba? Kaya sagutin mo ang tanong ko. Nasaan ka nung gabing 'yon?"
Bigla itong yumuko at parang hindi mapakali sa kinauupuan. Nauubos ang pasensya niya rito. Handa na sana siyang bulyawan 'tong muli nang sumagot ito.
"N-nasa kaibigan ko po ako n-nung gabing 'yon. Reunion po ng mga k-kaibigan ko."
"Sinungaling! Ang ayoko sa lahat ang sinungaling. Kaya sabihin mo sa akin ang totoo! Nasaan ka nung gabing 'yon?!" Hindi niya na mapigilan ang sarili. Nanggagalaiti na talaga siya. "O baka naman gusto mong mawalan ng trabaho—"
"Huwag po! Huwag po! Please, kailangan ko po ng pera. Please. H-hindi ko po kakayanin kapag nawala po ang trabahong 'to. E-eto nalang ang binubuhay ng pamilya ko. P-please po. Huwag po." Tensyonado pa rin ito. "Totoo po ang s-sinasabi ko. Kasama ko po ang mga k-kaibigan ko. Nagkita kita po kami. P-pero bigla po akong tinawagan ni Sir James..."
Nakuha nito ng buo ang atensyon niya.
"Anong nangyari?"
"T-tinawagan niya po ako para magpasundo sa akin. M-malapit lang po kasi ako sa lugar kung saan siya nagiinuman. I-isang sakay lang ng jeep. Nagmamakaawa siya na sunduin ko daw siya t-tapos tataasan niya daw ang sweldo ko." Kwento nito sa kanya. "Dahil kailangan ko po talaga ng pera, pumayag ako. I-iniwan ko mga kaibigan ko para puntahan siya. N-nakita ko po siyang lasing na lasing nung gabing 'y-yon. T-tapos ihahatid ko sana siya sa pinakamalapit na hotel k-kasi hindi ko naman po alam kung paano ko siya iuuwi."
BINABASA MO ANG
Troublemaker (COMPLETED)
RomanceAzaleah Fortez is a one powerful woman. She's too independent and has a strong personality that you wouldn't like the idea to have her as an enemy because she can tear you down with her feisty attitude. But one night, when she was alone, someone abd...