CHAPTER 30
NAPAPIKIT ng mariin si Azaleah nang tumambad sa mukha niya ang isang napakaliwanag na ilaw. Naningkit ang mga mata niya atsaka niya narealize na nasa isang abandunadong gusali siya. Nakaupo siya at nakatali sa likod ang kamay at paa niya.
Napakagat siya ng labi.
Nabalutan ng takot ang buong katawan niya. This time, it's the real war. Wala siyang plano at hindi niya kasama si Jennalyn at Mrs. Alvarez para tulungan siyang magplano.
"Gising na pala si Mrs. Volkov."
Napalingon siya sa nagsasalitang lalaki na nagsusugal sa gilid niya. Si Jordan iyon. Ang hayop na lalaking 'to.
"Nakalaya ka pala?"
Ngumisi ito sa sinabi niya. "Sabi ko naman sa inyo hindi ba? Hindi pa tapos ang laban."
Malakas ang loob na sinamaan niya ito ng tingin. "Sayang, bibisitahin pa naman sana kita sa kulungan para makita ang pagkakapareho mo sa ama mong adik!"
Isang malutong na sampal ang nakuha niya. Namanhid ang mukha niya sa sakit at pakiramdam niya ay nagkasugat pa siya sa labi.
Nanggagalaiting hinablot nito ang dalawang braso niya. "Minamaliit mo ba akong babae ka?"
Sinalubong niya ang mga matang nanlalaki nito atsaka niya ito dinuraan. Kita niya ang galit nito sa mukha habang tumatawa atsaka siya muling sinampal nito sa kabilang pisngi.
"Jasper!" Sigaw ng isang lalaki at pumasok doon ang pulis na nakausap niya kanina. "Tigil tigilan mo na 'yan. Masyado kang gigil na gigil."
"Bwisit na bwisit na kasi ako sa babaeng 'to e."
Tumawa si Calvin at lumapit ito sa kanya. "Kumusta Mrs. Volkov? Nakatulog kaba ng mahimbing?"
"Anong kailangan niyo at bakit niyo 'to ginagawa?" Nakaigting ang panga niya. "Bakit trinaydor mo si James?!"
"Hindi ko siya trinaydor, Mrs. Volkov. Hindi ako naging tapat sa kanya sa simula't sapul. Huwag mo masyadong isipin na lahat ng tao nasa paligid ng asawa mo ay tapat." Atsaka ito ngumisi sa harapan niya. Hindi nakatakas sa paningin niya ang palad nito sa kaliwang kamay na may sagisag ng araw. "Ayos ba 'to? Ito ang palatandaan na kabilang kami sa isang Samahan at kapatiran."
Naniningkit ang mga mata niya. "Ikaw ang pumatay sa magulang ni James, tama ba?"
Nawala paunti unti ang ngisi sa mukha ni Calvin. "Paano mo naman nasabi ang bagay na 'yan, Mrs. Volkov?"
"Nasa kanang kamay ang tattoo ni Karlo, samantalang ang tattoo mo ay nasa kaliwang kamay mo. At ang bumaril sa magulang ni James ay kaliwete." Aniya, bigla namang natawa si Calvin. "At kahit maraming beses ng gustong umamin ni Francisco Cruz na hindi siya ang pumatay sa magulang ni James ay hindi niya magawa dahil pinipigilan mo. Tama ba ako?"
Napapalakpak si Calvin sa sinabi niya. "Napakatalino! Ang galing. Napakagaling." Kalauna'y biglang nilabas nito ang baril atsaka itinutok sa ulo niya. Napasinghap siya sa gulat. "Subukan mo pang paandarin 'yang bibig mo, talagang sabog 'yang ulo mo."
Natahimik siya. Parang naputol ang dila niya.
"Etong mga anak ko talaga hindi marunong magpakagentleman sa mga babae." Aniya ng isang napakapamilyar na boses na pumasok sa gusali. Mas nadagdagan ang takot na naramdaman niya nang marinig niya si Romuel Soriano na pumapasok. "Magandang araw, binibini." Umupo ito katapat niya at hinaplos ang pisngi niya na iniwas niya naman kaagad.
Masama niya itong tinitigan.
Romuel laughed. "Hindi ka pa din nagbabago. Napakaganda mo pa rin. Parang hindi lumipas ang panahon simula nang makilala kita hanggang ngayon. Napakakinis mo at nakakaakit ang ganda mo."
BINABASA MO ANG
Troublemaker (COMPLETED)
RomanceAzaleah Fortez is a one powerful woman. She's too independent and has a strong personality that you wouldn't like the idea to have her as an enemy because she can tear you down with her feisty attitude. But one night, when she was alone, someone abd...