CHAPTER 4
"I CAN'T believe you're actually getting married!" Iyon ang pinangbungad sa kanya ni Selene nang bisitahin siya nito sa kompanya niya. Mukhang ngayon lang nito natanggap ang imbitasyong ipinadala niya. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi nito at inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng mga dapat niyang asikasuhin bago lumipad papuntang Russia. "Like what happened, Azzy? Why are you suddenly getting married?"
Wala siyang nagawa kung hindi tumingin rito ng walang buhay. "It just happened Selene."
"No, Azzy. You just don't tell me it just happened. You tell me what happened. And to of all people pa talaga? Kay James Volkov? He's my ex-boyfriend."
Nilaan niya ang atensyon sa binabasa. "I know."
"You know but you don't care? Azzy, what happened to the girls code?"
Huminga siya ng malalim habang nagbabasa pa din. "Selene, you just dated with James for a month. I bet nothing's special between you two."
"But? It's just confusing me. Why you have to marry him? What's the reason behind it?"
Sumandal siya sa swivel chair at sinalubong ang tingin ni Selene na takang taka pa din. "Why do you have to know?"
"I have to know because I am your best friend."
Gusto niyang paikutin ang mata dahil sa sinabi nito. Best friend? She considers no one as her best friend. Ever since she turned eighteen, she never had a real friend. Wala na siyang tiwala sa mga tao.
"Yeah right."
Selene walked near to her office table. "At isa pa. Akala ko hindi ka makikipagsettled down? I thought you like to work your ass off instead of believing in such a bunch of love and marriage?"
"Yeah I said that." Tipid nitong sabi. Naiirita na din siya kay Selene sa totoo lang.
"Oh anong nangyari? Why are you marrying him?"
Hindi niya na napigilang mapairap. "Selene, I have my reasons why I have to marry him. And it doesn't concern you so calm your tits." Akmang magsasalita na naman ito nang unahan niya. "I believe I don't need to tell you the reason why we need to get married."
Nakita niyang napairap si Selene. "Okay fine. If you don't tell me the reason why you're going to marry him, then don't. D'yan kana nga."
Umalis si Selene sa opisina niya. At last, katahimikan.
Sanay na sanay kasi nitong nakukuha kung ano ang gusto nito kaya ganoon nalang ito makaasta. Simula rin na may ginawa itong hindi maganda sa pamangkin niya, kumukulo na ang dugo niya sa tuwing nakikita niya ito. Mabuti nalang at banned na siya sa mansion na siyang magulang niya ang gumawa. Pinakikisamahan niya lang ito dahil may koneksyon pa rin siya sa ama nito.
Hindi bale, hindi niya na din naman iyon kakailanganin. Sa lahat ng utang niya kay Mr. Gutierrez, tingin niya ay nakabayad na siya sa lahat ng sakit sa ulo na ginawa niya para sa anak nito.
Napailing nalang siya at nagsimula ng magtrabaho. Sunod naman ay nakatanggap naman siya ng tawag mula sa magulang niya. Alam na alam niya na ang dahilan kung bakit ito tumawag.
Babatiin siya nito pero inunahan siya ng ama niya. "Azaleah Fortez! Ano itong natanggap namin ng mommy mo ngayon lang?"
Sumandal siya sa swivel chair. "Dad, obviously, it's an invitation card." Malamig niyang sabi.
"I know, but... why it's a nuptial? Ikakasal ka ng biglaan? Kay Mr. Volkov? Kailan pa kayo nagdi-date at bakit hindi namin alam na may boyfriend kana? Are you pregnant? Kaya ba kayo magpapakasal?" Tuloy tuloy na sabi ng ama niya na ikinairap niya sa hangin pero may supilpil na ngiti sa labi. "Ipakilala mo sa amin 'yang lalaki na 'yan!"
BINABASA MO ANG
Troublemaker (COMPLETED)
Roman d'amourAzaleah Fortez is a one powerful woman. She's too independent and has a strong personality that you wouldn't like the idea to have her as an enemy because she can tear you down with her feisty attitude. But one night, when she was alone, someone abd...