CHAPTER 18
NAPATAYO si Azaleah nang marinig niya ang balita. "Ano?!"
"Mrs. Volkov, s—something happened. Something happened to Mom." Naiiyak na sabi ni Jennalyn sa kanya. "P—pumunta ka ngayon din dito."
"Sige papunta na ako d'yan." Binaba niya na ang tawag at nagmamadaling lumabas ng opisina niya. "Jude cancel all my appointments for today."
"Yes, Ma'am."
Mabilis siyang nagtungo sa ospital na binigay sa kanya ni Jennalyn. Pinaharurot niya iyon papuntang Fortcare Hospital. Nang makarating siya ay agad siyang nagtungo kung nasaan ang kwarto ni Mrs. Alvarez.
"Anong nangyari?" She asked as soon as she entered. Kita niya ang labis na pag-iyak at pag-aaalala ni Jennalyn.
"M—Mrs. Volkov," napatayo si Jennalyn. "kritikal ang kundisyon ni Mommy. She had multiple gunshots at tumama din ang ulo niya sa bato. M—milagro pa na may pulso p—pa si Mommy at may nakakita sa kanya para dalhin siya kaagad sa ospital."
Nanlaki ang mga mata niya. "A—ano?"
Tumingin siya kay Mrs. Alvarez na walang malay na nakahimlay sa kama.
"M—alakas ang kutob ko," ani Jennalyn na halatang galit ang tono ng pananalita nito, "na may kinalaman ang kaso niyo ni Mr. Volkov sa nangyari kay M—mommy. Sinundan nila si Mommy sa probinsya kung saan pinuntahan ni Mommy ang maaaring witness sa kaso niyo."
Kumuyom ang palad niya. "Nasaan ang witness?"
"Patay na siya. He was head shot by the suspect."
Oh god. Bakit kailangan humantong sa ganitong pangyayari?
"Ano bang sabi ng doktor? Kailangan magigising ang mommy mo?"
"Mom is in coma. She has bruises too." Simpleng sagot lang ni Jenna dahilan para lumuha ito. Biglang nanghina si Azaleah. "At... at... nakausap ko kanina ang forensic investigator na pinagdalhan ko ng sample." Napatingin siya kay Jenna. "It was negative. Hindi match ang sample ng variables."
Parang nauupos na kandila si Azaleah sa nangyayari. So, it wasn't Selene? Hindi si Selene ang suspect.
But why I am having a hard time to believe that?
"It's all my fault." Narinig niyang sabi ni Jenna. "kung sumama lang ako sa kanya, e'di sana, e'di sana hindi mangyayari 'to sa kanya."
"Hindi mo kasalanan Jennalyn. Walang may gusto ng nangyari." Pagkunsola niya sa anak ni Mrs. Alvarez. Maya maya ay may tatlong kababaihan na pumasok sa loob ng ospital. Kumunot ang noo niya.
"The hospital is heavy guarded, boss." Ani ng isang matikas na babae. "as well as your home. We have already employed the troops in the place where your mother was shot."
"Good. Look for my mom's phone too. It is missing since we found her. Make sure to get it sooner."
Tumango ang matikas na babae at tumalikod na siya. Sinundan ito ng dalawa pang matikas na babae.
"Sino sila?" Tanong niya nang sila nalang mag-isa. "Mga pulis ba sila?"
Umiling ito. "Hindi sila mga pulis. Mga tauhan ko sila."
Tauhan? And they called Jennalyn a boss?
Gusto niya mang magtanong but her instinct tells her not to. Siguro ay hindi ito ay tamang panahon para magtanong dahil walang malay ang ina nito.
Kinuha niya ang cell phone niya nang makatanggap siya ng text message mula kay James. He's asking where she is since he's already in her company for their lunch together. Sinabi niyang nasa ospital siya. Mabilis na nakatanggap siya ng tawag mula sa asawa.
BINABASA MO ANG
Troublemaker (COMPLETED)
RomanceAzaleah Fortez is a one powerful woman. She's too independent and has a strong personality that you wouldn't like the idea to have her as an enemy because she can tear you down with her feisty attitude. But one night, when she was alone, someone abd...