Chapter 15

84 5 2
                                    


CHAPTER 15


"READY?" James asked her soon as she finished packing her clothes.

Tumango siya bilang sagot. "Ready." Kinuha ni James ang laman niyang bag at dumiretso silang dalawa sa parking lot.

Nung isang gabi lang nag-aya si James sa kanya na mag-out of town at ngayon nila napagpasyahan na pumunta sa kung saan lugar nila gusto puntahan. Tatlong araw sila doon. Siya ang nagmamaneho dahil siya lang naman ang nakakaalam.

Actually, siya lang ang may gusto ng pupuntahan nila.

"I am still wondering kung saan tayo pupunta." Sambit nito sa kanya habang nagmamaneho.

"Malalaman mo din 'yon."

"Okay sige. Sabi mo e."

After half hour, bumaba sila sa airport. Hanggang ngayon clueless pa din si James sa nangyayari kung saan sila pupunta.

"Ako 'tong nag-aya ng out-of-town pero ako 'tong hindi alam ang pupuntahan natin."

Mahina siyang natawa. "You'll see, sweetie. You'll see."

Binigay niya ang itinerary ticket nila sa migration. Kalauna'y sumakay din sila ng eroplano at mukhang nakita ni James ang pangalan ng lugar kung saan sila pupunta.

"Palawan?"

"Uh-huh." Tumingin siya rito. "may pupuntahan tayong isla doon."

"Sana sinabi mo. We could have use my private plane."

"Nah. Hindi na kailangan. Mag-aaksaya ka pa ng gas e one-hour lang naman ang byahe natin sa Palawan."

Hindi na nakipag-argumento sa kanya si James at sumakay na sila sa eroplanong sasakyan. Matapos ng isang oras sa himpapawid ay nakarating sila sa Palawan. Sumakay muna sila ng nirentahang jeep, at pagkatapos ay nag-renta din sila ng bangka.

"Nakikita mo ba 'yong isla na 'yon?" Turo ni Azaleah sa asawa niya na medyo malayo layo pa sa kanila. "ayan ang pupuntahan natin."

"Is that Puerta Princess? Coron? El Nido?"

Natawa siya. "Nope. That's Isla Escapar, or in English term, the Escape Island."

"Escape Island?"

"Yep. Kahit sino pwedeng manalagi d'yan sa islang 'yan. Kapag gusto mong mag-unwind, mag-relax, pwede ka d'yan. If you want to forget about the world for a meantime, you can stay there."

Kita niya ang pagkunot noo sa mukha ni James. "Anong pinagkaiba niya sa mga sikat na isla dito sa Palawan?"

Ngumiti si Azaleah. "Sa islang 'yan, pupwede mong makalimutan ang sarili mo pangsamantala."

Alam niyang hindi pa din naintindihan ni James ang sinasabi niya dahil nagtanong ito sa kanya ng ano ang ibig niyang sabihin. But she just smiled. Hanggang sa makarating ang bangkang sinasakyan nila sa Isla Escapar.

Nang makababa sila sa isla ay sinalubong sila ni Mang Arturo, isa sa mga nagmamaneho ng jeep. "Ma'am Leah? Ikaw ba 'yan?"

"Magandang araw po, Mang Arturo."

"Aba'y ang ganda ganda mo na lalo, Ma'am Leah!"

Ngumiti siya. "Salamat po."

"Aba'y tara, tara! Amin na ang gamit ninyo." Napatingin si mang Arturo sa lalaking katabi niya. "boyfriend mo ba siya, Leah?"

Napatingin si Azaleah kay James. "Asawa ko po." Naramdaman niya ang kamay nito sa balikat. "Siya si Mang Arturo, James." Aniya sa asawa.

"Magandang araw po." Bati nito.

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon