EPILOGUE

158 4 0
                                    


Salamat sa mga nagbasa at nagmahal sa istorya ni James at Azaleah. Next story, The Promise (Justyn and Bernadeth). A story of chase, love, vows and the promises. Anyways, epilogue is up! Enjoy reading!


EPILOGUE


SA unang araw ni Azaleah sa America, naramdaman niya kaagad ang pangungulila sa presensya ni James. Namiss niya kaagad ito kaya dali dali niya itong tinawagan kahit pa na umabot sila ng buong magdamag sa video call.

Pangatlong araw niya sa America kasama ang magulang ay namasyal sila. Nag-bonding at namasyal silang tatlo. Parang bumalik sila sa dati kung saan lagi siyang ini-spoil ng magulang niya sa pamamasyal.

She visited the places where she went. Pinuntahan niya din ang dating eskwelahan at naglakad lakad doon. Nakakatuwa na nakadisplay pa din ang mukha niya sa isa sa mga estudyanteng nagka-honor. Tapos binasa niya 'yong nakasulat doon na ambisyon niya sa buhay.

'I want to teach children in the future because I believe that children is our future.'

Natawa siya ng mahina sa nabasa niya pero napaisip din siya. Oo nga 'no. Pangarap niya ang maging guro noon ng mga nursery students. Malapit na malapit kasi talaga siya sa bata e. Isa pa, wala din naman siyang trabaho. Their company is passing now to his brother, Theo, and their company in States is handled by her father.

Wala naman siyang ginagawa kaya naman dali dali siyang nag-apply ng trabaho bilang maging nursery teacher.

After one week, she got hired!

"I have now a job!" Masayang sabi ni Azaleah kay James na kasalukuyang nasa opisina ito.

"Huh? Anong trabaho naman iyan?"

"Nursery teacher. Alam mo naman kung gaano ko kagusto ang magturo. I feel like I am dreaming with the clouds now that I have a job!" Ngiting ngiti na sabi ni Azaleah sa asawa niya.

"Medovvy, I'm happy for you now that you're finally doing what you love the most. Pero nag-aalala ako. Baka mapagod ka, ma-stress. Baka kung anong masamang mangyari sa baby natin."

"It won't happen. I love kids having around me so paano ako ma-s-stress? Mas nas-stress pa nga ako na wala akong ginagawa at nandito lang sa loob ng bahay." Napayuko siya ng maramdaman niyang naluluha siya. "Mas nas-stress ako na hindi kita nakikita."

"Medovvy..."

"I gotta go. Mom's calling me."

Binaba niya ang laptop niya atsaka siya naiyak. Oh god. She's so emotional right now. Thinking she's far from her husband makes her heart ache. Sobrang miss na miss niya na ito. Almost two weeks palang na hindi niya ito nakakasama ay sobrang laking bagay na sa kanya. Nilalabanan niya nalang ang lungkot na nadarama para sa anak niya. 

Kahit papaano nale-lessen ang lungkot na nadarama niya kapag magkausap sila through video call.

Pinunas ni Azaleah ang sariling pisngi pero naging sunud sunuran ang mga luha niya. Napahawak siya sa tiyan niya.

"Anak, sorry. Ang lungkot ni Mommy ngayon. Miss ko na kasi si Daddy mo e. Miss mo na din ba siya? Hindi na ako makapag-antay na makita at makasama siya ulit."

Nilabas niya na lahat ng lungkot na nasa loob niya atsaka siya naghilamos para hindi mapansin ng magulang niya na umiyak siya.

"Anak, were you crying?" Puna ng ina niya. Agad niya siyempre tinanggi iyon pero kilala siya masyado ng kanyang ina. Alam nitong nagsisinungaling siya. "Shh shh. I know, I know. You miss your husband, do you? Halika nga dito, yakapin mo si Mommy."

Troublemaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon