Discovering The Eccentric People

105 9 2
                                    

Jesiyah's POV

Tinignan ko ang salamin sa harapan ko, nanlaki ang aking mga mata sa gulat habang dahan-dahang binababa ang lipstick na aking ginamit.

Hindi ako ito... Pero ginagawa ko ito para makalimutan iyong insidente, diba?

Malakas na katok ang narinig ko sa pinto, kaya nagmamadali kong niligpit ang aking mga make-up at binuksan ang pinto para makita si mama na nagagalit sa akin.

"Antagal mo namang maglagay ng make-up!" galit niyang reklamo.

Napatingin ako sa ibaba dahil sa hiya kay mama, "Sorry ma, ngayon lang kasi ako nag-makeup ng ganito," mahina kong pagpapaliwanag.

"Tignan nga ng mukha mo," utos niya kaya agad kong pinakita ang mukha ko sa kaniya.

"Ok ka na naman pala maglagay ng makeup eh! Maayos din iyong bang mo, huwag molang masyadong papulahin iyang lipstick mo." Komento niya sabay napahawak ako sa aking labi.

Sabi ko na nga ba masyadong makapal nailagay ko...

Napangiti naman sa akin si mama, "Tignan mo iyang itsura mo, napakaganda mo! Kaya sinasabi ko sa iyo na mag-makeup ka para gumanda iyang mukha mo. Ngayon mukha kanang totoong babae!" masaya niyang komento at mahigpit akong niyakap at ibinalik ko iyong yakap niya sa akin.

Kasi nga ito iyong sinasabi niyo sa akin, na umakto akong "normal" na babae, ma.

"Oh sige anak, dalian mona at baka ma-late ka sa eskuwela niyo," ani ni mama kaya nagmamadali kong kinuha ang aking bag at inayos ang kuwelyo ng aking uniporme.

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at kinuha iyong baon na niluto ni papa, "Hoy Jes!" rinig kong sigaw ni papa mula sa loob ng bahay kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya.

"Magiingat ka sa bago mong eskuwela ha!" masaya niyang bilin habang kinaway ang kanyang kamay kahit na hawak-hawak pa iyong sandok na panluto.

"-Tsaka pakabait, maging palakaibigan at mahinhin ka anak!" kabit ni mama sa sinabi ni tatay. Nginitian ko sila at kinawayan nang pagpapaalam at agad na sumakay sa tricycle ni kuya Obet.

"kya! Baba niyo ko doon sa sakayan ng jeep," mahinahon kong sabi.

"Ah, nakahanap ka na pala ng pagta-transferan mo ngayon. Sige sakay na," ani niya, kaya dahan-dahan akong umupo sa likuran nung tricycle at humawak ng maigi.

Umandar na ang sasakyan at naramdaman ko muli ang paghampas ng hangin sa aking mukha. Ang advice lang na aking dadalhin ngayon ay ang pagiging isang mahinhin at simpleng babae.

NAKITA KO NA sa aking harap ang aking destinasyon, ang aking pagbabagong buhay.

"Para po manong," saad ko at dahan-dahang bumaba sa jeep.

Naglakad muna ako ng kaunti at tinignan iyong paligid. Huminga ako ng malalim ng paulit-ulit.

Masyado akong naninibago sa eskuwelahan na ito...Relax Jozefien! Kaya mo iyan...Pero ok ba iyong itsura ko? Sabi nga ni mama na masyadong mapula iyong labi ko...paano naman iyong bangs ko? Ok kaya siya?

Malalim kong pagiisip habang ininspeksyon ko ang aking sarili para mas mukhang presentable. Napansin ko rin na iyong ibang estudyante tinitignan ako, dahil ba iyon sa dark violet na kulay ng buhok ko? Siguro dapat narin akong magpakulay ng itim para hindi ako masyadong mag-stand out ng ganito.

Lumapit ako doon sa guard malapit sa gate, inayos ko ang aking postura at hininhinan ang aking boses, "Excuse me po, matanong ko lang po kung nasaan po iyong opisina ng Principal?" tanong ko.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon