CHAPTER 18

16 2 0
                                    

Jesiyah's POV

"Nak! Mga kaklase mo daw andito!" tawag sa akin ni papa, kaya excited akong nagsuot nang aking pang-alis at  bumaba.

Nakita ko sila Tyler na nakapang-summer getaway, mukhang pupunta kami sa beach more than sa bay side.

Nakasuot ako ng black crop-top, blue tight jeans, at sneakers. Habang sila naman ay nakasuot nang sando, short at si Tyler lang ang nakapantalon at t-shirt.

"Parang pupunta kayo sa beach, ha," asar ko.

"Technically, beach na din ang bayside pinagiba nga lang ng pangalan," sagot sa akin ni Azero kaya humalakhak kami.

"Pa, aalis na ako... Nasaan nga pala si mama?" tanong ko.

Bumuntong hininga si papa at sinabing, "Nasa-" bago pa lang siya sumagot ay narinig ko ang kanyang footsteps at bumaba na siya doon sa kanilang kwarto, mukha ring kakagising pa lang ni mama.

Napatingin siya sa akin, at inobserbahan ako-- ang aking damit mula ulo hanggang paa.

"Uhm... Ma, aalis na ako," paalam ko, pero wala siya sinabi at deretsong pumunta sa aming banyo nang walang sinasabi. Hindi pa rin ata niya ako tanggap at iyong sinabi ko noong isang araw, I hope she understands my point some day.

"Sige pa, aalis na ako," nawala ang sigla sa aking boses at sumama na ako kila Tyler, na nakangiti sa akin.

"Sige, mag-ingat ka nak," ani ni papa kaya kinawayan ko siya ng paalam.

HINDI KO INAASAHAN na malapit pala sa MOA iyong bahay nila Tyler, pero mas hindi ko inaasahang noong nakapunta na kami sa bahay ni Tyler at nangungupahan lang sila sa apartment na malapit doon.

"Ini-imagine ko na mala-mansyon iyong bahay ninyo, for a second only, inaasahan ko na iyong MOA ay property ninyo," saad ko nang may gulat.

"We thought so too." Naka-thumbs up sila Azero at Sarah sa akin, siguro first time lang din sila pumunta dito.

"Noong nasa loob kami nung Linya nakatira may malaki kaming mansyon for almost 20 years. Plano pa lang ni papa na bilhin iyon," ani niya habang binubuksan iyong pinto nila.

"Saang Linya? Tsaka di ko rin alam na may tatay ka," ani ko.

"Ang Linya ang lugar kung saan nagmula ang mga Eccentrics o entities na katulad namin, parang sarili naming mundo iyon na walang namamatay at nabubuhay," pahabol na paliwanag din ni Azero.

"Hindi ko alam na may ganun palang klase ng lugar..." Bulong ko, may pagkamangha sa aking tono.

Humalakhak ng kaunti si Gavriel, "Hindi ka rin naman makakapunta doon, mga katulad lang naming nilalang ang pwede. Unless, half-blood ka or ano-" putol niya sa sarili.

"About sa tatay ko nga pala, well, unlucky you, wala si papa dito kaya hindi niyo muna siya makikita. Kaya iyon ang tyansa na magliwaliw tayo nang kaunti." bukas niya sa pinto nung bahay nila, hindi nga kalakihan iyong kanilang apartment pero maganda iyong mga desenyong nasa loob nito.

Umupo kami at binigyan kami ni Tyler nang coke para mag-cooldown kami bago lumabas sa mainit at tirik na araw, pero nag-switch ako sa malamig na tubig na lamang.

"Ilang taon na tatay mo?" tanong ni Sarah ng walang pasikot-sikot.

"2500 years old na siya sa December 3," ani niya at napangisi ako nang kaunti.

"December 3 din birthday ko, eh!" proud kong saad.

Ngumisi siya at sinabing, "Well advance Happy Birthday sa inyong dalawa ni papa, malapit pa talaga sa Christmas iyong birthday ninyo," tugon ni Tyler.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon