CHAPTER 22

17 4 1
                                    

Nagpahinga muna ako ng isang oras pagkatapos magising doon sa higaan sa loob ng Witch's Hut. Para hindi ako ma-bored, kinukuwentuhan ako nila Gavriel at Sarah ng iba't ibang storya, habang magkasama sila Dominican at ang Witch na nasa ibang kwarto. Naguusap ata sila tungkol doon sa potions na ibinibigay nung Witch kay Dominican.

"Basta! Miss na miss ko ng manakot ng mga pating sa dagat, it's so cute!" tawa ni Gavriel, bago siya huminga ulit ng malalim.

"Salamat talaga sa inyong lahat, sa pagligtas sa buhay ko." Mahina kong panimula habang iniikot-ikot ko ang aking mga daliri sa kamay.

"Walang anu man iyon! Kahit na wala kaming alam sa nangyari sa iyo ang mabuti ay gumaan na ang pakiramdam mo," sagot ni Gavriel ng may ngisi at naka-thumbs up. Kaya napangiti ako.

Tumayo si Tyler sa kaniyang inuupuan at inunat pataas ang kaniyang mga braso, "Umiinit na dito sa loob, lalabas muna ako para makahinga ng malalim," tugon niya at umalis sa kwarto.

Nanahimik muna ng sandali ang buong kwarto bago tumayo sila Sarah at Gavriel, "Lalabas na rin muna kami sandali-" paalam ni Sarah at mahinang siniko si Gav sa tagiliran at binulungan siya. Pagkatapos bulungan ni Sarah si Gav ay may unti-unting ngiti na gumapang sa kanyang mukha.

Inakbayan ni Gav si Sarah at sinabing, "Sige lalabas muna kami! Hindi naman kami maghu-hunting ng palaka or anything, bye!" at agad silang lumabas sa kwarto.

Humalakhak ako at binalaan sila, "Andyan si Tyler sa labas, so don't do anything reckless!"

Nanahimik ang kwarto dahil kami na lamang ni Azero ang natira sa loob. Kinakamot ko ang mga parte ng aking katawan dahil sa pagka-irita sa katahimikan at unti-unti na akong tumayo sa higaan. "Anong ginagawa mo?" paghinto sa akin ni Azero.

"Okay na iyong pakiramdam ko Azero, at tsaka naka-isang oras na ata iyong pahinga ko dito," saad ko.

"...Bakit ba sumali ka pa sa Photography Club noong nalaman mo na Eccentric sila?" binatong tanong sa akin ni Azero, kaya na-surpresa ako.

"H-hindi ko nga rin alam, bigla nalang  pumasok sa isip ko na kailangan ko silang kaibiganin o kung ano pa man," halakhak ko sa kaniya.

"Don't you have any goals? Any questions to them? Nagtaka nga rin ako nung nakilala kita, ni hindi ka man lang nagtanong kung ano ba talaga ako o si Sarah," taka niya.

"Para sa akin, masyado atang rude kapag nagtanong ako sa ibang nilalang kung ano ba talaga sila. Parang nagtatanong ka sa aso kung aso ba talaga siya... Pero may gusto talaga akong malaman-" tinignan ko siya sa mata.

"Bakit kayo nakiki-salamuha sa mga tao? Akala ko kasi ayaw ninyo sa mga tao," pagtapos ko sa aking tanong sa kaniya.

Napahinto siya ng saglit bago sumagot, "Buwan at araw, langit at lupa, liwanag at dilim, mortal at immortal. Lahat ng bagay ay may kasalungat tulad na rin ng mga nakatira sa mundong ibabaw, isa kang mortal habang ako'y isang immortal kailangan natin ang isa't isa para mabuhay sa mundong ginagalawan. Pero di natin pwede malaman ang tungkol sa isa't isa dahil magkasalungat tayo, hindi magkakasundo kailanpaman," wika ni Azero, umiikot lamang sa aking tainga ang kaniyang mga sinasabi at mukhang hindi ko kayang intindihin ang kaniyang sinabi.

"Ano namang ibig sabihin nun?" naitanong ko.

"Nabubuhay lamang kaming mga immortal dahil sa mga mortal, at nabubuhay kayong mga mortal dahil sa aming mga immortal. Subalit, hindi natin kayang buhayin ang isa't isa kung malalaman natin ang tungkol sa isa't isa... Ayon ang goal naming mga Eccentric, ang gabayan ang balanse," paglinaw niya sa kaniyang winika.

Sa madaling salita, sila ang nagsisilbing keeper sa balanse... Hindi ko na alam kung anong iisipin o sasabihin, parang bigla akong nagising sa katotoohanang hindi ko maintindihan.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon