CHAPTER 13

12 3 2
                                    

Araw na nang Educational Field Trip namin ilang araw din akong naghintay para dito at nakatayo na ako sa field namin, naghihintay katulad nung ibang estudyante doon. Hinahantay ko sila Tyler pero mukhang wala pa sila.

Nangangati iyong aking binti dahil masyadong mataas iyong laylayan nung dress na pinasuot sa akin ni mama. Antagal pa naming nag-away tungkol sa susuotin ko pero sa huli siya ang nagwagi, kaya mayroon akong dalang bag na naglalaman nang mga pagkain ko, mga gadget, at extra pera ko at hinahawakan ko iyong jacket para sa aircon nang mall mamaya.

"Si Jesiyah ba iyon? Hoy! Jes!" rinig kong may sumigaw sa paligid pero diko alam kung saan iyon nanggagaling.

Hanggang sa halos bumagsak ako sa damuhan sa pagyakap ni Gavriel sa akin nung tumatakbo siya, buti na lang at sinalo ako ni Sarah sa likuran.

"Gav! Huwag mo naman gawin iyon!" reklamo ko pero nawala iyong galit ko nung nakita ko siyang nakangiti.

"Wah! Buti naman at nakita ka na namin! Aalis na nga kami nang wala ka, pero buti na lang chineck ni Azero iyong GS natin," ani niya, di ako makapaniwala na muntikan na nila akong iwan.

"Pero buti nahanap ka na namin, kaya lezgo na!" masayang saad ni Sarah habang hatak-hatak si Azero papunta doon sa sakayan ang mga taxis at vans.

Sumakay na kaming lahat doon sa loob nung van, service sila nang school kaya kasama na sila doon sa bayad namin sa Educational Field Trip na ito.

Malapit ako sa bintana kaya nakasulyal lang ako sa labas at nakikita iyong magandang view nang kalangitan at mga puno sa bawat dinadaanan namin.

"Ay may joke ako!" giit ni Sarah kaya tinignan siya ni Gav at Dominican.

"Bakit may black eye iyong juice?" tanong ni Sarah.

"Bakit?" tanong nila parehas.

"Kasi nasa pack siya!" sabay tawa nang malakas si Sarah kaya natawa na rin sila Gav at Dominican.

Habang nakakamot lang kaming dalawa ni Tyler sa aming sentido at tahimik na naka nakangiti lang si Azero sa upuan niya.

"Ito may jokes din ako," ani ni Tyler.

"Ano yun?" tanong nilang tatlo.

"Potatos ba kayo?"

"Bakit?" tanong nila.

"Mga putangina niyo kasi!" galit na saad ni Tyler kaya napahalakhak ako nang kaunti.

"Wow, rude! Nagtatawanan lang kami dito," ani ni Dominican.

"Mag-joke at tumawa kayo hangga't sa gusto niyo, pero huwag naman iyong sobrang lakas na makakabingi na kayo," ani ni Tyler at nag-cross nang braso.

ILANG MINUTO LANG ang travelling time namin at andoon na kami sa destinasyon namin, kita namin iyong mga van at taxi na naghahatid sa bawat estudyante mula sa eskuwela.

Nakasarado pa rin iyong mall, may mga guwardiya sa loob at hinihintay na lang ata ang oras nang pagbukas nang mall, 10:00 ang bukas ngayon ay 9:30 pa lang.

"Awts, dapat pala doon muna tayo sa eskuwela bago tayo pumunta dito, mahal iyong pagkain dito, eh," malungkot na saad ni Sarah.

"Tanga, mas mahal nga iyong pagkain doon kaysa dito," sabi ni Azero habang nakatalikod sa kaniya.

"So, ibig sabihin hindi muna tayo makakapasok sa loob?" tanong mi Gav.

"Ain't it obvious? You dumbass?" sagot ni Dominican.

At sa hindi saktong timing, sumakit ang pusod ko. Kaya napayuko ako nang kaunti habang timitignan ang paligid.

Dapat pala umihi muna ako bago lumabas nang bahay!

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon