"Salamat nga pala sa pag-libre mo sa akin, Bryson." Inabot ko iyong ham sandwich na ibinili niya para sa akin, dahil nakalimutan kong dalhin iyong pagkain ni papa sa akin dahil nga late na akong nagising sa sobrang dami nang assignment na ipinapagawa sa amin.
"Huwag ka nang magalala sobrang pera ko lang naman iyan," ani niya nang may ngisi. Parehas kaming naghanap nang upuan at parehas naring umupo.
"Oo nga pala, narinig ko na sasabak iyong Football Club sa semi bukas. Good luck sa inyo, ha," panimula ko.
"Wala iyon, at tsaka manager lang naman ako, sa mga mismong players ka magsabi nang ganyan," ani niya habang inaalis iyong balot nung ham sandwich.
"Ayan ka na naman, alam ko naman na may iniambag ka sa team ninyo, diba?" sabi ko.
"Syempre, ako ang naga-alaga sa mga players sa mga practice at tsaka strategies namin..."
"Edi ibig sabihin may naiambag ka nga!" masaya kong saad kaya napangiti siya.
Tumunog ang aking alarm kaya agad akong tumayo, "Maiwan na ulit kita dito Bryson, pupunta na ako sa club ko," paalam ko at kumaway siya sa akin.
Papunta na ako sa clubroom nang may nakabangga akong lalaking estudyante at naibagsak niya iyong mga gamit niya, "Ah! Pasensya na po!" pagpaumanhin ko at tinulungan ko siyang kuhain iyong mga gamit na nahulog niya.
"Huwag ka nang magalala, huwag mo nang pulutin ako na diyan," mahinahon ang kanyang boses kaya napa-sunod ako agad at siya na lang iyong kumuha nung mga gamit na naibagsak niya.
"Ikaw? Hindi ka ba nasugatan?" mahinahon niyang tanong, kaya namula iyong aking mukha.
"Okay naman po ako, pasensya na..." Ani ko, napatingin ako sa I.D nung lalaki at grade 12 na rin siya.
"Anong pangalan mo?" tanong niya na hindi ko matanggihan.
"J-jesiyah San Jose, po," ang aking sagot.
"Pasensya na Jesiyah, dapat tinitignan ko ang aking dinadaanan," pagpasenya niya, dapat iyon yung linya ko.
"Huwag niyo pong sisihin sarili ninyo, aksidente lang talaga ang nangyari" ani ko at napangiti siya sa akin.
"Mag-ingat ka na sa susunod, Jesiyah" hawak niya sa aking ulo ko kaya mas lalong namula ang aking mukha. Napansin ko rin na iba iyong attitude nung mga babae sa dinadaanan niya. Baka isa siya sa mga importanteng tao.
Agh! Hindi ko nakuha iyong pangalan niya para malaman ko!
Hindi ko na lang ponansin ito at pumasok na ako sa clubroom na handang-handa na sa mga tambak na gawain. At pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nakaupo lang silang lahat sa lamesa, at nakatingin doon sa mga bagong bili nilang cellphone.
"Bakit nagce-cellphone lang kayo diyan? Wala ba tayong gagawin?" tanong ko kaya napatingin sila sa akin.
"Tapos na iyong lahat nang gawain natin kahapon, hindi mo ba alam?" saad ni Tyler.
"Bakit magtatanong ba ako kung alam ko? Bakit hindi niyo sinabi sa akin through text?" tanong ko.
"Ganun ba.... Ayan sent na!" ani ni Dominican at tumunog ang aking cellphone, tinext niya na wala nang activities sa club namin.
"ANG LATE MO NAMAN!" sigaw ko, at tsaka ko pa lang napansin na naka-mask pala siya.
"Tsaka may sakit ka ba? Bakit may mask ka?" turo ko sa kanyang mukha.
"Mating season kasi ngayon," sagot ni Gavriel.
"Mating season?" nagtataka kong tanong.
"Mating season ngayon nang mga werewolves," dagdag ni Tyler.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...