Jesiyah's POV
Excited na akong pumasok ngayon dahil makakapag-recruit kami nang ibang clubmembers. Buti na lang at maaga kaming na-excuse sa klase, and that means NO HOMEWORK para sa aming nasa club since kalahating araw namin gagawin iyong event. At narinig ko rin na may cash prize din sa mga dumalo hindi ko lang alam kung magkano.
At sana naman iyong mas bata sa akin o kasing edad ko lang, wala naman akong problema kila Dominican na grade 12 pero gusto ko rin na may ka-grade ako.
Pero nagtaka ako sa request sa akin ni Tyler kahapon, kailangan ko daw mas kulayan nang matingkad na kulay lila iyong buhok ko. I mean, why? Ayoko nga nung kulay nang buhok ko, pero I did it anyways.
"Doon pa iyong booth natin," napatalon ako sa gulat nung may boses na biglang nagsalita sa likod ko, at nung pagkatingin ko si Tyler lang pala.
"Baka kasi mawala ka pa," may pangaasar sa kaniyang tono.
"Hindi niyo naman sa akin tinext iyong location," sabi ko.
"Kanina ko pa kaya sinend!" depensa ni Tyler, kaya binuksan ko iyong cellphone ko at napansin na ngayon lang nag-pop up sa messages ko iyong sinabi niya sa chat.
"Ngayon lang Nag-pop up, eh!"
"Ha? Pero kanina ko pa iyan sinend," sabi niya.
"Ah baka wala nang load iyong sims ninyo. Mamaya tuturo ko sainyo kung paano iyon," sabi ko at parehas na kaming pumunta doon sa aming booth.
Natanaw ko na sila Gavriel at Dominican sa malayo, at sila ang naga-ayos sa desenyo nang booth namin. "Tulungan na namin kayo dyan," sabi ko at kinuha iyong dalawang lighting na dala-dala ni Dominican.
"Pasensya na, mahina pa ako ngayon kaya hindi ko muna ito makakaya..." paumanhin niya, hanggang sa Biyernes pa kasi matatapos ulit iyong Mating Season.
"Nakakaasar na iyang sorry mo, sabi ko nga sa iyo na okay lang ito," saad ko.
"Sorry kung naiinis kana sa akin..."
"Okay, enough," utos ko kaya napatahimik na siya.
Nagtulungan na kaming lahat sa pag-set up nung loob nang booth namin. Inilagay na namin sa isang document iyong mga achievements namin pati na iyong mga topic na na-release nang Newspaper Club kasama namin. Sinabit din namin iyong mga magagandang litrato nang mga establishments at tanawin na mismong kami ang kumuha sa clothline sa itaas nung booth.
"Tapusin na iyan, at papunta na iyong mga estudyante dito maya-maya. At huwag kayong mai-stress dapat maka-recruit pa tayo nang mga estudyante." Paulit-ulit na saad ni Tyler habang inabot sa amin iyong mga I.D namin.
"Sinasabi mo na kumalma kami, eh, ikaw iyong restless dyan," pangaasar ko sa kaniya.
"Hindi ako restless, tinitignan ko lang kung may nakalimutan tayong ihanda kasi kailangan natin ang lahat nang bagay,"
"Restless nga ang tawag doon," asar ni Gavriel at parehas kaming nag-apir, habang tinititiggan kaming dalawa ni Tyler ng masama. At bumalik na kami sa aming ginagawa.
"MAY NAKALIMUTAN NGA TAYO!" biglang sumigaw si Tyler.
"Chill, masyado kang paranoid para dito..." mahinhing saad ni Dominican.
"Nakalimutan iyong spreedsheet nang approval natin! Without noon hindi tayo legal na makakapag-recruit sa club!" taranta ni Tyler kaya napatayo ako doon sa inuupuan ko.
"Sige, sige, ako na iyong kukuba sandali lang naman akin na iyong susi. Saan ba naiwan?" tanong ko. Binigay ni Dominican iyong susi at ipinaikot-ikot ko ito sa aking daliri.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...