CHAPTER 14

9 3 0
                                    

Tyler's POV

"I really can't believe that both of your cars broke down at the exact same time," naiinis kong saad habang tumatawa lang sila Dominic at Gav sa nangyari.

"Baka nagwala ako one night tapos nakalimutan kong ayusin iyong gulong ko." Sabay tawa ni Dominic.

"Ako ilang years ko na ring gamit-gamit iyong kotse na iyon, hindi ko na siya pinapa-inspect sa iba," saad naman ni Gav habang humahalakhak.

Napahawak naman ako sa sentido dahil sa inis, "Take care of your properties, for damn's sake," ani ko at sabay napatigil nang naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone.

Binuksan ko ito at nakita ang message ni Jesiyah na nagsasabing hindi muna siya makakapunta sa club dahil may pupuntahan siya. Isang buwan na rin naman iyong last absent niya kaya pinayagan ko siya this time.

"Hindi ulit siya papasok?" malungkot na saad ni Gav habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Ano nanaman kayang nangyari? Bakit ba hindi niya inaalagaan sarili niya?" inis na ani naman ni Dominic.

"Yeah, suck it both of you, dalawa na rin naman ang editor natin kaya we'll continue our activities like usual," ani ko at nakita si Jesiyah na nakatayo sa labas lang nung gate.

Gumana ang reflex ko at nagtago sa likuran nang pillar ng gusali na dinadaanan namin, "Ano nanamang nakita mo?" komento ni Dominic.

"Shhh! Andoon si Jesiyah," ani ko kaya napatingin sila sa itinuro ko.

"So?" tanong ni Gav.

"Gusto mo bang sundan si Jesiyah?" tanong naman ni Dominic at narinig namin ang malakas na hirit ni Gav.

"Oh my gosh! We should totally do that!" ani niya nang may ngisi.

"Do what?"

"You know... Stalk her," sagot niya.

"Hindi ba sinabi ni Jes na ayaw niyang ini-stalk siya?" tugon ko.

"Pero hindi nyo ba gustong malaman kung bakit hindi siya papasok sa club ngayon?" may point naman si Gavriel, pero ayokong i-stalk siya dahil part iyon nung deal namin.

"We go!" ani ni Dominic sabay hawak sa pulso naming dalawa ni Gav at hatak sa amin.

Wala na akong choice, at wala rin naman kaming gagawin sa clubroom namin kaya pumayag na lang ako sa pagii-stalk namin. Hindi kami nagpapahalatang tatlo na sinusundan siya at tinititiggan siya from far away, pero mukhang si Gav talaga ang hindi sumama sa amin dahil hindi siya marunong mag-sneak up. Minsan nga nagtataka ako kung paano siya nakakahuli ng pagkain noong nasa dagat pa siya.

Hindi ko alam kung napapansin niya kami dahil ambagal nang kanyang lakad hanggang sa nakapunta na siya sa harapan na pinto nang isang ospital na malapit lang sa school namin.

"Hospital? May kapamilya kaya siya dyang naaksidente?" tanong ni Gav.

"Wala tayong alam, nalaman lang naman natin iyong bahay nila dahil kila Azero noon," sagot ko at sinundan namin hanggang sa loob si Jesiyah.

Hindi kami masyadong nagpahalata at tinignan ang bawat galaw niya.

"Pwede ko po bang bisitahin si Jacqueline Hamsberg?" tanong ni Jesiyah sa lobby nang hospital.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon