Hindi na ako tinuruan ng iba pang impormasyon ni Gavriel pagkatapos nung photoshoot namin kahapon, except sa mga sinabi niyang basics sa akin.
Pagkatapos noong araw na iyon ay nas pinagaralan ko pa ang pagkuha ng litrato at pagtinginnsa mga magagandang venue at lighting tuwing kumukuha ng litrato para mapakita ko sa kanila iyong ambag ko sa club
PAHIKAB-HIKAB PA AKO sa klase dahil sa sobrang dedikado kong makuha ang tiwala nilang tatlo-- kasama na ang pagkainteresado ko sa mga litrato-- nakaligtaan kona ang orasan at alas dos na ako nakatulog.
"Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Bryson habang nasa tabi ko.
"Oo...Medyo napa-umaga lang ng tulog," naghihikab kong sagot.
Umupo kami parehas sa lamesa at naiirita kong kinusot-kusot ang aking mata habang nilalabas ang aking baon.
"Oo nga pala Jesiyah, hindi kita nakita kahapong uwian, nasaan ka pala noon?" tanong niya.
"Nasa Photography Clubroom," sagot ko.
Napatayo siya at nasurpresa, "Grabe?! Nakahanap ka na nga talaga ng club!" ani niya at napaupo ulit.
"Ako nga noon ilang linggo akong naghintay para lang maging manager ng football club," rinig kong pagmamarakolyo niya.
Napahagikgik naman ako, "Naka-chamba lang talaga ako...Lalo na't tatlo lang sila doon at di ko alam, baka may nakita silang potensyal sa akin," sagot ko at nagiingat sa aking mga sinasabi.
"Potensyal agad? Pft, may hilig kaba dati sa Photography?"
"To be honest, wala, as in wala talaga kaya nga nakapagpuyat ako dahil lang sa pagi-istudy doon," ani ko at humukab nanaman.
"Hays, sana kasing motibado kita pagdating sa mga club. Ako may club nga pero hindi naman motibado," sabi niya.
"Bakit, dimo ba gusto ng football?"
"Gusto! Kaso...di nga lang ako iyong naglalaro...." Sagot niya.
"Bakit kapa nalukungkot doon? Ikaw kaya iyong foundation ng buong team kaya malaki narin ang ambag ng manager sa pagma-manage ng buong team," masaya kong saad.
"Ganun ba talaga ang tingin mo sa mga managers?"
"Ayun lang ang naiisip kong depinasyon-," napatigil ako noong marinig na tumunog ang aking cellphone at alarm ko iyon para sa club.
"Maiwan na ulit kita dito Bryson, ingat ka," sabi ko habang dali-daling niligpit ang aking kainan.
"Motibado ka nga talaga sa club mo,"
"Syempre! Pinagpuyatan ko to!" sagot ko at nagmamadali nang umalis.
NAKARATING NA AKO sa pinto at agad itong binuksan, "Good afternoon!" bati ko pero nakita kong nagkakagulo na agad sila sa loob at parehas na nagpa-panic sila Dominican at Tyler kay Gavriel.
"Jesiyah! Iyong mop!" turo sa akin ni Dominican, nag-panic muna ako ng saglit bago sakanya naibigay iyong mop. Mukhang nabasa ata si Gavriel.
Kinuha ko ang maliit kong handkerchief at pinunasan ang ulohan ni Gavriel mula sa likod habang nakaupo siya, "Anong nangyari? Bakit sobrang nabasa ka?" nagaalala kong tanong.
Pero nagulat ako nung makita kong nagkakaroon ng kaliskis ang kanyang kamay at paahan. "Nabasa sya nung isang babae sa cafeteria," sagot ni Dominican.
Napahinto ako dahil sa nakita ko, hindi ako makapaniwala at para sa akin...
Nakakatakot ang wala kang alam....
"Hindi mo siguro alam, serena si Gavriel kaya kapag nahawakan niya ang kahit ano mang basang surface lalabas ang kaniyang kaliskis, kaya lumalabas ang kanyang anyong serena," paliwanag sa akin ni Tyler.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...