CHAPTER 23

11 3 0
                                    

Inayos ko na ang aking damit at buhok dahil medyo nagulo ito dahil sa sakay ko kanina sa jeep. Nakita ko sa paligid na maraming tao ang naka-tuxedo at dress mga magagandang dress, parang nahiya ako sa lahat nung mga tingin na nararamdaman ko kapag may mga dumadaan sa akin. May mga dates din sila.

"Si Jesiyah ba iyon?" rinig kong boses na alam ko'y nanggagaling kay Gavriel.

Tumingin ako sa paligid at nakita silang lahat na nakatayo sa gilid nung gate, "Andyan na pala kayo!" greet ko pero hindi sila sumagot at nakatingin lamang sa akin.

Tinignan ko ang aking buhok, mukha at damit kung may dumi pa o mali pero wala naman, "Uh, hello? Photography Club to Earth?" tugon ko at gumalaw na ulit sila.

"Jesiyah ang..." simula ni Dominican.

"Ganda ng damit mo!" masayang tugon ni Gavriel.

"I mean, mukha kang naka-tuxedo pero parang may dress ka rin sa likuran. Ang galing! Baka guni-guni ko lang ito!" dagdag pa niya.

"Mahaba kasi iyong flaps nung tuxedo, kaya para siyang dress," Komento ni Azero.

Napansin ko rin na may humagatak sa flaps ko at si Sarah pala iyon, "Ang smooth din nung linen, parang high class," komento niya.

"Binili mo lang ba iyan?" tanong ni Tyler.

"Hindi, binigay lang sa akin ito ni mama sa kaniya ito dati... Oo nga pala-" inabot ko sa kanika iyong plastic na dala-dala ko at sinabing.

"Ito nga pala iyong pasasalamat ni mama para sa inyo, share daw kayo dyan," ani ko.

Inabot nila iyong plastic at tinignan kung anong nasa loob, nginitian nila ako at sinabing, "Thank you,"

Ngayon ko lang napansin iyong mga suot nila, naka blue dress si Gavriel na umaabot sa kaniyang binti. Naka-red dress naman si Sarah na umaabit lang sa kaniyang tuhod.

Naka-puting tuxedo si Azero, Si Tyler naman ay naka-tuxedo na kulay maroon at naka black na tuxedo si Dominican.

"Nice Tux and dress nga pala," compliment ko sa kanilang damit.

"Thanks," ani ni Tyler

"No problem," komento ni Azero at Dominican.

"Of course it's beautiful," pagmamayabang ni Sarah.

"Aw~ Thank you~" saad ni Gavriel.

"Pasok na kaya tayo? Shall we?" aya ko sa kanila habang nakataas ang aking kamay sa kanila, tumungo sila kaya lumakad na kami papunta doon.

Maraming tao ang nagsitinginan sa amin, pero we didn't bother. No one did, pero nagtataka siguro sila kung sino iyong mga partners namin kasi kalat kaming pumasok sa loob.

"Food!" sigaw nila Sarah at Gavriel sa nakita nilang malaking lamesa.

"Hoy! Ano ba kayo? Kainin muna natin itong padala nung nanay ni Jesiyah bago iyan!" reklamo ni Dominican sa kanila.

"Huwag ka nang magalala, pwede pa naman iyan mamaya," panigurado ko sa kanila.

"Talaga?" tanong niya.

"Talaga," sagot ko, binaba niya iyong plastic na ibinigay ko sa kaniya at sumugod kasunod nila Sarah.

"That's a bit disrespectful..." bulong ni Azero.

"It's them so, yeah," sagot ko sa kaniya.

Umupo lang kami nila Tyler tsaka Azero doon sa gilid nung malaking lamesa para makita namin iyong mga ginagawa nila Sarah, kumuha na rin kami ng cocktail na alcohol free doon sa umiikot na waiter sa paligid.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon