CHAPTER 15

17 3 0
                                    

Ika-pito at kalahating oras na ang nakalipas ng mistulang lumilipad parin ang diwa ko at hindi parin kaya ng katawan ko tumayo mula sa pagkakahiga, sinusubukan ko paring kumilos kahit na alanganin parin ako sa aking ginagawa  bagamat malapit na ang oras ng pagpasok ko,  kaya nagmamadali narin akong mag ayos ng aking sarili.

Dumating na ang oras ng aking paglisan sa aking kwarto ng biglang sumagi sa aking isipan ang mga sandaling hindi ko malilimutan, lugar na kung saan nilalabas ko ang aking mga saloobin at hindi ko parin mawari ang nangyayari noon kay Jackie, ngunit naguguluhan parin ako sa mga nagawa ko dati.

"Pst!" may narinig akong tawag sa akin, pero hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong tunog.

Marahil si mama iyon, tinatawag na ata niya ako.

Pababa na sana ako nang may marinig ulit akong tawag mula sa hindi ko kilalang boses, "Pst!" kaya napalingon ulit ako sa aking kwarto, at napansin ko ang isang sulok sa aking kwarto na halos walang liwanag na naaaninag.

Sinarado ko ang aking kwarto at sinabing, "Sino ka? Lumabas ka,"

At ilang segundo ay nagpakita sa akin yung tumatawag kanina pa, siya iyong taong anino na nakita ko sa mall noong nakaraang buwan.

"Ikaw!" ani ko nang natataranta.

"Sabi ko.... Sa iyo, tawagan.... Mo lang ako," pautal-utal niyang saad.

Hindi ko alam kung paano ko siya natawag o kung matatawag ko ulit siya sa kinabukasan, kaya nagpatapang ako at tinanong siya, "Ano ka ba talaga? Bakit ako ang tina-target mo?" deretso kong tanong.

"Isa akong.... Hindi nabubuhay, at.... Nililigtas kita sa.... Potensyal mong.... Katapusan," tugon nito.

"Anong ibig mong sabihin dito? Paliwanag mo," saad ko habang unti-unting lumalapit sa kaniya.

"Delikado ang.... Pakikipag-kumunika sa.... Ibang nilalang, dahil.... May mga matataas na taong.... Hindi- pasilidad na.... Sinusubukang.... Sumasaklaw sa mga.... Kakaiba," ani niya.

"Sinusubukang sumasaklaw? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pero bigla nalang siyang nawala sa ere at narinig kong bumukas iyong pinto nang aking kwarto kaya na-alerto ako.

"Hindi ka pa ba tapos? Male-late ka na sa klase mo, that is so unladylike!" ani ni mama.

"Sorry ma, may lang hinahanap kasi ako..."

"Anong hinahanap mo?" tanong niya.

"W-wala naman,"

"Wala naman pala, eh! Bumaba ka na doon para makapasok kana nang maaga! Pambihira," ani ni mama at malakas na sinarado iyong pinto.

Mula nung Family Gathering namin, parang mas naging magalitin siya sa akin. Baka dahil sa anak lang niya ako sa labas, at si Axel ang totoo niya lang na anak at alam ni Axel iyon at nararamamdan kong nilalayuan niya na akk since. Hindi ko talagang alam ang dahilan.

Kaya bumaba na ako at sinabayan sila sa pagkain, tuwing bumababa ako ay nginingitian ako ni papa pero hindi ako tinitignan ni mama. It's been like that for a month now.

Napatingin ako kay Axel at kinawayan siya, pero nanlaki ang kanyang mata nang makita ako at umiwas sa akin.

Umupo ako kasama nila at tahimik na kumain, pero hindi ako nasasanay sa trato ni mama sa akin kaya binaggit ko na ito. "Mama, huwag niyo akong masamain pero gusto ko ng style ko sa pananamit at hindi ako magiging normal na dilag na tulad nang inaakala ninyo,"

"Susuotin mo lang naman ang mga dress at skirts mo dyan, anong problema doon?"

"Wala sa damit ang problema, ma... Kundi sa kung ano sa tingin niyo ang dapat para sa akin," deretso kong saad.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon