CHAPTER 5

17 4 0
                                    

"SIRA BA ITO O HINDI?!" naiinis kong saad habang sinusubukang ayusin ang aking relo at nasugatan pa ako sa proseso.

Kanina pa ako naiinis sa relo ko dahil pahinto-hinto at huminto ulit kanina kaya hindi ko alam kung late na ba ako o hindi para sa Photography Club.

Nakaabot na ako sa pinto at agad itong binuksan, "Sorry late a-" pero napatigil ako noong makita na nakalapag lang iyong ulo ni Tyler sa lamesa.

Napatingin sa akin si Tyler, "...Hindi ka late, ang aga mo pa nga..." Mahina niyang saad at tsaka ibinaba ulit ang kanyang ulo.

Natutulog ba siya o ano?

"Mhhmm...Okay ka lang ba?" nagaalala kong tanong.

"Hindi pa kasi ako nakakakain at tsaka nagaway pa kami ng kaunti ni Dominican kahapon..." Ani niya at umungol ng kaunti.

"Nagaway kayo? Bakit?"

"Dahil doon sa ginawa niya sa iyo kahapon...Pero naintindihan naman niya...Kaso nga lang...Maraming nasayang na enerhiya sa akin..." Nahihirapan niyang sagutin ako.

Agad kong nilabas iyong baon na niluto ni papa dahil hindi pa ako nakakakain dahil sa pagmamadali ko, "Gusto mo bang mag-share ng pagkain? Meron ako-" pero may agad akong napagtanto.

Ay shit, bampira nga pala siya!

"Uh, este-,"

"Sige kakain ako, kung hindi mo alam...Tuwing ginagamit ko iyong kakayahan ko nawawalan rin ako ng enerhiya parang sa inyong tao lang...Sorry," tumayo siya at naglabas ng sarili niyang kutsara sa kanyang bag.

Medyo naguluhan at nasurpresa ako sa sinabi niya at sinubukang iproseso ang lahat. Napatingin siya sa akin.

"Bakit?" tanong niya.

"Pasensya na kung matanong ko, pero sa pagkakaalam ko hindi ba dugo lang ang kinakain ninyo?" tanong ko.

Matagal niya akong tinitiggan.

Baka masyadong insensitive iyong nasabi ko!

"-Pwedeng huwag mo nalang sagutin kung gusto mo," bawi ko sa aking sinabi kanina.

"Totoo naman na kumakain kami ng dugo pero nakakakain din kami ng mga pagkain ninyong tao, pero hindi nga lang ganun ka sarap sa panlasa namin iyong mga pagkain ng tao," paliwanag niya kaya mas lalo akong nalinawan.

Gusto ko pang magtanong dahil marami pang tanong sa ulo ko tungkol sa kaniya, at tsaka kaming dalawa lang din ang nasa clubroom.

"Pwede ba akong magtanong?" napatingin siya sa akin.

"Tungkol saan? Kung sa activities, mamaya ime-meet natin iyong Newspaper Club para ipasa iyong photos nung basketball players kahapon,"

"Hindi tungkol doon...Tungkol ito sa iyo," ani ko kaya napunta iyong atensyon niya sa akin habang nginunguya iyong ulam ko.

"Tungkol?"

"Tungkol sa...Pagiging bampira mo, Nagkaroon na ako ng interes sa mga katulad mong Eccentric dahil doon sa sinabi mo sa akin kahapon..." Inunti-unti ko para makita iyong reaksyon niya sa sinabi ko, at blanko lang ang mukha niya habang tinititiggan ako.

Napabuntong hininga siya, "Uhaw ka rin pala sa kaalaman katulad ng ibang tao, hindi pala ikaw kasing weird ng inaakala ko," ani niya.

Hindi kasing weird? Ano namang ibig sabihin noon?

"May isa pa akong tanong, okay na ba iyong pakiramdam ninyo?" tanong ko.

Mukhang nagulat naman siya at napahalakhak ng kaunti, "Natakot ako sa iyo, akala ko kung anong tatanungin mo. I take it back, weird ka nga talaga," ani niya kaya napatigil nalang ako sa inuupuan ko.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon