Pagkatapos nung mahabang araw namin ay dinala na kami nung bus sa condo na pagii-stayan namin for one night.
Dalawa ang room na ibinigay sa aming anim para hati-hati kami, isa sa girls at isa sa boys na kwarto. Pero hindi ito sinunod ni Sarah, Gavriel at Azero dahil gusto nila iyong isang kwarto.
Nagaway muna ng saglit si Tyler at Sarah dahil dito pero si ako na ang nagparaya at mismong nag-presenta na makakasama ko sila Dominican at Tyler sa kabilang kwarto, basta walang magsusumbong sa ginawa namin.
Dala-dala namin iyong mga bagahe namin at tinignan na iyong kwarto namin, kamukha lang ito nung sa kabila.
"Wala namang pinagkaiba... Bakit mas gusto nila doon?" tanong ni Tyler.
"Baka siguro doon sa view nung bintana, at tsaka mukhang mas malambot iyong kama nila kaysa sa atin." Niyugyog ko iyong kama at narinig na parang may mga nagsisitalbugang strings. Mukhang marami ng tao ang yumugyog at humiga dito sa kama na ito...
"Ow shocks, sila pala iyong naka-score sa kama, ayoko kasi itong maingay," reklamo ni Dominican.
"We just have to deal with it, juat hope it doesn't break when we're sleeping," sambit ni Tyler. Binaba na naming lahat iyong mga gamit namin sa tabi nung kwarto at tinignan ang buong kwarto, bago ulit kami bumalik sa kwarto at nagpahinga ng saglit.
"Ang init na dito..." Rinig kong bulong ni Dominican.
Nagulat ako ng nagsimula na siyang maghubad sa harapan ko, "Hoy! Bat ka naghuhubad?!" takip ko sa aking mata.
"Sabi ni ma'am na ngayon na dapat tayo maligo kasi di na tayo makakaligo bukas," ani niya.
"Alam ko naman! Pero babae din ako no tapos naghuhubad ka sa harapan ko, shouldn't you be a shame?" tugon ko.
"Magkaibigan naman tayo, so, yeah," ani ni Tyler at naghubad na rin, kaya tinalikuran ko silang parehas at kumalma.
"Dimo ba kami sasamahan?" aya ni Dominican at namula ang aking mukha.
"Ano ba?!" galit kong sigaw sa kanila.
"Joke lang! Joke lang!" saad niya.
"Mamaya na ako maliligo, kaya take your time," ani ko at humiga doon sa kama na napili ko.
"Ge," ang simple niyang sagot at pumasok na doon sa banyo para maglinis ng kanilang katawan.
Pumuwesto ako sa gilis nung bintana nung kwarto at tinignan ang kalangitan mula doon, at full moon pa rin ngayon?
I guess it's a full moon, full of thoughts.
HINDI KO NAMALAYANG nakaiglip na ako ng saglit at paggising ko ay nakita ko sila Tyler at Dominican na sinusuot pa ang kanilang t-shirt, "Sayong sayo na iyong banyo," komento ni Dominican bago suotin iyong kanyang t-shirt kaya pumunta ako sa aking bag para kuhain ang mga damit na gagamitin ko.
Hinubad ko sa harap ng pinto nung banyo ang aking jacket at t-shirt pati na ang aking pantalon, napatingin ako kila Tyler at parehas silang nakatitig sa akin.
"Huwag niyo kong tignan!" sigaw ko sa kanila kaya hindi na nila ako tinignan.
BINUKSAN KO ANG shower doon sa banyo para masubukan ko, since wala kaming shower sa bahay.
"Ohmygod! Gumagana sya!" di ko makapaniwalang tugon nung bumukas ang shower, pero pinutol ko rin ang aking excitement dahil baka asarin ako nung dalawa paglabas ko.
Kaya malaki lamang ang ngiti ko habang nagsho-shower ng tahimik.
Hindi rin mawala sa isip ko iyong pakiramdam na tinitignan ako pati na ang pagsulyap-sulyap ko sa gilid ng aking mata na mga itim na bagay. Parang hindi ako tinitigilang mag-enjoy nung mga anino at paulit-ulit nilang pinapasampal sa akin iyong mga nagawa ko...
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...