Ano bang ginawa ko at napunta ako sa sitwasyon na ito? Kanina lang naghahanap ako ng mauupuan tapos napunta ako sa sitwasyong hindi ko maintindihan...
Paulit-ulit kong pagtatanong sa aking sarili habang nakaupo sa harapan nila at hinahayaan iyong babae -which I assume na Gav ang pangalan niya- sa pagtapal sa sugat ko sa aking leeg kung saan ako sinakal nung namumutlang lalaki.
Nasa kwarto ako ngayon kasama ang isang-- pagkakaalam mo ay taong-aso --at maputlang lalaki pati itong sobrang weird na babae...
"Tapos na," sabi nung Gav. Ayoko namang maging rude sa kaniya kaya nginitian ko nalang siya at naging tahimik ulit ang buong kuwarto.
Diko sila pare-parehas na kilala pero alam kong mas matanda sila sa akin ng isang taon dahil iba kulay ng I.D lace nila, grade 12 na sila at ako grade 11 palang. So technically, mga kuya't ate ko silang tatlo.
"Puta bakit ba kasi sa dinami-dami ng entities ng Eccentrics dito sa eskuwela, tao pa mismo ang nakarinig sa atin..." Rinig kong bulong nung namumutlang lalaki.
"Wala na tayong magagawa Tyler, ito kasing si Gav sobrang ingay," sisi nung gray haired na lalaki.
"Ha?! Ginawa kolang naman iyong sinabi mo sa akin tapos nasa bag molang pala iyong potion! At tsaka ikaw rin diba? Akala mo noong una Witch itong taong babaeng ito?!" pasigaw na sagot nung babae.
"Tch," nalang ang nasabi nung gray haired na lalaki.
Tumahimik ulit ang buong kwarto pero lahat sila ay nakatitig sa akin, at habang tumatagal ay nararamdaman kong nakakasakit na iyong titig nila, kaya sinubukan kong paingayin ng kaunti ang kwarto.
"U-uhm-,"
"Hindi na ako magpapasikot-sikot pa-," nagsalita na iyong namumutlang lalaki at tumayo.
Itinaas niya ang kanyang kamay at pinakita mismo sa akin kung paano unti-unting tumubo iyong kuko niya sa kanyang kamay, "Kapag pinagsabi mo kahit kanino iyong narinig mo kanina, papatayin mismo kita," ani niya at tinignan ako ng mga nakakasaksak na titig.
Nanginig ang aking buong katawan.
Ano to? Hindi ko naman naiintindihan iyong pinagsasabi nila kanina pero bakit agad nila akong papatayin dahil doon?!
May humawak naman sa kanyang balikat kaya napatigil siya, "Siya pala si Tyler Russell Rodriguez," sabi nung gray haired na lalaki.
"H-HOY! TANGI-,"
"At ako naman si Dominican Weasel Manuverde, at iyong babae naman na nasa tabi mo ay si Gavriel Ann Janeiro," pagpapakilala nung may gray na buhok.
"Bakit mo pa sinabi iyong pangalan natin?!" galit na tanong ni Tyler.
"Mas kilala ko ang mga tao kaysa sa iyo, at walang patutunguhan yang pananakot mo tsaka baka mas malala pa ang mangyayari. Kaya hayaan mo nalang akong kumausap sa kaniya," sabi ni Dominican.
"Isa akong taong-lobo o werewolf kung tawagin, si Tyler naman ay isang bampira o vampire at si Gavriel naman ay isang serena o mer-maiden. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya.
"Jesiyah San Jose..." Mahina kong sagot.
Kaya umupo siya sa harapan ko at tinignan ako habang nakataas ang kanyang panga sa akin, "Gumawa tayo ng palitan-," ani niya.
"-Kapag tinago mo iyong sikreto namin, sisiguraduhin naming hindi ka mae-expelled dito,"
Teka, expelled? Hindi panga ako nakaka-second day dito expelled agad!
"Marami kaming koneksyon dito sa eskuwelahan katulad nung principal, at mukhang scholar kapa dito kaya hindi mo matatanggihan itong offer na ito," ani niya, naramdaman kong rumorolyo sa gilid ng mukha ko ang aking pawis.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...