CHAPTER 10

14 4 0
                                    

Nakaupo lamang kami sa paligid at walang ginagawa, nakikita ko naman na nagpa-practice pa sila nang mas mabuti doon sa cellphone. Pero hindi ko dala ngayon iyong cellphone ko kaya nakaupo lang ako doon at naghihintay na maubos iyong oras namin sa club.

Pasulyap-sulyap ako sa orasan habang napapabuntong hininga.

"Nakaka-bored naman ito..." Mahina kong komento.

"Gusto mong sumama sa akin?" biglang imbita ni Dominican.

"Saan naman?"

"Sa Witch, siya iyong gumagawa nang mga gamot ko, sama ka?"

"Hindi siya sasama Dominic, masyadong delikado sa Witch Hut kaya huwag mong tangkain iyon. At tsaka masyadong marami nang nalalaman si Jesiyah." Wika ni Tyler habang nakatingin sa kaniyang cellphone.

Nalungkot naman ako sa sinabi ni Tyler at hinampas na lang iyong aking mukha sa lamesa at dumaing nang malakas.

"Sinanay mo kasi ako na masyadong maraming ginagawa, Tyler, kasalanan mo ito." Lumingon ako sa kaniya at sinamaan ang aking tingin.

"Bakit ako ang sinisisi mo? Ikaw naman ang may gustong pumasok dito sa club," sabi niya.

Ayoko nang ipagpatuloy iyong usapan namin kaya paulit-ulit ko na lang na inuntog ang aking ulo nang mahinansa lamesa.

"Alam ko na! Kain ulit tayo doon sa Pastry Shop!" masiglang saad ni Gavriel at ibinaba iyong kanyang cellphone.

"Sige-"

"Nope, boring nagpunta na tayo doon." Papayag na sana ako pero suminggit sa pagsagot si Tyler.

"Doon sa restaurant?"

"Nah, too boring also." Komento ni Dominican sa tabi.

"Eh, saan niyo ba gusto?" Napabuntong hininga ako ng malalim at ipinikit na lang ang aking mata, at baka matulugan ko pa iyong oras.

Nang biglang bumukas iyong pinto at nakita namin sila Sarah at Azero.

"Careful! Masisira iyong pinto kapag ganun parati iyong pagbukas mo!" galit na saad ni Azero kay Sarah.

"Shut up, nerdy pants!" sagot naman ni Sarah.

Nakita ako ni Azero, lumapit siya sa akin at may iniabot na envelope.

"Ano iyan?"

"Ito na iyong cash prize ninyo-- mo, kaya congratulations sa lahat nang na-achieve mo sa pagiging miyembro nang club na ito." Nakangiting bati sa akin ni Azero.

Inabot ko ito at tinignan muna ang nasa labas, naramdaman ko rin na tumingin iyong tatlo sa likuran ko habang binubuksan iyong envelope. At halos mahulog ang aking mata at panga sa gulat.

"BENTE MIL IYONG CASH PRIZE? GRABE ANG DAMING PERA NITO!" gulat kong saad at narinig kong nagulat din si Gavriel.

"Well, expected na iyan lalo na't prestiyihoso itong unibersidad na tinatayuan mo," tugon ni Dominican at napatungo si Tyler sa sinabi niya.

"Kahit na! Never in my life na nakahawak ako nang pera na kasing laki nito!" sagot ko habang kumikinang pa rin sa saya ang aking mga mata.

"Pero mabuti na't masaya sI Jesiyah dyan," sagot ni Azero at nginitian ako.

Ang problema na lang ay kung paano ko ito gagastahin, bibigay ko sana kila mama pero baka ipang online shopping niya lang iyon. Kaya kakalahatiin ko na lang.

Speaking of it, sila Sarah at Azero ang bogo naming miyembro. Gumasta kaya ako nang tatlong libo para pang-welcome party ko sa kanila.

"Matanong ko lang po sa inyong dalawa, saan niyo ba gustong kumain?" tanong ko. At napaatras sila sa gulat.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon