CHAPTER 3

28 4 0
                                    

"Hindi kaba natakot sa amin nung sinabi naming papatayin ka namin?" tanong ni Dominican habang palapit ng palapit ang kanyang mukha sa aking mukha na para bang aso.

Marahan ko siyang tinulak, "Seryoso na ako, sasama ako sa club ninyo,"

"Pero bakit naman?" tanong ni Tyler.

"Akala nyo ba hindi ko napapansin? Nararamdaman kong ini-istalk niyo ako kahapon!" ani ko na may pagka-defensive na tono.

"Alam mong mangyayari iyon-," ani ni Dominican kaya napasulyap ako sa kaniya, "-Alam mo na iyon noong tinaggap mo iyong agreement, lalo na't buhay at kalayaan namin ang nakasalalay sa iyo," ani niya at tinignan ako ng may mga mapanusok na mata.

Tama naman siya, alam kong mangyayari iyon sa akin, pero di ko parin kinonsider. At tsaka ayokong mangyari ulit sa akin iyon, ayoko na tinititiggan ako ng kahit sino.

"Pumunta ako dito para tigilan niyo na akong i-stalkin, ayokong ini-istalk o tinititiggan ako. Kaya sasali ako sa inyo para kayo mismo ang makakita ng mga galaw ko at maobserbahan ako ng hindi ako sinusundan sa kahit saan," paliwanag ko.

"Nage-engage ka ba ng kung tawagin ninyo ay 'acquiesce'?" tanong ni Tyler.

"Hindi acquiesce kundi relinquish, at tsaka ayoko ngang may nangi-istalk sa amin," paliwanag ko sa aking sarili.

Tinignan ko sila at sinabing, "Kaya pwede nyo ba akong tanggapin sa club na ito?"

Tumahimik ulit iyong buong kwarto.

"Oo," ang tanging sagot ni Tyler.

Bigla akong nakaranggap ng yakap mula sa aking likuran at nakita ko kung gaano kasaya si Gavriel, "YEHEY! SASAMA KANA RIN SA CLUB NAMIN JESSY!" masaya nyang saad.

"J-jesy?"

"Hoy, Gav! Bakit parang masaya kapa sa balitang yun? Nanganganib na nga ang buhay natin!" galit na saad ni Dominican.

"Peroo~ hindi na siya ngayon isang stranger sa atin kundi clubmate niya na tayo. At bilang mag-clubmates alam kong may maiiaambag siya dito sa club natin," ani ni Gavriel na para bang dinedepensahan ako.

"Tsk," ani ni Dominican.

"Basta Jesiyah, dalawa lang ang rules dito sa club namin:

1) Dapat may ambag ka sa Photography Club.

2) Dapat on-time ka sa mga activities, tatlong oras ang mai-ispend mong time dito everyday, after school.

:Pero dahil alam mo ang sikreto naming tatlo may pangatlong rule para sa iyo; at iyon ang hindi mo pagsasabi iyong tungkol sa amin," seryosong pagpapaliwanag ni Tyler kaya inintindi ko siya at sumang-ayon sa kanyang mga kondisyon.

"Speaking of that, hindi ba meron pa tayong photoshoot session sa mga basketball players ngayon? Iyong tungkol sa pagpasok nila sa Semi-finals?" ani ni Gavriel kaya napunta sakanya ang aking atensyon.

"Oo nga pala muntikan konang makalimutan iyon, anong oras naba?" tanong ni Dominican kaya napatingin narin ako sa orasan.

"30 minutes, halika na para maaga tayong makapunta doon," ani ni Tyler, tumayo at kinuha niya iyong camera at stand sa aparador at lumabas na sa kwarto.

Sinundan na siya nung dalawa na nakahanda na iyong mga kagamitan at andoon lamang ako sa lamesa, nakatunganga at hindi alam kung uupo nalang ba ako doon o susundan ko sila.

"Halika na," rinig ko at lumingon na si Dominican pala iyong nagsabi at umalis na agad.

Kaya nagmadali ako at sinundan sila sa hallway. Nasa likuran ako habang tatlo silang nasa harapan ko at nagkukuwentuhan ng mahina kaya hindi ko masyadong marinig.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon