CHAPTER 16

18 3 0
                                    

Simula nung dineklara ni Azero sa amin iyong tungkol sa Mega Exam na magaganap for a few days.

Katulad nang sinabi niya sa akin, wala ngang titser na nagklase for a whole day at halos lahat nang estudyante ay either nasa library o nasa field at usually na nakatutok sa kanilang libro at mga notebooks.

"Ang creepy naman nito, parang matagal na dinaanan nang mga anghel ang buong unibersidad natin," nanginginig kong saad habang naglalakad kasama nang buong miyembro ng Photography Club papunta sa library.

"Ganito talaga ang senaryo annually, masasanay ka rin," ani ni Sarah.

"Natatakot tuloy ako, masyadong tahimik at organized ang lahat nang estudyante. Mas mahirap ba iyong magiging exam?" tanong ni Gav.

"Ang principal na mismo ang nagsabi na tataasan nila ang qualification sa mga pasado this year," ani ni Tyler at nanigas sila Gav at Dominican.

"That's right~ iyong passing score na 75 points magiging 85 points~." May pangaasar at pananakot sa boses ni Sarah habang malawak ang kanyang ngisi sa dalawa. At mas lalo silang nanigas sa kanilang pwesto.

"Huwag na kayong mag ala statwa dyan, kaya nga andito si Azero para turuan tayo," ani ni Tyler.

"That's right!" saad ni Azero.

"Huwag mo ng takutin iyong dalawa ngayon, Sarah." Tapik ko sa kaniyang likuran.

"Oo na..." malungkot niyang saad.

Hinatak ko iyong kanyang balikat at bumulong sa kaniyang tainga, "Takutin na lang natin sila pagdating nang review time, para ma-distract sila," ngisi ko.

"Great idea!~" ngisi pabalik ni Sarah sa akin at para kaming mga totoong demonyo sa gilid nung grupo.

"Halika na nga lahat! Mapupuno na iyong library sa oras na ito!" pagmamadali ni Tyler kaya sumunod kami sa kaniya.

TAMA NGA ANG sinabi ni Tyler, mapupuno na nga iyong library sa oras na ito at halos puno na iyong library pagdating namin. Kaya ang ginawa namin ay kumain muna kami sa Cafeteria.

Nakangiwi lang ako habang nakatingin sa menu nung Cafeteria namin, wala talaga akong mabili as usual.

"Gusto mo bilhan kita?" may boses akong narinig at si Bryson pala iyon.

"Bryson! Akala ko nasa library ka ngayon? Kakasabi mo lang sa akin kanina," tanong ko.

"Puno na iyong library kaya nagdesisyon muna akong kumain," tugon niya.

"Gusto mo bang sumama sa club namin? Andoon si President kaya sobrang makakatulong siya sa atin!" maligalig kong saad.

Napahalakhak siya nang kaunti, "Sa tingin ko nga consider na cheating kapag ganun, at ayokong mapunta sa trouble-"

"Wala namang sinabi na cheating iyon base sa Principal," singgit ko sa sinasabi niya.

"Pero hindi pa rin ako makakasama sa study table ninyo, sorry, nag-promise kasi ako sa Soccer Team na sasama ako sa kanila," ani niya.

Napangiti ako at sinabing, "Tignan mo, noong una ayaw mo sa Soccer Team tapos ngayon sobrang attach kana sa kanila. Baka nga hindi mo na ako pansinin next year!" pagtatampo kong arte habang naka-cross ang braso.

"Ha?! Ikaw lang naman iyong una kong naging kakilala dito, eh! Syempre friend pa rin kita!" depensa niya sa kaniyang sarili. Kaya natawa ako at natawa din siya.

"Jesiyah, magsisimula na tayo!" tawag ni Azero sa akin.

Tumingin ako kay Bryson at mahina siyang kinawayan, "Sige pupunta na rin ako doon sa club ko," paalam ko at narinig kong humalakhak siya.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon