Ngayon na iyong araw, ngayon na iyong nasa agreement namin ng principal, ngayon na mababalik ang balanse ng mundo ko at ng ibang nilalang na tinatawag na Eccentrics. At ngayon din ang birthday ko.
"Nak, baka ma-late ka niyan, dalian mo na dyan!" sigaw ni mama mula sa baba, kaya inayos ko ang aking buhok bago bumana.
Pagkababa ko ay tinignan ko muna ang paligid, naglalaro lang sa sofa si Axel, nagtatahi ng damit si lola at nagluluto ng pagkain namin si papa. At hindi spaghetti o ano man iyong niluluto niya.
Parang walang may birthday, ha.
Iyon ang gusto kong sabihin pero baka wala silang budget para sa birthday ko ngayon, at tsaka nakikita ko na rin sa orasan ko na male-late ako kaya pagkakuha ko doon sa aking baon na luto ni papa ay nagpaalam ako sabay alis na papuntang classroom.
HINDI KO MAPIGILANG magdalawang isip sa desisyon ko, para akong baliw sa kanto na kung saad-saan tumitingin at lumilingon.
"Hoy," rinig kong tawag at nakita ko na si Azero pala iyon, lumapit siya sa akin at naglakad kami magkabila sa isa't isa.
Walang siyang sinabi nung una, at nagpatuloy iyon hanggang sa makapasok na kami sa loob nung gate. At doon lang siya nagtanong sa akin ulit.
"Sure ka na-"
"Kahit ilang beses mo pa iyan tanungin, ngayon na ang araw ng agreement at wala ka nang magagawa doon. Not even Dominican or anyone else," putol ko sa sinasabi niya.
"Pasensya na, tinatanong ko iyon para siguraduhin iyong gusto mo. Pero lumabas na kinukulit lang kita," tugon niya at kumamot sa kaniyang ulo.
"Alam ko namang nagaalala ka sa akin, as a friend and I respected that. But-" humilis ako ng daan sa kaniya at tuloy-tuloy na lumakad papalayo.
"Ga-graduate na sila-- kami sa susunod na year, you'll meet us when that time comes," rinig kong saad niya kahit na lumalayo na ako sa kaniya.
Starting now... I'm not going to care about them, so it can lessen the pain...If it will work.
Nasa isip ko at humawak sa aking dibdib.
Azero's POV
Tapos na ang oras ko para sa pagiging Presidente ng Student Officers ngayong oras na ito, natapos ko na rin ang aking mga gawain para sa araw na ito at para bukas. Dahil pagkatapos ng mga oras na iyon ay isa na akong miyembro ng Photography Club.
Tumayo ako sa aking upuan at inayos na ang aking desk, hindi ko pa nakikita si Sarah simula kanina baka nasa clubroom na namin siya ngayon.
Pagkatapos kong linisin ang paligid at ikandado ang pinto, nakita ko si Sarah na lumalakad patungo sa akin.
"Sarah? Bakit wala ka kanina sa opisina? Hinihintay kaya-" naputol ang aking sinasabi ng bigla niya akong sinampal ng malakas hanggang sa tumalsik ako palayo.
Hinawakan ko ang aking pisngi at baba dahil nagsimula na itong magdugo sa lakas ng kanyang sampal. Tinignan ko rin iyong paligid nung hallway, at buti ay wala ng tao. Tumayo ako at hinarap siya pero pagkatayo ko ay agad niyang kinuha ang aking kuwelyo at tinulak ako pataas sa pader.
Hindi ako kumibo, may dahilan kung bakit niya ito ginawa at ano kaya iyon?
"B-bakit? Bakit mo binenta si Jesiyah?!" galit niya akong tinitiggan sa mata.
"Anong-" naputol ako dahil inuntog niya ang aking likuran sa pader ng malakas.
"Huwag ka nang magloko pa, alam mo iyong mangyayari kay Jesiyah ngayong araw! Hindi ba?!" galit niyang sigaw sa akin, naririnig ko rin siyang sumisinghot sa kaniyang boses.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...