Huwebes ngayon at wala ng pasok bukas, dahil bukas na ang field trip at One And A Half Day naming field trip.
"Kakaiba talaga itong field trip na ito," bulong ni Azero habang nakaupo sa lamesa sa loob ng aming clubroom.
"Why?" tanong ni Dominican.
"Kung hindi mo alam, kaming Student Officers ang unang makakaalam ng mga bagay na ganito lalo na sa mga Field Trip, pero ngayon ko lang nalaman na ito pala ang mga destinasyon natin," pagamin niya ng may gulat.
"Well, kilala naman natin na unpredictable ang ating principal diba?" tugon ni Sarah ng may halakhak.
"Tapos may lima tayong destinasyon for one and a half day, that's just crazy! Crazily exciting!" tugon ni Gavriel habang binabasa iyong brochure para sa aming upcoming field trip, hindi rin ako makapaniwala na gumawa talaga sila ng mga bongga't well informed na brochure para lang sa aming pang-isahang field trip.
"That also reminds me, ang principal mismo ang nagbigay nitong mga gagawin natin," ani ni Tyler habang kinakaltok ang kaniyang ulo gamit ang ballpen.
"May work pa rin tayo kahit na nasa field trip?!" hindi makapaniwalang tanong ni Sarah.
"Of course! Isa ito sa mga achievements ng school natin, para magkaroon ng mas maraming estudyante at syempre mas maraming pera. Simple as that," paliwanag ni Tyler na may kaunting sarkasmo kay Sarah.
"Ginawa na talagang business ng Principal natin itong school, no?"
"Well, business naman talaga siya from the start kaya kailangan natin itong gawin. Plus points din ito sa mga subjects natin," saad ni Tyler habang kinakaway iyong mga papel ng aming aktibidad para sa field trip.
Tinignan ko rin iyong papel ng aming aktibidad at nagulat sa dalawang bagay.
"Apelyido mo pala Sarah Santa Ana? Santa talaga?" tugon ko kay Sarah at tsaka ngumisi siya.
"Yan na ang pinaka-creative na pangalang naisulat ko dito sa oras ko sa mundo ng mga tao." Ngisi niya at humalakhak, sobrang random talaga ng sense of humor niya.
"Tapos ikaw naman, Azero Crow Merripen... Hindi ba death iyong meaning ng Merripen?" tingin ko kay Azero.
"Wala na kasi akong maisip na ibang pangalan, kaya opposite na lang ng purpose ko ang pangalan ko," paliwanag niya.
"Unbelievable." Bulong ko habang nakatingin sa kanila.
Tinapik ako sa balikat ni Tyler at sinabing, "Pwede ba ikaw na muna iyong pumunta sa Principal's Office para i-submit ang mga ito?" marahan niyang tanong.
"Bakit ako pa?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Ise-seperate ko kasi sila ngayon into two groups iyong iba, kaya ikaw na muna," sagot niya.
Bumuntong hininga ako at inabot iyong papel sa kanyang kamay, "Sige na nga." At panandalian akong umalis papunta sa Principal's Office.
NAGLALAKAD AKO SA hallway papunta sa Principal's Office at hindi ko mawala sa pakiramdam ko na parang sinusundan ako ng tingin o kaya'y may nakabuntot lang sa likuran ko.
Kaya maya't maya akong lumilingon sa likuran, pero wala akong nakikita, ni wala ngang taong dumadaan doon sa hallway dahil uwian na.
Nasa harapan na nung pintuan at kumatok ng may maramdaman akong malamig na hanging dumaan sa akin. Lumingon ako pero wala, wala pa rin.
Parang napa-paranoid na ako noong malaman ko iyong balak nung aninong iyon.... Pero ano nga ba talaga iyong aninong iyon?
Lumingon na ako pabalik doon sa pinto nung Principal pero napansin ko na nakatayo na pala iyong Principal sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...