Pupunta na ako sa clubroom nang makita si Sarah na madaming hawak na papel.
"Sarah?" tawag ko, hindi siya malingon sa akin pero nakikita kong gumagalaw ang kanyang tainga.
"Jesiyah? Ikaw ba iyan?" tanong niya.
"Oo ako nga ito... Uh, kailangan mo ba nang tulong?" tanong ko.
"Ano? Hindi okay lang ako. As a matter of fact, nahihirapan nga ako kailangan ko nang tulong mo." Pabuntong hininga siya at napahalakhak ako nang kaunti bago siya tulungan sa mga binubuhat niya.
"Saan ba ito ilalagay?" tanong ko.
"Doon sa kuwarto ni Ma'am Crizã, kilala mo siya diba?"
"Teacher ko siya sa Filipino, kaya oo," ani ko.
TINULUNGAN KO NA lang siya sa pagbuhat nung mga papeles papunta sa kuwarto ni Ma'am Crizã at parehas na kaming pumunta sa clubroom.
Pagbukas pa lang namin at nasinag kaming parehas dahil sa flash nang camera, na hawak-hawak ni Azero.
"Sorry! Biglaan naman kasi kayong pumasok," pagpaumanhin niya habang nakataas nang peace sign ang kanyang kamay.
"Bakit mo naman kinukuhaan nang litrato iyong pintuan?" tanong ko habang kinukusot ang aking mata.
"Nagpa-practice kasi ako sa pagkuha nang litrato, since beginner pa lang ako,"
"Bakit hindi na lang doon sa cabinet? O kaya sa lamesa?"
"Hindi maganda iyong lighting sabi ni Tyler," sagot niya.
"Jesiyah, may bago na naman tayong activities for the week kaya maghanda ka na." Tawag ni Tyler.
Yes! Finally at hindi na ako mabo-bored!
"Oo nga pala, ikaw rin iyong magtuturo kila Azero at Sarah nang basics." Dagdag niya, napatingin ako kila Azero at Sarah.
"Mukhang ako ang magiging pansamantalang mentor ninyong dalawa!" ani ko at ngumiti sa kanila.
"I'm looking forward na matuto sa iyo, Mentor Jesiyah," magalang na saad ni Azero kaya nahiya ako nang kaunti at nagsimulang inikot-ikot ang aking buhok.
"Halika na Jesiyah, doon tayo ngayon sa Garden kukuha nang litrato ngayon." Utos ni Tyler at lumabas na kasabay nila Gav at Dominican.
"Halika na." Confident kong saad at hinatak silang dalawa sa kanilang pulso. Noong tatlong linggo lang ako iyong beginner pero mukhang ako na ngayon ang mentor nila, kahit na pansamantala lang.
SILA TYLER NA iyong gumawa nang product photoshoot na inii-sponsor nang aming eskuwela, iyong main activity namin habang hinayaan naman niya akong turuan nang saglit sila Sarah at Azero.
"Ganito mo dapat iyan hawakan-" sinabi ko at inayos ang angulo nang mga braso nila parehas.
"Tandaan niyo na ito iyong button para magkaroon nang flash iyong camera, tapos ito naman iyong focus." Turo ko sa mga button nung camera.
"Tandaan niyo rin na tignan niyo muna iyong ayos nung lighting sa paligid para masiguradk ninyong maganda iyong kuha," strikto kong tugon.
"Sa tunog pa lang, parang eksperto kana dito sa bagay na ito, Jesiyah." Ani ni Sarah.
"Actually, ako lang ang nagturo sa sarili ko, sobrang cold nilang tatlo sa akin nung pumasok ako... Pero buti open si Gavriel kaya naturuan niya ako nang mga basics, at tsaka beginner pa rin ako sa mga bagay na ito." Pagamin ko sa kanila.
"Self taught? Napakadedikado mo naman." Komento ni Azero.
"So hindi lang pala ang buhay mo ang binigay mo sa kanila, pati na rin ang hobby mo," ani ni Sarah at tumayo na sa pagkakaupo niya sa sahig at ipinakita sa akin iyong kanyang litrato.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...