E|P|I|L|O|G|U|E

15 4 1
                                    

Jesiyah's POV

"Ma! Aalis na ako!" ani ko at dali-daling bumaba sa ibaba hawak-hawak ang towel na binigay sa akin nung Soccer Team.

"Sige, huwag mong kakalimutan iyong inuminan mo para hindi ka ma-dehydrate!" paalala ni mama at kinawayan ko lang siya.

"Iyong baon mo nak!" tawag ni papa at dali-dali kong iniabot iyong baon at tumungo sa kaniya bago sumakay sa tricycle ni Kuya Obet.

"Bigyan mo rin nung ulam si Lucas ha!" huling sigaw na paalala ni mama.

"Sige po ma!" ani ko.

"Kuya, doon tayo sa sakayan pumunta!" ani ko at humarurot na siya papunta doon.

SUMALI AKO SA Soccer Club ng ilang buwan pa lang, dahil inimbita ako ng aking bestfriend na si Bryson para sumama dito. Parehas kaming manager at tinitignan lang ang aming team, pero kahit na ilang buwan pa lang ako ay feeling ko na belong na ako.

"Okay boys, pahinga muna ng 20 minutes at maglalaro ulit tayo," ani ni Coach Cyprus kaya agad na pumunta sa amin iyong mga lalaki.

"Iyong mga bote, Bry," tawag ko sa kaniya at dala-dala na niya iyong mga bote na iniinuman nila.

"Check!" ang kaniyang tugon.

"Oh ito na guys oh, fresh na fresh iyan," masigla kong saad habang inaabot sa kanila ang mga bote.

"Ang sigla mo ngayon, Jesiyah ha," ani ni Wilson na vice captain ng Soccer Team.

"Syempre! Nabalitaan ko na dadalo kayo sa ibang school next week, first time ko kayang makasali sa mga sports club katulad nito," tugon ko sa kaniya.

"Jesiyah, salamat doon sa mga tubig. Pahinga na lang ang kulang at may enerhiya na agad ako." Iniabot n Lucas ang inuminan na binigay ko sa kaniya ng may malaking ngiti.

"Kaya nga ako manager dito, at iyon na lang ang magagawa ko para sa inyo," ani ko.

"Then you're doing a great job with it, keep it up," ngiti niya sa akin.

"AYIIEEEE~ SHIP!" sigaw nung mga lalaki sa aming dalawa. Siya si Lucas Jin Ventura, siya ang captain ng Soccer Team at siya rin ang manliligaw ko for 2 weeks.

"Ito yung mga towel." Abot ni Bry sa mga ka-teammate namin at nag-usap kami ng kaunti ni Lucas sa gilid habang humihiyaw ng humihiyaw iyong mga lalaki.

"Kain tayo mamaya?" tanong niya sa akin.

"Kain? Kumain na tayo noong isang araw diba? Baka nakakaabala na ako sa iyo niyan..." Nagaalala kong tanong sa kaniya.

Hinawakan niya ang aking kamay at sinabing, "Babe naman, pagod ako sa practice namin for like 1 week ikaw lang naman pahinga ko diba?" ani niya kaya kinilig ako at napangisi.

"Ikaw talaga-"

"Weehh, pakipot ka pa, eh, sagutin mo na kasi siya!" sigaw ni Kuya Brian, siya ang pinakamakulit sa team namin at target niya kaming dalawa ni Lucas parati.

"Shut up nga kayo!" pabiro kong reklamo sa kanila.

"Huy boys, tapos na ang break punta na sa field para bumalik sa practice," ani sa kanila ni Coach kaya agad silang umalis at binigyan ako ni Lucas ng sandaling paghawak sa aking mukha para alisin ang dumi bago umalis kaya namula ako sa kilig.

"Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto kong hinahawakan iyong mukha ko," ani ko sa aking sarili.

"Baka instincts mo na iyan, or love language mo," sagot ni Bry.

"May nabasa rin akong Psychological Test na kung saan ka mas kumportable, kahit na sa salitang 'honey' o sa paghawak sa kamay ng current lover mo. Ganun daw ang ginagawa sa iyo ng previous lover mo," dagdag pa niya.

The Eccentric Clique Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon