Jesiyah's POV
Sumasakit ang aking mata nang akin itong binuksan, dahan-dahan din akong tumayo at napansin na umiikot ang aking paningin bago maalala iyong mga nangyari kahapon.
Nagkaroon ba ako nang lagnat? Tapos... Bigla akong hinimatay sa harapan nila Dominican.... Teka, totoo ba iyon?!
Bumukas ang pinto at nakita ko si mama na may hawak na balde at panyo, "Buti at nagising ka na rin, halos buong araw kang nakatulog." Ang tangi niyang sinabi at patuloy akong pinunasan.
Gusto kong magsalita, pero nahihiya at nawawala ang mga salita sa loob nang aking bibig. Sana hindi sinabi nila Dominican iyong ka-dramahan ko bago ako mahimatay.
"Sinasabi ko na sa iyo na dapat hindi ka na pumasok kahapon, naabala mo pa iyong mga kaklase mo," unang salita na lumabas sa kaniya ay paninisi.
"Pasensya na ma, sinabi ko kasi kila Tyler na isang araw lang ako mawawala,"
"Bakit, hindi ba nila maunawaan iyon kapag sasabihin mo?" Hindi agad ako nakasagot sa kaniyang sinabi.
Tumayo siya at wala nang sinabing iba, pero bago siya umalis ay may sinabi siya, "Gusto lang naman kitang maging katulad nang ibang babae, mahirap ba iyon?" bago isarado iyong pinto.
Tumayo ako sa harap nang aking salamin at sinabing, "Hindi ko naman choice na maging ganito ako, pero ganito na ako at walang magbabago." Ayon ang gusto kong isagot sa tanong sa akin ni mama.
Hindi na muna ako pumasok ngayon kaya nagcha-chat na lamang ako sa Sender para magkaroon nang komunikasyon sa kanilang lima.
Pasensya na sa nangyari
kahapon ha
by: JesiyahAt madali namang nag-respond sila Dominican at Gavriel.
Walang problema doon, Jes
by: GavrielMagpahinga ka na muna
para makapasok ka agad
by: DominicanNapangiti ako sa mga reply nila sa akin. Nagtataka tuloy ako kung paano ako nakakita nang mga ganitong klase nang kaibigan.
Kailangan mong magpahinga.
Lalo na't papalapit na iyong
Educational Field trip natin, Jes.
by: AzeroMuntikan ko nang makalimutan iyong tungkol doon, tinignan ko iyong kalendaryo at dalawang araw na lang ang layo.
Alam ko naman iyon
tsaka diko makakalimutan
iyon dahil anlaki nang
binayad ko.
by: JesiyahBtw guys, confirm na
iyong susunod nating
field trip for the next
few months!
by: SarahTeka, susunod na field trip? May susunod agad doon sa Educational Field Trip namin? Gaano ba kalaki iyong budget nang unibersidad namin?
Bagong field trip?
by: JesiyahHindi ko nga pala nasabi
sa iyo, kasi kahapon di
pa siya opisyal pero na-
pagdesisyunan na rin at
opisyal na.
by: SarahOo nga, sasama ka ba
doon?
by: DominicanSobra naman silang nage-expect sa akin, alam kong hindi libre iyang field trip at mas doble pa ang presyo niyan kaysa doon sa Educational Field Trip.
BINABASA MO ANG
The Eccentric Clique
FantasyWhat does it take to be normal? Does it determine your looks? Your sexuality? Or your friends? Ito ang parating iniisip ni Jesiyah sa kaniyang sarili, dahil hindi niya nararamdaman na siya ay isang normal na tao sa harap ng ibang tao. Gusto niyang m...