Chapter 1

99 11 0
                                    



"Nay, papasok na po ako." paalam ko kay inay. Tumango lang siya sa akin at inabot din ang perang pambaon ko. Sampung piso lang iyon kaya kelangan ko na naman magtipid upang may panggastos ako sa maghapon.

Malayo ang high school sa bahay namin kaya maaga pa lang ay umaalis na ako ng bahay upang hindi lang ma-late sa klase. Apat na taon ko ding ginagawa ito noon at madagdagan pa ata ng dalawang taon dahil sa pagbalik ko sa taon na ito.

Naalala ko pang naglalakad ako papunta sa school at pauwi ng bahay noon na talagang nakakapagod kaya naisipan kong gumamit na ng biseklita sa pangalawang pagkakataong ito.

Napabuntong hininga na lang ako ng makasakay na ako sa lumang biseklita ni itay. Ito ang ginagamit niya noon papunta sa pinapasukan niyang trabaho bago pa siya nadestino sa malayong lugar. Nangyari na ito noon kaya hindi na bago sa akin na malayo kami sa kanya.

Mahigpit akong napahawak sa manibela ng biseklita ng matanaw ko ang bagong gising kong kapatid.

"Ate aalis ka na ba? Sabay mo na ako para hindi na ako maglalakad papunta sa paaralan." napangiwi ako sa sinabi niya habang naghihikab pa siya. Napakamot pa ako sa ulo ko ng sumilip din si inay sa akin.

"Huwag mo ng hintayin iyan at siguradong mali-late ka na kapag mamaya ka pa aalis." sambit ni inay na inungusan ng kapatid ko. Napatingin naman si nanay sa kanya bago ito kinausap. "Malayo pa ang school ng ate mo kaya ako na lang ang maghahatid sayo." sambit pa nito bago ako balingan ng tingin. "Sige na Oli, umalis ka na para hindi ka mahuli, mag-ingat ka sa pagmamaneho." bilin pa ni inay kaya tumango na lang ako sa kanila.

Maingat akong pumadyak. Napapangiti din ako habang napapabaling ng tingin sa sinasakyan kong biseklita. Kung pwedi lang na araw-araw ko itong halikan at yakapin ay ginawa ko na. Namiss ko ang biseklitang ito na naging parte din ng kabataan ko. Kahit na nagkasugat-sugat pa ang tuhod ko dahil sa pag-eensayo ko noon magbiseklita kasama ang kapatid ko masaya naman ang naging ala-ala ko dito.

Napapatingin sa akin ang mga kapitbahay naming nadadaanan ko. Katulad ng dati ay ngumingiti pa rin sila bilang pansin sa mga dumadaan sa bahay nila. Mababait ang mga kapitbahay namin ngunit hindi talaga naiiwasan ang pagtsismisan kapag may bagay silang nalalaman. Siguro hindi na talaga mawawala sa mga tao ang pakikipagkwentohan pero sa palagay ko naman ay mas okay pa ang panahong ito kaysa sa hinaharap dahil doon, nagbabago na ang ugali ng mga tao. Hindi na lang tsismis ang ginagawa kasi nila kundi nakikipag-away na din sila sa kapwa nila.

Napadaan ako sa pinapasukang elementarya ng kapatid ko. Dito din ako nagtapos noon. Dito ako nag-umpisang matuto at makihalubilo sa ibang bata. Dito ako unang nagkaroon ng kaibigan na ngayon ay kaklase ko ulit.

"Oli sabay na tayo." huminto ako sa kinatatayuan ni Sandro. Hinihintay na naman niya siguro ang dalawang lalakeng animo'y mga uod dahil sa bagal nilang kumilos. Kung hindi lang talaga ako galing sa hinaharap ay iisipin ko ulit na mga bakla ang dalawang iyon.

Sina Sandro, Hunt at Joyo ay mga kaklase ko noon at dahil nga bumalik lang ako sa nakaraan ko, kaklase ko ulit sila ngayon. Kung uod ang tawag ko sa tatlong ito, tutubi naman ang tawag nila sa akin. Noon ko pa pinag-iisipan kung anong ibig sabihin ng pagtawag nila ng tutubi sa akin. Normal lang naman kasi ang galaw ko, sobrang bagal lang talaga nila.

"Oy Oli pasakay." nakangising bungad kaagad ni Hunt habang sinusuklay pa ang buhok niya gamit ang kanang kamay niya. Umirap lang ako sa kanya. Ano siya? Sinuswerte? Luma na nga itong bike ko, sisirain pa niya.

Napabaling naman ako kay Joyo na inaayos pa ang strap ng bag niya. Ngumisi kaagad siya sa akin ng balingan niya ako ng tingin ngunit katulad ni Hunts ay umirap lang din ako sa kanya.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon