Chapter 8

25 6 3
                                    





Ngayong araw gaganapin ang presentation ng bawat grupo sa Aral- Pan. Lahat ng 3rd year ay nandito na maging ang mga 4th year na magiging audience namin.

Nilibot ko ang paningin sa buong paligid ng high school., ito na ang huling apak ko sa paaralang ito.

"Pang-lima tayo sa bunutan Oli." sambit ni Fred tungkol sa bilang na magpeperform ang grupo namin sa stage.

"Galingan niyong umarte." sambit ko naman sa kanya. Ako ang director nila kaya dapat talagang ayusin nila ang pag-arte nila ngayon.

"Yes po direk tutubi." saad niyang may pasaludo pa sa akin. Tsk.

"Potcha ang laking milo naman 'nun!" sambit ni Bash doon sa costume ng ibang section na hindi halatang milo ang patalastas na gagawin.

"Tara hinge tayong milo Bash." yaya ko pa sa kanya ng nakita kong namimigay ng milo ang ibang member ng taga ibang section.

Mabilis pa sa alas kwatro niya akong hinila papunta sa schoolmates naming nakasuot ng costume na milo at kaagad na hinablot ang dalawang milo na hawak-hawak nito na ibibigay niya sana sa mga 4th year.

"Nakakagulat naman kayo. Uso manghingi oy!" sambit ni Ai na siyang may suot pala ng costume ng milo. Kaibigan ko si Ai na kabaryo ko lang din. Hindi ko na sila masyadong nakakasama simula ng maging lider ako ng mga uod na ito.

"Huwag ka ng magulat, gwapo naman ako. Hihi." sira-ulong sambit pa nitong si Bash na bahagyang ikinapula ng pisngi ni Ai. Hindi niya din siguro inasahang kakausapin siya nitong si Bash na pinipili lang ang kinakausap. Sabagay kasi gusto nitong uod na ito ang milo.

Hinila na ulit ako ni Bash pabalik sa mga kasama namin. Pinapapak na niya ang milo na nakuha niya kaya binuksan ko na din yung binigay niyang isa sa akin.

"Saan kayo galing?" usisa ni Hunt na sa kinakain ko namang milo nakatingin. Huwag niyang sabihing makikipapak din siya.

"Nanghingi ng milo. Hihi." sagot ni Bash habang nakatingalang tinataktak ang milo sa bunganga niya.

Ginaya ko na din ang ginawa niyang pagtaktak pero napasunod na lang ang mata ko sa kamay kong may hawak ng milo ng hawakan ito ng loko-lokong si Hunt at nakipapak na din sa milo ko.

"Takte Hunt!" angal ko sa kanya. "May laway ko na yan.. gago ka talaga!" nabigla pa siya sa sinabi ko ngunit napangisi din siya kapagkuwan.

"Tsk! Ngayon ka pa ba mag-iinarte Olivia Samaniego eh ilang beses ko nang natikman 'yang laway mo." walang modo niyang sambit na ikinanganga ko.

"Tangina!" malutong kong mura kaya biglang may tumakip sa bibig ko.

"Ang lutong Oli." sambit ni Sandro na siya palang may gawa. Tinanggal ko naman ang pagkakatakip niya sa bibig ko at nakabusangot na tumingin kay Hunt.

"Huwag na huwag ka ng makikikain sa pagkain ko lalong lalo na ang makisipsip sa straw ng inumin ko Hunt! Uod ka talaga!" banta ko sa kanya na ikinanguso niya sa akin.

"Grabe ka naman Oli.. ngayon ko lang nalamang madamot ka pala." pangongonsensya pa niya.

"Tang- -.." natigil ko na lang ang mura ko ng may tumikhim sa gilid ko. "nangongonsensya ka pang uod ka eh para mo na din akong hinahalikan diyan sa ginagawa mo!"

Napaubo silang lahat sa sinabi ko. Huli na ng mapagtanto ko iyon kaya tahimik na lang akong napamura sa isip ko.

Boang ka Olivia!

Kamot-ulo akong napatingin kay Hunt na parang aligagang nagpapalit-palit ng tingin sa kung saan.

Pansin ko pa ang bahagyang pamumula ng teynga niya na alam kong nahihiya siya sa mga sandaling ito.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon