Chapter 2

65 7 0
                                    




Tumunog na ang bell hudyat na magpa-flag ceremony kaya sabay-sabay na kaming siyam na pumunta sa malawak na quadrangle.

Napapatingin pa sa gawi ko ang ibang studyante dahil sa mga kasama kong walong lalakeng parang mga bodyguard ngayon sa gilid at likuran ko. Tsk! Trip na naman ng mga bwakainangshit na 'to.

Alam kong ang iba sa mga studyante dito ay naiinggit dahil nakakasama ko ng madalas ang walong mga lalakeng kagrupo ko na di ko naman itatangging may mga hitsura din naman kahit pa mga uod kumilos. Sa palagay ko nga, itong si Stone ang may maraming fans sa paaralang ito kahit bulakbol ang loko. Si Bash din ay ganoon din maging ang iba pa kahit alam pa ng buong school ang mga kalokohan nilang pagka-cutting class para uminom ng alak sa katabi pa mismong bilyaran nitong school. Tsk! Buti na nga lang at nabawas-bawasan na ang pagiging pasaway nila ng maging lider ako ng mga lokong ito dahil kung hindi ay malalagas ang buhok nila araw-araw sa kakasabunot ko sa kanila.

Pero sa totoo lang, hindi ko talaga ginustong mapalapit sa mga ito. Okay lang sa akin ang tatlong sina Sandro, Joyo at Hunt lang ang mga kaibigan kong lalake dahil sila naman talaga ang ka-close ko noong una. Hindi ko din ginustong maging lider nila dahil aside sa pagiging stress dahil sa kanila, may mga bagay din akong pinoproblema sa pamilya namin. Ngunit wala akong lakas upang umayaw sa advicer ko. Nahihiya akong salungatin ang kagustuhan niyang matulungan ko ang mga kaklase kong pasaway na mga studyante.

Simula ng maging lider ako ng mga ito, namiss ko na ang malayang buhay ko noong sariling buhay studyante ko lang ang iniisip ko. Nakakasawang magremind sa mga uod na ito na gawin ang mga project at assignments nila na kahit oras ng pagtulog ko sa gabi ay nagagambala dahil kelangan ko pang itanong at sabihin sa kanila ang mga gawain nila.

"Olivia saan ka na nakarating?" bored na tanong ni Stone sa pag-iisip ko. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Nakarating na ako sa future mo!" sarkastiko ko ding sambit ngunit kalaunan ay napatunganga din ako habang mas lalong kumunot ang kilay na tumitig sa mukha niya.

Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari sa future kasama ang lalakeng ito pero bakit hindi ko na naman maalala?

"Olivia." nagtatakang tawag na naman ni Stone sa pangalan ko na nagpailing sa akin.

"Tatawagin mo pa rin ba ako sa buo kong pangalan sa future?" nagtataka ko ding tanong sa kanya na kahit nakakunot na ang noo niyang nakatitig sa akin ay tumango pa rin siya. Itong si Stone lang kasi ang tumatawag sa buo kong pangalan sa kanilang walo.

"Eh bakit hindi ko maalala?" nakanguso kong tanong na di makapaniwala niyang inilingan.

"Hindi ka ba kumain ng agahan? Tsk! Paano mo naman maalala eh future nga 'yun?" sambit niya kasabay ng pagpitik niya sa noo ko. Kung alam niya lang talaga.

"Eh bakit ka namimitik?" himutok ko na lang sa kanya na ikinaulit na naman ng pagpitik niya.

Hahampasin ko na sana ang isa 'to kung wala lang ang maarteng sumingit.

"Students at the back.." maarteng suway naman sa amin ng pabidang ssg president. Tsk!  Alam kong aaksyon na sa pag-irap ang mata niya sa akin ngunit pinigilan niya lang ito dahil katabi ko ang crush niyang si Stone. Officer din naman ako ng student government dito sa school, mas lamang pa nga ng halos kalahati ng boto niya ang bumuto sa akin bilang P.I.O pero kung makaasta siya sa akin ay parang hindi ko siya natalo sa boto kahit pa president siya.

"Stone, crush ka niyan," nakabusangot kong sambit kay Stone na bumaling na naman ng tingin sa akin.

"Hindi siya ang crush ko!" madiin niyang sambit na parang may pinaglalaban siya kaya tinanguan ko na lang din.

"Mabuti naman,. Alam mo bang sobrang arte ng babaeng 'yan. Kapag kayo ang nagkatuluyan  naku!" napailing pa ako bago dagdagan ang sinabi ko. "..ang tamad mo pa naman.."

Automatiko siyang napatikhim sa sinabi ko. Tinaasan niya pa ako ng kilay na parang kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko.

"Duh! Totoo 'yun." nakangisi kong sambit kaya nagbalak na naman siyang mamitik kaya umiwas na ako.

"Oli." napalingon ako kay Sandro ng tawagin niya ako.

"Bakit?" tanong ko dito na bahagya lang niyang inilingan bago sinenyas sa akin ang nasa harapan.

Palapit pala ang principal sa gawing likuran kung saan kami nakapila kaya mabilis na tumahimik ang kaninang maingay na pwesto namin.

Napangiti ako bago bumati sa principal ng huminto ito sa pwesto ko.

"Good morning po Maam." magalang na bati ko dito na tinanguan lang niya. Ganoon din ang ginawa ng mga katabi kong studyante tsaka tahimik ng bumaling sa harap upang simulan na ang flag ceremony.

Matapos ang ceremony, bumalik na kami sa room. Dahil given na nga ang pagiging uod ng mga kasama ko, kami ang pinakahuling dumating. Nandoon na nga ang advicer namin at sigurado akong natapos na ang opening prayer ng mga kaklase ko.

Napabuntong hininga na lang akong napatingin sa advicer ko na naiintindihan din ang sitwasyon ko.  Sanay na siya sa mga kagrupo ko kaya siya na lang talaga ang nag-aadjust araw-araw dahil kung magpapadala siya sa pagka-stress, maagang mamumuti lahat ang may puti na niyang buhok.

Nagsimula ng magdiscuss si Mrs. Caballero na advicer at titser namin sa Math. Groupings ang gusto niya kapag nagpapasagot siya o di kaya may oral recitation kami sa subject niya.

Minsan naiisip kong napaka unfair ng ginawang pag-group ni Maam dahil ang group 1 hanggang group 4 ay may kabilang na tig-tatatlong marurunong na studyante sa section namin. Marunong din naman ako, pero ang hirap lang dahil madalas ako lang ang parang nag-iisip ng sagot sa grupo ko. Mga punyawa kasi ang mga uod na 'to.

"Oli anong sagot?" tanong ni Fred tungkol doon sa pangatlong tanong ni maam. Nangalumbaba lang ako sa harap niya tsaka ako umirap.

"Isipin mo 'yung MDAS Fred." nanghihina kong sagot sa kanya na ikinaurong naman niya ng upo. Sabi na eh, tatamarin siyang mag-isip. May utak ang mga uod na ito kaya lang ang tatamad lang talaga nilang mag-isip. Ang haba naman kasi ng problem solving ni Maam.

"Samaniego may sagot na ba ang grupo niyo?" tanong ni Maam sa akin na tahimik ko lang na tinanguan.

"X is equal to 69." biglang sagot ni Sandro mula sa likod ko.

"Tsk! Buti naman nag-isip ka na one." sambit ko kay Sandro na pinakaunang naging uod sa buhay ko.

Ngumiti lang siya sa akin bilang pagyayabang sa naitulong niya sa grupo.

"Correct." sambit ni maam sa harap. Nagpalakpakan naman ang mga loko kong kagrupo dahil sa tamang pagsagot ni Sandro.

Hanggang sa matapos ang klase namin sa math, hinayaan ko lang silang sumagot sa mga question ni maam. Hindi naman sa tinamad akong magparticipate pero alam ko na kasi ang magiging kahihinatnan nitong groupings na ito.

At sa huli nga ay nanalo ang group 1 dahil andoon naman ang top one namin. Kasama niya pa ang iba pang top ng section namin kaya ano nga ba ang laban ng group 5 kung pagiging uod lang ang ambag ng mga kagrupo ko. Buti na nga lang at maganda ako hindi nga lang masuportahan ng mga lokong ito.


***

night-firefly 💙


Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon