Chapter 4

36 6 0
                                    





"Nay?" hinihingal na tawag ko kay inay ng makarating na ako sa bahay.

Nakita ko naman siyang busy na naglalaba ng damit sa may likurang bahagi ng maliit naming bahay.

"Oh, Oli.. ang aga mo naman atang umuwi?" nagtataka pa niyang sambit habang nagkukusot pa rin ng mga labahin.

"Opo." iyan lang ang sinabi ko bago mabilis na pumunta sa kusina at pinatay ang malakas na apoy na nanggagaling sa panggatong naming kahoy kapag nagluluto. Iyon ang dahilan kung bakit kami nasunugan ng bahay noon. Bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari na pinagtataka ko kung bakit ngayong araw ko lang din naalala.

Nagbihis na ako ng damit ng masiguro kong hindi na masusunog ang bahay namin. Nakapa ko pa sa bulsa ng uniporme ko ang maliit na notbok na pinapasagutan ni Joyo sa akin kanina. Tinabi ko na lang iyon at mamaya ko na lang siguro sasagutan. Pinuntahan ko muna si inay sa likod bahay upang tulungan na din siya sa paglalaba.

"Wala ba kayong pasok?" usisa ulit ni inay ng makaupo na ako sa katapat na upuang kahoy.

"May meeting po ang mga titser nay." sagot ko naman sa kanya. Tumango lang siya sa sinabi ko at tahimik lang din kaming magkasabay na nagkukusot. Maya-maya ay napabaling ulit ako ng tingin sa kanya.

"Nay kailan po uuwi si itay?" napatigil siya sa pagkukusot tsaka nagbuntong hininga.

"Sa susunod na linggo pa, bakit Oli?" tanong naman nito ngunit himig na himig ko ang kalungkutan sa boses niya.

"Wala naman po. Dapat po ata ay ipagpaliban muna ni itay ang pag-uwi, inay." nagtaka namang tumingin si inay sa akin dahil sa sinabi ko na pinili ko na lang na payak na ngumiti sa kanya.

"Wala tayong kakainin kung hindi siya uuwi sa araw na iyon." sambit ni inay na ikinabuntong hininga ko na lang.

"Mahal na mahal po kita nay." mahinang sambit ko na hindi ko alam kung narinig niya.

Natapos ang paglalaba namin. Inutusan niya akong sunduin ang kapatid kong lalake na nag-aaral sa elementarya.

Sinakyan ko naman ang lumang bike ni itay papunta sa paaralan. Sakto ang pagdating ko doon dahil labasan na ng mga studyante.

Naghintay ako sa labas ng maliit na gate. Natatanaw ko na ang paglalakad ng kapatid ko ng magulat akong may tumapik sa balikat ko.

"Oli." mahinang tawag pa niya sa akin kaya nakabusangot naman akong tumingin sa kanya.

"Sorry na tutubi." sinimangutan ko din ang uod na si Hunt na kasama pala nitong si Sandro.

"Sinagutan mo na ba ang autograph book ko?"
si Joyo naman na pangisi-ngisi pa sa akin ngunit ng sinamaan ko na siya ng tingin ay nagmamakaawang parang tuta din ang hitsura niyang tumingin sa akin.

"Ate." tawag sa akin ng kapatid kong si Jun. Napangiti na lang ako ng salubungin niya ako ng yakap at mabilis ding umangkas sa likuran ng bike na sinasakyan ko.

"Hello Jun." napairap ako sa mga kasama naming uod ng magkasabay nilang binati ang kapatid ko.

"Oli nasa akin pala ang bag mo." sambit ni Sandro na inungusan ko lang. Ayoko silang kausapin dahil nagtatampo pa rin ako sa nangyari kanina.

"Yung nangyari pala kay Stone, ano. .-." kakamot-kamot sa ulong sabi ni Hunt. "Wala yun.. huwag mo na lang isipin." dagdag pa niya na inikutan ko na lang ng mata bago ayusin ang kapatid ko na nakaangkas sa likod ng bike. Kahit wala akong maalala tungkol kay Stone, alam ko namang may nangyari talaga sa likod niya.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon