Chapter 5

39 6 0
                                    





Kinabukasan, nagpaalam ako kay inay na umalis at magpapractice kami ng mga kagrupo ko. Kilala naman niya sila Sandro kaya pumayag na din siya.

Maaga akong naligo upang maghanda na din. Napabuntong hininga na lang ako sa kakarampot na shampoo na hindi na ata kasya sa haba ng buhok ko.

Lumabas ako ng banyo upang kunin ang salamin sa kwarto ko pati na din ang gunting na may disenyo pang paalon-alon sa mismong gupitan nito.

Napahugot muna ako ng hininga ng mapagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

"Kaya mo 'to Olivia. 'Pag nakabalik ka na, hahaba din 'yang buhok mo." pagpapalakas ko sa sarili bago gupitin ang mahaba kong buhok.

Bahagya pang nanginginig ang kamay ko ng malapit ko ng matapos na gupitan hanggang balikat ang buhok ko. Napahawak naman ako dito ng nagkorteng alon ang style nito sa ilalim na parte dahil sa paalon-alon ding design ng gunting na gamit ko. Sinunod ko namang gupitin ang bangs ko na pina-side ko din ang style. Napangiti na lang ako ng lalo akong gumanda. Hihi. Mas nadepina kasi ang hugis puso kong mukha dahil sa style ng buhok ko.

Napangisi ako sa shampoo ng matapos ko ng bawasan ang buhok ko. Sigurado akong makakatipid na ako sa shampoo nito.

Nakabihis na ako ng lumabas ako ng banyo. Natigil pa ako sa paghakbang ng makita ang gulat sa mukha ni inay na nakatitig sa mukha ko papunta sa buhok ko. Nakanganga namang tumingin sa akin ang kapatid kong lalake na para bang may hinahanap siya sa likod ko.

"Ang ganda mo, Oli, anak." puri ni inay na nakapagpatawa sa akin.

"Mana lang po sa inyo inay." balik ko ding puri sa kanya na ikinangiti niya lang din sa akin.

"Oo nga po ate., ang ganda mo. Bagay pala sa iyo ang buhok ni dora." singit naman ni Jun na nagpangiwi sa akin dahil sa huli niyang sinabi.

"Walang style ang buhok ni dora, Jun. Tignan mo naman ang sa akin, may paalon-alon pa." pagmamayabang ko sa style ng buhok ko na malayong-malayo sa style ng buhok ni dora.

"Oh, siya.. maghanda ka na Oli at baka mahuli ka pa." natatawang sabi ni inay na marahil ay dahil sa sinabi ni Jun.

Napangiti na lang ako sa maaliwalas na ngiting nakikita ko ngayon sa mukha niya. Sana ganito na lang siya palagi.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam akong umalis. Sakay pa rin ng bike ko ay nagpunta na ako sa gate ng elementarya kung saan ako hihintayin ng mga uod kong kaibigan.

Bawat dinadaanan kong tao ay napapatingin sa buhok ko. Marahil ay hindi sila sanay na makita akong maiksi ang buhok, o di kaya'y nagagandahan lang talaga sila sa akin. Hihi.

Automatikong napataas ang kilay ko ng mauna nga talagang dumating ang tatlo sa sinabi nilang tagpuan namin kahapon.

Nakangiti pa akong sinalubong ni Hunt ng kanang niyang kamay na dumiretso kaagad sa bagong gupit kong buhok.

"Wow! Ganda ng buhok ah." puri pa niya na tinaasan ko lang ng isang kilay tsaka ako ngumisi sa kanya.

"Nagmomove on ka ba tutubi kaya ka nagpagupit?" pang-aasar pa ni Joyo na ikinasimangot ko sa kanya.

"Move on from what?" panggagaya ko sa line ni daniel padilla sa palabas. "Nagtitipid lang ako ng shampoo, uod ka!" irap ko sa kanya.

"Bagay sayo Oli, gumanda ka lalo." napangiti ako sa papuri ni Sandro. Ngayon ko lang ata narinig na sincere ang pagsabi niyang maganda ako.

"Ako lang 'to one, hihi." sambit ko na bahagya lang niyang tinawanan.

Nagyaya na si Sandro na umalis na kami papunta sa bahay nila Bash. Iniwan ko na ang bike ko sa bahay nila dahil tricycle na ang sasakyan namin. May kalayuan ang bahay nila Bash kaya mas mabilis kong tricycle ang sasakyan naming apat.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon