Chapter 21

13 0 0
                                    

Kinabukasan, may pasok na kami pero hindi ako pumasok.

Tinamad kasi akong bumangon kaya pinuntahan na ako ni nanay sa higaan.

"Anak, may masakit ba sayo? Napagod ka ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Tinatamad lang po akong bumangon, nay." sagot ko naman habang nakatalikod pa rin sa kanya.

"Siguro ay napagod ka nga kahapon. O siya, magpahinga ka na muna riyan at ako na lang muna ang maghahatid sa kapatid mo sa paaralan." saad ni nanay at umalis na din sa higaan ko.

Malalim naman akong napabuntong hininga ng makalabas na siya sa kwarto ko. Magdamag akong nag-isip kagabi tungkol sa nangyari sa akin sa ilog kaya sumasakit din ang ulo ko ngayon. May kaunting ala-alang pumapasok sa isip ko pero hindi ko alam kung totoo ba iyon o gawa-gawa lang ng utak ko.

"Tsk." baling ko sa kabilang banda ng higaan ko at bigla na lang akong napahiyaw sa gulat ng ang tatlong mukha ng mga gago ang nakita ko.

"Bangon na, Oli. Sinusundo ka na ng liwanag." saad pa ng gagong si Joyo.

"Bangon na Oli, mali-late na tayo." ani Sandro kaya napabalikwas na ako ng bangon.

"Anong ginagawa niyong tatlo dito? at bakit kayo pumasok sa kwarto ko?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Kanina pa kami tawag ng tawag sayo sa labas. Di mo naman kami naririnig." ani Hunt.

"At bakit di ka pa bumabangon? Aabsent ka? Magbubulakbol ka?" dagdag pa nito.

Umismid lang ako sa kanya bago sumagot.

"Tinatamad akong pumasok, kaya aabsent muna ako. Kayo na lang muna ang pumasok." ani ko. Pinagtaasan naman ako ng kilay ng tatlo.

"Edi hindi na din kami papasok. At sigurado akong kapag hindi tayo nakita nina Stone ay pupunta din yun dito at hindi na din papasok." ani Hunt na ikinatingin ko ng masama sa kanya.

"Tsk. Lumabas na nga kayo sa kwarto ko at doon niyo na ako sa sala hintayin." inis kong ani at wala na ding nagawa kundi ang magmadaling maligo at ayusin ang sarili ko. Ang balak kong pagliban sa klase kanina ay napurnada pa. Tsk.

Mga sira-ulo talaga. Parang hawak ko ang mga pag-aaral nila kaya di sila makapasok ng sila lang. Tsk.

Lumabas na din ako ng silid ng makapag-ayos na ako. Kaagad ko din silang niyaya at baka mas lalo pa kaming ma-late.

Napatingin ako kay Sandro ng mapansin kong may tricycle na nakaparada sa labas ng bahay namin.

Mabuti na lang at dinala niya ulit ang sasakyan ng pinsan niya. Mapapabilis ang pagpasok namin at kung bibilisan niya ay baka di pa kami mahuli sa klase.

"O, Oli. Papasok ka? Hindi ka na ba pagod." tanong ni nanay ng makauwi na ito sakay-sakay ng ginagamit kong biseklita.

"Opo, inay. Mauna na po kami at baka  lalo pa kaming ma-late sa klase." paalam ko sa kanya.

"O. siya. Mag-iingat kayo."

"Alis na po kami aleng Iva." paalam din ng tatlo.

Mabilis ang pagpaandar ni Sandro sa tricycle at lumipas ang kalahating minuto, nakarating na kami sa paaralan. Sumakto kami sa bell kaya inabutan pa namin ang flag ceremony.

Nakapila na ang ibang uod ng makarating kami sa quadrangle. Tinanguan pa kami ng mga ito at tumango din kami sa kanila.

Nagkaroon ng exercise matapos ang flag ceremony kaya wala akong magawa kundi makisabay din sa iba dahil baka mapagalitan pa ako ng titser namin kapag nakita akong hindi gumagalaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon