Chapter 9

25 5 0
                                    





Kinagabihan ay dumating na nga si itay. Hindi na ako nagulat pa ng kasama niya ang mga totoo kong magulang dahil nangyari naman na 'to noon.

"Olivia.. anak.." tawag ni Mommy sa akin na kilala at nakasama ko na noon. Mabait ang mga tunay kong mga magulang sa akin ngunit may pangyayari lang sa hinaharap na hindi ko inaasahan kaya hindi na ako muling nakabalik sa lugar na ito.

"Pwedi po bang bigyan niyo pa po ako ng panahon upang makasama sila? Kahit hanggang matapos ko lang ang taon na ito. . Pagbibigyan niyo naman po ako di'ba Ma?" pakiusap ko kay Mommy na nag-iwas lang ng tingin sa akin. Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na mababago ko ang pangyayaring ito noon. Na sana hayaan niya muna akong sulitin ang mga araw at oras na makakasama ko pa ang kinalakihan kong pamilya pati na din ang mga kaibigan ko.

"Pasensya ka na Olivia. . matagal kang nawalay sa amin ng ama mo anak kaya hindi ko na kayang hindi kita makasama." sambit ni Mama na ikinabuntong hininga ko na lang.

"Ate?" nagtatanong na tawag ni Jun sa akin. Pinigilan kong huwag umiyak sa harap niya pero hindi ko pa rin nagawa iyon. Na katulad ng dati ay masakit pa rin sa akin ang iwanan sila nila inay at itay.

"Itay, alagaan niyo po ang inay at si Jun." sambit ko kay itay na tahimik na ding umiiyak sa tabi ni inay.

"Patawarin mo kami Olivia." hingeng tawad niya na inilingan ko naman habang umiiyak pa rin ako.

"Hindi niyo po kailangang humingi ng tawad itay. Mahal na mahal ko po kayo ni inay at Jun lage niyo po sanang tandaan 'yun." sambit ko na lalo lang nilang ikinaiyak ni inay.

"Ate aalis ka po ba?" tanong na naman ni Jun sa akin. "Mahal na mahal din po kita ate, dito ka lang po ah?" inosente niya pang saad kaya hindi ko mapigilang yakapin siya ng mahigpit.

"Babalik ako Jun.." sambit ko habang yakap siya. Ngayon ko lang narealize na kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sa tagpong ito, hindi ko pa rin pagsisisihang muli silang nakasama nina inay at itay kahit pa bumalik din sa akin ang hapdi at kirot na paulit-ulit na dumudurog sa puso ko.

Matapos kong nagpaalam sa kanila, sumama na ako sa tunay kong mga magulang. Dinala nila ako sa unang bahay na tinirhan din namin noon. Pinakita sa akin ni Mama ang mga litrato ko noong maliit pa lang ako na nagawa niya na din noon. Umulit lang ang tagpong ito sa buhay ko. Ito lang ata ang sumakto sa mga alaalang naganap sa buhay ko noon.

Isang linggo na ang lumipas mula ng mahiwalay ako kina inay. Kahit pa naramdaman ko na ang pangungulila at kalungkutan noon, hindi ko pa rin maiwasang isipin na sana sa pangalawang pagkakataon na nakabalik ako sa panahong ito ay mabalikan ko na sila.

Napabuntong hininga ko na lang na tinanaw ang malawak na karagatan. Isang rest house ang pinagdalhan sa akin ng mga magulang ko. Isang doctor sa isang unibersidad ang aking ama habang si Mommy naman ay humahawak ng family company.

Mayaman ang pamilya ko gaya nga ng sinabi ni inay noon. Namuhay ako ng marangya simula ng makuha ako noon ng mga tunay kong magulang, iyon nga lang ay pinagbawalan na nila akong bumalik sa tahanang gusto kong balikan.

Tatlong araw mula ngayon ay dadalhin na nila ako sa ibang bansa at doon na ako matagal na titira. Isa din iyon sa dahilan kung bakit hindi ko na talaga mababalikan pa sina inay.

Mamumuhay ako doon na kasama lang ang mga kasambahay dahil palaging busy ang mga magulang ko sa trabaho. Mababait sila pero wala silang oras para matagal akong makasama dahil may kanya-kanya silang responsibilidad na dapat gampanan. Responsibilidad din naman nilang alagaan ako na anak nila pero siguro sa haba ng panahong nawalay ako sa kanila, nasanay na siguro sila na malayo kami sa isa't isa.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon