Chapter 17

14 1 0
                                    

Natapos na din ang acquaintance party kaya pinuntahan na ako nina Ylyn sa quadrangle upang sabay-sabay na din kaming lumabas.

"Hi girls." bati pa ni Fred sa kanila na ikinakaway lang ng mga kaibigan kong babae sa kanya.

"Uwi na kami. Kukunin na namin si O sa inyo." natatawang saad ni Ylyn sa kanila.

"Sige, ingat kayo kita na lang tayo sa linggo, tutubi." paalam naman ni Ethan.

"Ingat din kayo." saad ko na tinanguan lang nila.

"Goodnight, Olivia." mahinang saad pa ni Stone na nginiwian ko lang. Mahina naman siyang natawa sa hitsura ko at nagbalak pang gumiling na naman sa harap ko.

"Itigil mo na 'yan Stone." pigil ko sa kanya na natatawa lang niyang inilingan.

"Puntahan ka namin sa linggo, Oli." si Sandro ang nagsalita na nasa tabi ko lang kaya bumaling ako ng tingin sa kanya.

"Bakit?" kaagad kong tanong.

"Birthday ni Fred. Nagplano kaming maligo sa ilog. Hihi." sagot niya na kinunutan ko lang ng noo.

"Eh bakit ako ang pupuntahan mo, si Alfredo naman ang may birthday?" kunot-noo kong tanong.

"Syempre, envited ka tutubi kaya susunduin ka nila." ngisi naman ni Fred.

"Ayokong sumama. Mag-iinuman lang naman kayo doon." pag-ayaw ko na kaagad namang ikinadrama ni Fred.

"Grabe ka naman, tutubi. Birthday ko 'yon eh tapos ayaw mong pumunta. Madami akong handa oy." nagtatampong ani niya na inikutan ko lang ng mata.

"Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na hindi ako makakadalo sa birthday mo Fred. At tsaka, wala akong regalo." saad ko.

"Hindi mo naman kailangang magbigay. 'Yung mga gagong ito nga ay walang naibigay kahit kailan." saad niya na ikinatingin ko sa mga uod. Mga kuripot.

"Magpapaalam pa ako. At tsaka kung sasama man ako, ano namang gagawin ko doon eh ayoko namang maligo sa ilog baka malunod pa ako." patuloy kong angal.

"Ikaw na lang magbabantay sa pagkain natin. Hihi." suhestiyon niya ulit.

"Ayoko pa rin."

"Tsk. Wala. Hindi mo talaga ako love tutubi. Akala ko pa naman ako ang crush mo sa aming lahat." sira ulo na naman niyang himig pagtatampo. Wala pang kalakas-lakas ang paraan ng pagsasalita niya na parang nanghihina siya sa mga sandaling ito.

"Alam mo, ang drama mo Alfredo. Hindi na ako magtataka kung pagdating ng panahon ay magiging artista ka." naniningkit ang mata kong ani na nginisian lang ng gago.

"Ganoon talaga kapag gwapo, tutubi, may chance talagang maging artista. Hihi." nabuhayan niyang ani na ikinangiwi ko na lang sa kanya.

"Bahala ka na nga Alfredo." pagsuko ko.

"Basta pumunta ka, ah, tutubi. Susunduin ka nina Sandro at ipagpapaalam ka pa nila sa nanay mo. Di ba, pre?" baling pa nito kina Sandro na tumango lang sa amin.

"Tsk. Bahala na." kakamot-kamot ko na lang na saad upang matapos lang ang pinag-uusapan namin. Kanina pa kasi ako hinihintay ng mga kaibigan kong babae na nakasakay na sa sasakyan nina Ylyn. "Sige na, uuwi na ako. Umuwi na din kayong mga uod." sambit ko at tinalikuran na sila.

Narinig ko pa ang pamamaalam nila na sinagot ko na lang sa pamamagitan ng pagkaway.

"Hinahanap ka pala ni Ken kanina, O." saad ni Ylyn habang tumatakbo na ang sinasakyan naming sasakyan.

"Ayieee. . bagay na bagay talaga kayo ni Ken, Oli." kinikilig namang saad ni Cera.

"Tsk. Hindi no." natatawa ko namang ani na ikinahampas ng mahina ni Ai sa braso ko.

"Pa-humble ka pa, Oli. Haha. If I know, siya ang crush mo." napangiwi ako sa sinabi ni Cera.

"Tsk, kung inakala niyo ding si Ken ang crush ko ay nagkakamali kayo." saad ko na ikinangisi lang nila sa akin. Mga hindi naniniwala ang mga pagmumukha nila.

"In denial ka best." tawa ni Ylyn.

"Tama ka, lyn." gatong din ni Ai bago ito nakangiting bumaling sa akin. "Huwag kang mag-alala, Oli. Sa palagay ko kasi ay crush ka din ni Ken. Halata naman kasi kung paano ka niya tignan at isayaw kanina. Omg! Sobrang nakakakilig. Shit! Ang dami kayang naiinggit sayo kanina. Sana all na lang talaga." kinikilig pa nitong dagdag na parang siya ang sumalo sa kilig na dapat ako ang makakaramdam.

Napailing na lang ako sa kanila. Paano ko ba mapapaliwanag ang katotohanang si kenshin na batusai at si Kento ang crush ko. Hayst! Dumagdag pa talaga ang isiping ito sa mga bagay na nahihirapan akong ipaliwanag.

"Oh, smile muna. Hindi tayo nakapag picture kanina eh." saad ni Ai habang hawak-hawak ang camera niya.

Sabay-sabay naman kaming ngumiting apat habang nakaharap sa camera.

"Wait. .isa pa, ang labo ng hitsura mo dito, Oli." saad ni Ai at inulit ulit ang pagkuha ng litrato. Pero katulad ng nauna ay malabo pa rin iyon.

"Tsk. Bakit malabo ang iyo? Ang amin ay maayos naman." nagtataka niya pang ani kaya inulit niya na naman ang pagkuha ng litrato.

Sa ikatlong kuha niya ay umayos na din iyon. Kahit nagtataka ako kung bakit mukha ko lang ang malabo ay isinantabi ko na lamang ang isiping iyon.

"Omg!" sigaw ni Ylyn ng muntikan ng mahagip ang sinasakyan namin ng malaking truck.

Bigla na lang nanginig ang kamay ko. Pumasok din sa isipan kong maaaring maging masamang senyales ang paglabo ng hitsura ko sa litrato.

"O-okay ka lang Oli." tanong ni Ylyn ng mapansin siguro nitong hindi ako mapakali.

Paano kung madamay sila kapag may mangyaring masama sa akin?

Naisip ko na kasi ang posibilidad na mangyayari kung babaguhin ko ang bawat pangyayari na nangyari na noon. Alam kong maaapektuhan ang lahat ng bagay kapag nabago iyon. Ngunit sa sandaling nakabalik ako sa pamilya ko, doon na nagbago ang lahat. Doon na nagsimulang wala na akong alam kung ano ang kasunod na mangyayari at kung ano ang magiging epekto ng pagbabagong iyon.

"Oli.."

Napatingin ako kay Ylyn ng muli nitong tawagin ang pansin ko.

"Anong nangyayari sayo? May masakit ba huh? Saan?" nag-aalala niyang tanong na pilit ko lang nginitian.

"O-okay lang ako Y. Nagulat lang siguro ako." ani ko.

Napahinga naman siya ng maluwag at payak na ding napangiti.

Napatingin ako sa labas. Puno pa din ng pag-aalala at katanungan ang isip ko ngunit batid ko ding sa ngayon ay hindi ko din alam kung anong sagot doon.

***

night-firefly 💙

Please vote and don't forget to leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon