Chapter 13

29 5 0
                                    




"Olivia let's dance." yaya ni Stone sa akin habang nakahilig pa rin ang ulo ko sa balikat niya.

"H-huh?" sambit ko naman na pinigilan kong huwag niyang mahalata ang biglaang pagiging utal ko.

"Dance with me." ulit na naman niya kaya bumangon ako upang tumingin sa kanya.

"Hindi ako marunong." kunot-kilay kong sambit dahil hindi naman ako marunong sumayaw. Baka maapakan ko lang ang paa niya.

"You just need to stand on the ground Olivia." pilit na naman niya na bahagya ko lang sinimangutan bago pumayag sa gusto niya.

Inalalayan niya pa akong tumayo. Ang sweet niya infearness.

"Saan kayo pupunta?" usisa naman ni Sandro.

"Dancing." si Stone na ang sumagot na ikinahiyaw ng mga uod.

"Go Stone.. ako next. Haha" sambit ni Audi.

Inikutan ko lang siya ng mata na pinagsisihan kong gawin dahil muli na naman akong nahilo. Buti na lang at inalalayan pa rin ako nitong si Stone.

Marahan niya akong hinila papunta sa kung saan. Napalingon na lang ako sa paligid at napagtanto kong nasa gitnang bahagi na pala kami ng quadrangle.

"Siraulo ka ba Stone? Bakit dito mo ko dinala?" singhal ko sa kanya. Ang layo kasi ng mismong pinagsasayawan ng mga studyante sa pinagdalhan niya sa akin.

"I want to be in the center Olivia.." sambit lang niya na inungusan ko. "Tsaka para mawala ang pagkalasing mo. You need a fresh air." dagdag pa niya na pinagkibit balikat ko na lang.

Muling tumugtog ang kantang "Wherever you are" kaya napatingala ako sa kanya. Matangkad siyang lalake kaya halos hanggang dibdib niya lang ako. Inabot niya ang dalawang kamay ko at inilagay niya iyon sa likod ng leeg niya tsaka niya din nilagay ang kamay niya sa beywang ko.

"Huwag mo kong kilitiin Stone." sambit ko pa na mahina niya lang na tinawanan bago sumeryoso ang mukha niya.

"I miss you Olivia." malambing niyang sambit kaya napako ang paningin ko sa mga mata niya. May kadiliman ang paligid na kinaroroonan namin ngayon pero kitang-kita ko pa din ang kakaibang kislap ng mga mata niya.

Marahan niyang hinaplos ang kaliwang pisngi ko na biglang nagbigay sa akin ng emosyong wari'y matagal ko ng naramdaman. Na para bang may nakalimutan akong eksena sa buhay ko dahil na din sa nakikita kong kislap sa mga mata niya ngayon.

Tinulak niya payuko ang mukha ko kaya sumubsob ito sa dibdib niya. Naramdaman ko ulit ang paghalik niya sa ulunan ko na alam kong ginawa niya rin kanina habang may naganap na group hug kasama ang kalahi niyang mga uod.

"Stone." mahina kong sambit sa pangalan niya.

"Hmm?" sagot naman niya ngunit hindi na din ako nagsalita.

Katulad nga ng sinabi niya ay tatayo lang ako sa lupa. Wala kaming ginawa kundi ang manatiling magkaharap na nakatayo sa gitna nitong quadrangle.

"Olivia." Pagkaraan ay tawag niya din sa pangalan ko.

"Bakit?" tanong ko na tinawanan lang ulit niya.

"Baliw ka ba batong uod?" saad ko habang ganoon pa rin ang posisyon ko. Para kaming nagyayakapan sa gitna nitong quadrangle. Mabuti na lang at mga bituin lang ang nasa langit dahil kung nagkataong may buwan, sigurado akong makikita kami ng ibang studyante at maiisyu pa kaming dalawa.

"I'm crazy for you Olivia." nakatawa niyang sambit kaya nahampas ko ng mahina ang dibdib niya.

"Baliw! Bukod sa pasa mo diyan sa labi mo Stone, wala ka na bang ibang sugat? Yung likod ko gumaling na ba?" usisa ko at tiningala na siya.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon