Chapter 6

31 7 0
                                    





Matapos naming kumain ng tanghalian ay nag-umpisa na kaming magpractice. Wala na ding nagbanggit ng tungkol sa pag-iyak ko kanina na ipinagpasalamat ko na lang din.

Si Stone naman ay bumalik na din ng tawagin siya ni Bash. Nagpunta lang pala siya sa tabing ilog nitong bahay nila Bash kaya bigla siyang nawala kanina.

"Sino ang gustong gumanap bilang mga baso?" tanong ko sa kanila. Nagtaas naman ng kamay sina Ethan, Hunt, Audi at Joyo kaya sila na ang nilista ko bilang mga gaganap na baso sa patalastas ng Rc.

"Eh 'yung lalakeng kulot, ikaw na lang Fred dahil kulot din naman ang buhok mo." sambit ko kay Fred na kagat-kagat pa sa bibig niya ang mansanas.

"Okay." ngisi niya lang sa akin na sinamaan ko naman ng tingin para umayos siya. Loko-loko pa naman ang isang to.

"Yung nanay? Sino?" tanong ko ulit.

"Si Bash na lang,medyo mahaba naman ang buhok niyan. Tsaka kamukha din 'yan ng Mama niya." mahabang sugestiyon ni Hunt na ikinamura ni Bash sa kanya.

"Tangina mo pre!" mura nito na tinawanan naman ng huli.

"Tita si Bash nagmumura!" sigaw pa ni Hunt na lalong ikinainis ni Bash sa kanya.

Napailing lang ako sa pagtatalo nilang dalawa. 

Bumaling ang tingin ko sa babaeng kapatid ni Bash na dala-dala ang laruan nitong manika. Malapit na ito sa may hagdanan ng mabilis akong napatakbo papunta sa gawi niya upang mapigilan lang ang pagkalaglag niya sa limang baitang na hagdan pababa ng bahay nila.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Bia na nagulat din dahil sa ginawang paghawak ko sa siko niya.

"Muntik ka ng mahulog Bia." sambit naman ni Bash na gulat pang napatingin sa akin. "Buti nakita mo." sambit niya na tinanguan ko na lang. Alam ko ang mangyayaring pagkahulog ng kapatid niya sa hagdan. Hindi naman malala ang pagkakahulog niya sanang iyon ngunit napilayan ang kaliwang paa niya.

Nang makabalik na ako sa kinauupuan ko kanina, mga nakatungangang nakatingin sa akin ang pitong uod maliban kay Bash na nakatingin pa rin sa papalayo niyang kapatid.

"Ano?" pairap ko pang tanong sa kanila na kanya-kanya din naman silang iling kapagkuwan.

"May vision ka bang di namin alam tutubi?" tanong ni Joyo na parang excited pa sa sasabihin kong sagot.

"O kaya power? parang sa xmen?" si Audi naman ang nagtanong.

"Tsk! Magpatuloy na nga tayo." suway ko na lang sa kanila dahil bigla kong narealize na binago ko na naman ang dapat na nangyari sa araw na ito.

Bigla kasi akong napaisip na nagbibigay kaba sa kalooban ko. Paano kung bawat pagbabagong ito ay may kapalit? Hays! Napailing na lang ako at napahugot na din ng malalim na hiningang tumanaw sa kapatid ni Bash. Paano kung maaaksidente pa rin siya kahit anong pigil kong salungatin ang dapat na nangyari sa kanya?

"Oli, okay ka lang?" napalingon ako kay Sandro ng tapikin niya ang balikat ko. Napangalumbaba na lang ako sa mesang pinagsusulatan ko kanina bago sagutin ang tanong niya.

"Hindi ko alam." sambit ko na lang. Ang daming pumapasok na mga bagay sa isip ko ngayon. Mga ala-ala at pangyayaring naganap na noon. Inaamin kong may mga bagay akong gustong baguhin ngunit nag-aalala ako na maaapektuhan nito ang mga bagay na nangyari na sa totoong panahon na pinanggalingan ko.

"Kurutin mo nga ako One, baka nananaginip lang talaga ako ngayon." sambit ko na nagtataka lang niyang kinunutan ng noo.

Tumaas na lang ang kilay ko sa taong pumitik sa noo ko na kaharap ko pala ng upo.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon