Chapter 10

25 5 0
                                    





Dumaan pa ang tatlong araw bago gumaling ng tuluyan ang sakit ni Jun. Ako ang nag-aalaga sa kanya habang may ginagawa si inay. Si itay naman ay bumalik sa destino niya kaya hindi na din kami nagkitang muli pero sabi naman ni inay ay uuwi din ito sa susunod na buwan.

"Tao po.." sambit ng tao sa labas kaya lumabas naman ako para tignan ito.

"Oli, andiyan ka lang pala.. nagpunta ako dito noong isang araw dahil may pinapasabi si Mrs. Caballero tungkol sa pagliban mo sa klase." sambit ni Mel ng makapasok na siya sa loob ng maliit naming bahay. "Saan ka ba nagpunta at sabi ng inay mo eh umalis ka na daw?" dagdag pa niyang tanong na hindi ko alam kung ikikwento ko ba sa kanya ang nangyari. Pinsan ko si Mel na ka-batch ko lang din pero nasa higher section siya.

"Ah, wala.. may pinuntahan lang ako Mel." sambit ko na pinili na lang ang huwag sabihin sa kanya ang totoo.

Nagkibit-balikat naman siya bago magsalita ulit.

"Pinapasabi pala ni Mrs. Caballero na kung di ka pa daw papasok ay ibabagsak ka na niya." sambit nito sa akin na non ko lang naalalang nag-aaral pa pala ako sa mga taon na ito. Tsk.

"Papasok na siguro ako bukas." nakangiwing sambit ko na lang kay Mel.

"Acquaintance na bukas kaya kailangan mo talagang pumunta dahil mahalaga ang attendance para sa ilang subjects natin. 'Yun kasi ang sinabi ng mga teacher. Kapag hindi daw umattend ay magbibigay sila ng project." paliwanag pa ni Mel na wala sa sarili kong tinanguan. 3rd year pala ako kaya kailangan ko talagang umattend dahil junior at senior ang highlights kapag may acquaintance sa Nanza.

"Wala akong susuotin Mel." nahihiya kong sambit sa kanya na inilingan lang niya.

"Iyan kasi, hindi ka kasi umaatend nung nakaraang taon kaya wala kang alam sa mga program na ganyan. Hayaan mo, pahihiramin na lang kita., hintayin mo ako dito at dadalhin ko na lang." sambit pa niya sa akin bago balingan ang kapatid kong si Jun. Napangiti naman ako sa kanya dahil naiintindihan niyang hindi ko pweding iwanan ang kapatid ko dito sa bahay dahil wala pa si inay.

Umalis sandali si Mel at may dala-dala na siyang floral dress pagbalik. May mga ruffles iyon sa may him pati na din ang balikat niyon. Hanggang tuhod ang haba nito na sakto lang sa tangkad ko. Mas lamang ang mga kulay dilaw na bulaklak nito kaysa sa ibang baby blue at green na design nito.

"Ang ganda Mel." sambit ko sa kanya ng maisukat ko na iyon.

"Bagay sayo insan." nakangiti naman niyang sambit sa akin. Pinaikot niya pa ako bago mahinang paluin sa balikat ko. "Sigurado akong magiging crush ka na din ng crush mo 'pag nakita ka niya sa ganyang ayos." sambit pa nito na di ko alam kung nagbibiro ba siya sa sinabi niyang crush.

"Anong crush ang sinasabi mo?" tanong ko naman sa kanya.

Makahulugan naman siyang ngumiti sa akin ngunit hindi na din niya sinagot ang tanong ko kaya hinayaan ko na lang. Siguro nga ay nagbibiro lang siya. Wala naman akong naging crush kundi ang nakilalang kpop ko lang sa future pati na din ang mga anime character.

"Sabay ka na pala sa amin bukas papunta sa school. Hapon gaganapin ang acquaintance kaya may oras pa tayo para mag-ayos. Ang tagal mo na ding hindi nakakasama sa barkada Oli kaya asahan mo ng nagtatampo sila sayo." tukoy niya sa mga kaibigan naming sina Ai, Ylyn at Cera.

"Pakisabi namiss ko na din sila. Hihi." sambit ko lang na nginiwian lang niya.

Lima kaming puro babaeng magkakaibigan mula noong elementarya. Si Ylyn ang naging bestfriend ko sa kanila pero nag-iba ang relasyon namin noong tumuntong na kami ng high school. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil magkaiba na kami ng section na pinapasukan. Iba na din ang nakakasama niya kaya lalong napalayo ang pagkakaibigan namin. Wala naman kaming samaan ng loob. Siguro kapwa na namin tanggap na lahat talaga ng bagay ay nagbabago.

Kinabukasan ay sinundo ako ni Mel matapos ang tanghalian. Nasabi ko na din kay inay ang program sa school kaya mabilis pa sa alas kwatrong pinayagan niya akong dumalo. Ito ang unang beses kong dumalo sa ganoong mga pagtitipon pero mas excited pa ata si inay kaysa sa akin.

"Make-upan kita." nahihiyang sambit ni Ylyn sa akin na inilingan ko lang.

"Hindi ako sanay, best." sambit ko na ikinangiti niya. Bestfriend ang tawagan namin noon na ngayon ko na lang ata natawag ulit sa kanya. Sa school kasi ay O na lang ang tawag niya sa akin at Y naman ang tawag ko sa kanya.

"Kunti lang naman. Tsaka lagyan ko na din ng lipgloss yung labi mo para lalong gumanda." suhestiyon pa niya na inilingan ko pa din.

"Hawakan niyo itong kamay ni best O para di makapalag." sambit ni Ylyn sa tatlong babaeng kasama namin sa bahay nina Mel.

"Oli para sa iyo din ang ginagawa naming ito. Maganda ka, pero kailangan mo pang magpagandang lalo para hindi ka matalo ng iba." sambit ni Ai habang hawak na ang kanang kamay ko.

"A-ano bang pinagsasabi niyo?" naguguluhan ko namang tanong sa kanila na katulad ng ginawa ni Mel ay ngumiti lang sila.

"Nababaliw na ba kayo?" nagtataka kong sambit na inilingan lang nila.

"Oli, huwag ka ng mahiya.. tanggap ka pa rin namin kahit pa may crush ka." parang baliw na sambit ni Mel habang may hinahagilap siyang kung ano sa kabinet niya. "Oh, eto suotin mo para bagay diyan sa damit mo." sambit pa niya habang nilalagay ang kulay itim na doll shoes na may desinyong maliit na kulay dilaw na bulaklak sa paanan ko.

Hindi naman ako makagalaw-galaw gawa ng dalawang baliw na humahawak pa rin sa magkabila kong kamay kaya siya na mismo ang nagsuot nun sa akin.

"Wow! Perfect! Ang ganda mo talaga prend.. bigay mo na lang si Bash sa akin." loka-lokang sambit ni Ai. Crush niya siguro ang uod na iyon.

"Bagay na bagay sayo ang ayos mo best.." puri ni Ylyn na pinagkibit balikat ko lang bago tignan ang hitsura ko sa salamin.

Napanganga pa ako ng tignan ko iyon. Hindi sa pagmamalaki pero, ang ganda ko! Hihi.

"Bagay sayo ang maiksing buhok mo Oli., Sana lahat may hugis pusong mukha at labi." puri naman ni Ai sa akin.

"Maganda din naman kayong lahat ah., kung makapuri kayo ngayon sa akin ay parang ang layo na ng agwat ng ganda ko sa inyo." sambit ko na tinawanan lang nila. Magaganda at sakto lang ang height ng mga kaibigan kong ito. May kaya pa ang pamilya kumpara sa kinalakihan kong pamilya.

"Maganda din kami Oli, huwag kang mag-alala." puri din ni Cera sa sarili niya.

Matapos ang paghahanda namin, sabay-sabay na kaming nagpahatid sa sasakyan nina Ylyn papunta sa Nanza. Hindi ko alam pero habang palapit kami doon, palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko na parang lalabas na ito dahil sa kabang hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

10.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon