Chapter 12

28 5 0
                                    



(Wherever you are by: One ok Rock)

Nung kinagabihan ng acquaintance party ay may bandang tumugtog. Nanlaki pa ang mata ko ng paborito kong mga kanta na may Japanese version ang mga pinapatugtog nila.

Malawak ang ngiti ko habang nakatingin lang sa stage at nakikinig sa pagtugtog ng banda. Mga songs ng japanese band na "one ok rock" ang kinakanta nila na aaminin kong nagpapasaya sa puso ko. Bigla tuloy akong kinilig.

"🎶Aishiteru yo, oh yeah.. Futari wa hitotsu ni
.. Tonight, tonight.. I just say."

..Wherever you are, I'll always make you smile..
Wherever you are, I'm always by your side
Whatever you say, kimi wo omou kimochi
I promise you forever right now." 🎶

Pakikisabay ko pa sa kanta. Tinaas ko pa ang kamay ko para damang-dama ko talaga ang pagiging fangirl ng mga hapon.

🎶 "Kokoro kara aiseru hito
Kokoro kara itoshii hito
Kono boku no ai no mannaka ni wa
Itsumo kimi ga iru kara"🎶

Hanggang sa matapos ang kanta ay nakataas pa rin ang kamay ko kaya nagulat na lang ako ng matawag ang pangalan ko.

"Hala!" gulat ko pang sambit ng marinig ang pangalan ko. "Bakit?" parang baliw na tanong ko sa mga kasama ko na nagsibabaan pa ng tingin habang pasimpleng ngumisi.

"Miss Olivia Samaniego, please come here at the stage." sambit ni Kenzo na ikinahiyaw ng mga baliw na studyante.

"Potangina!"

"Your mouth Olivia!" suway ni Stone sa malutong kong pagmumura.

"Anong gagawin ko doon?" baling ko naman sa kanya na pinagkibit balikat lang niya.

"You raise your hand kaya your going to sing with the band."paliwanag niya na lalo kong ikinagulat.

"Fangirl lang ako hindi ako singer!" angal ko sa kanya.

"Olivia." tawag na naman ni Kenzo sa akin na tinulungan pa ng vocalist ng banda kaya hiyang-hiya akong tumayo upang mapilitang pumunta sa stage.

Naghiyawan naman ang buong 3rd year habang naglalakad pa lang ako. Ngayon ko lang tuloy narealize na marami palang baliw ang Nanza High. Humugot muna ako ng lakas ng loob bago pumanhik sa hagdan. Inabot pa ni KenZo ang kamay niya sa akin upang alalayan ako sa pag-akyat kahit kaya ko naman.

Ngumiti siya sa akin kaya pilit na lang din akong napangiti sa kanya. Punyeta! Kami ata ang highlight sa gabing ito.

Nasilaw ako ng bumaling ako ng tingin sa mga uod kong kasama na nakaupo pa rin sa lamesa. Takte! Wala man lang kasing nagmagandang loob na ibaba ang kamay ko. Tsk.

"Hi." nakangiting bati ng vocalist sa akin.

"Hello po." nahihiyang balik na bati ko din sa kanya na bahagya niya pang tinawanan. Siguro dahil nag-po ako sa kanya na halos kaedad lang din ata siya nitong si Kenzo.

"Your beautiful huh. . Ang swerte ni Ken." pabiro pa nitong sambit na halos hantaran ko ng ngiwian. Peke na lang akong napatawa sa sinabi niya.

"What do you prefer? Guitar? Keyboard o drum?" tanong pa nito sa akin. Wala na talagang urungan ito.

"Guitar na lang." sagot ko na lang sa kanya.

"Really? You played a guitar?" amazed naman na saad ni Kenzo na tinanguan ko lang. Natutunan ko ang pagtugtog ng gitara sa future dahil sa pinsan kong si Rio.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon