Chapter 14

27 5 0
                                    





"Oli diba sabi mo isipin ko na lang na first kiss kita. Hihi." nakangising sambit pa ni Hunt ng maiayos na niya ang kamay ko sa dibdib niya.

"Gago!" mura ko lang sa sinabi niya. Boang talaga.

"Eh diba sinabi mo yun." nakanguso pa niyang sambit na inikutan ko na lang ng mata. Mantitrip na naman ang isang 'to. "Iisipin ko na lang din na first dance kita ngayon." dagdag pa niya na nanatili pa ring nakanguso ang bibig niya.

"Eh bakit? May iba ka bang nakasayaw bukod sa akin?" taas kilay kong tanong.

"Wala. Hihi." nakangisi na naman niyang sagot.

"Eh, wala naman pala..  edi ako nga ang first dance mo..—

"Tsaka first kiss tutubi, isali mo din 'yun." dagdag niya pa sa sinabi ko kaya sumama ang tingin ko sa kanya.

"Uod ka Hunt! Huwag mo ngang babanggitin yun. Nakakahiya!" suway ko sa kanya na tinawanan lang din niya.

Sumunod naman na nakipagsayaw sa akin si Bash. Sumaya pa ang saliw ng tugtog kaya imbes na isayaw niya ako katulad ng tatlong nauna, para kaming mga timang na nagheheadbag dahil sa tugtog na 'hallelujah' ng rivermaya. Nakisali na din sa amin ang iba kaya umingay ang gitnang bahagi nitong quadrangle dahil sa kalokohang pinaggagawa nila.

Matapos ang kanta, niyaya ko na silang bumalik sa mesa dahil nabawasan na din naman ang hilong nararamdaman ko kanina dahil sa uod na si Fred.

Nagsayawan pa rin ang ibang studyante sa gitna malapit sa stage. Nakita ko ang mga babae kong kaibigan na papunta sa gawi namin kaya hinintay ko naman ang paglapit nila.

Tumango lang sila sa mga kasama kong uod bago ako niyayang pumunta sa gitna. Aayaw na sana ako ngunit hinawakan na nina Ai at Cera ang magkabilang kamay ko.

"Hoy! Hindi ako marunong sumayaw." angal ko pa sa paghila nila.

"Huwag kang mag-alala Oli, magaling naman sumayaw si ano—

"Huh?" nagtatakang tanong ko kay Ylyn ng hindi naman niya tinapos ang sinabi niya.

Nang makarating kami sa gitna, saktong bumalik ang mabagal na tugtog ng musika na ikinatingin ko sa paligid ng dahan-dahan din silang umalis doon. Yayayain ko na din sanang umalis ang mga kasama ko ng pigilan nila ako upang manatili lang doon.

"Oi, punyawa! Ano 'to?" mura ko pa kay Ai na nakangisi lang akong iniwan.

Napatingin ako sa gilid ko ng may biglang tumikhim. Matamis pa siyang nakangiti sa akin at gwapong-gwapo talaga siya sa suot niyang kulay gray na polong tinupi pa niya hanggang siko.

"Can I dance with you Via?" tanong niya sa akin ngunit natutulala pa rin akong nakatitig sa kanya.

"Kenzo?" patanong ko lang na tawag na hindi ko mapaniwalaang nagaganap ang ganitong tagpo sa mga sandaling ito.

"Please say yes Via." nakikiusap pa niyang saad na kibit-balikat ko lang na sinagot.

Sayaw lang pala ang gusto niya., bakit may paganito pa siya? Nalibot ko muna ang tingin ko sa paligid at nagtatakang tinignan ang mga studyanteng wari'y pinapanood lang ang galaw namin. Pinag-gagawa nila?

Naramdaman ko ang paglapit ni Kenzo sa akin tsaka niya inabot ang kanan niyang kamay. Napatunganga naman akong tumitig sa kanya na parang hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Potcha! Na-shock pa ata balun-balunan ko sa mga pinapakita niya ngayon.

"Sure ka talaga dito Ken?" nakangiwi kong tanong na bahagya niya namang tinawanan. Joker ba ako? Ang hihilig kasi ng mga taong tumawa kapag nagsasalita ako.

"Ano bang tanong 'yan Via?" natatawang tanong naman niya ng inabot ko na ang kamay niya.

"Kasi ano.. hindi ko lang expected na gagawin mo ang ganito.." sagot ko na tinawanan na naman niyang muli.

"I'm Ken.. Kenzo Martinez.. and I can do all even for you Via." nakangiti niyang sambit na kasabay nun ang paghapit niya sa beywang ko.

Napatikhim ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Di pa rin ako makapaniwalang nakatitig sa mga mata niya pati na din ang hitsura niya. Ang gwapong lalake nitong si Kenzo, matangos ang ilong niya, bahagyang singkit ang mga mata. Mapupula ang labi niya at matalino din na sigurado akong hinahangaan ng lahat pero hindi ko talaga makita sa sarili ko na magkakagusto ako sa kanya. Alam kong nabigyan lang siya ng maling chismis kaya niya ito ginagawa. Inakala niya talagang crush ko siya dahil kapangalan niya ang mga idol at gusto kong anime character. Jusmeyo! Hindi ako pa-fall pero takte mukhang mapapasubo pa ata ako sa isang 'to.

Rinig ko ang hiyawan ng mga babae na parang sila pa ang kinikilig sa nakita nila.

"This is my best night ever." sinsero niyang sambit na hindi ko alam kung anong sasabihin kaya tinanguan ko na lang.

"What about you Via?" tanong niya pa sa akin kaya bigla naman akong napaisip.

"Ah, hihi." nagpilit pa ako ng tawa bago siya sagutin. "Best night ko din 'to.. oo.. hihi. Kaya lang nakakahiya." dagdag ko pa na tinawanan na naman niya. Happy siya.

"I'm ashame too but i really wanted to have a dance with you." sinsero na naman niyang sambit na nginitian ko na lang.

"Ano ka ba? Pwede mo naman akong isayaw kahit may ibang tao tayong kasama dito. Haha." pilit kong tawa kaya napakamot naman siya ng ulo niya na parang ngayon lang talaga nagsink in sa kanya ang hiya.

"Tsk.. alam mo ba ang bansang Japan Ken?" tanong ko na lang upang mawala ang awdward sa pagitan naming dalawa. Tumango naman siya sa akin kaya ngumiti na din ako sa kanya.

"Japan is one of my favorite place.. and 5 years from now ay magkikita tayo doon.." sambit ko na kahit nagtataka man siya sa narinig niya ay tumatango-tango na lang din siya.

"It's my favorite place too Via.. and I'm happy to know na magkikita pala tayo doon." sambit niya.. "may date ba tayo sa bansang iyon?" dagdag pa niya na nagpahagalpak na ng tawa sa akin.

Natawa na din siya ng mapagtanto niya siguro ang sinabi niya.

"It's yours to find out kung ano ang gagawin natin sa Japan after 5 years." nakangiti kong sambit sa kanya na masaya na lang din niyang tinanguan.

Five years from now ay magkikita kami ni Kenzo sa Japan with his boyfriend. Yeah, Kenzo Martinez is a handsome bisexual kaya hindi ko talaga siya pwedeng magustuhan. Siguro sa mga panahong ito, natatakot at nag-aalinlangan pa rin siyang ipakita ang totoong siya pero sa panahong naging kaibigan ko na siya sa future doon niya pinakita sa akin ang totoong siya. Doon niya mas minahal ang tunay na Kenzo Martinez.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

14.

Me and the Group 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon